I never got to ask Dia about the strings, mukhang wala din naman siyang alam eh. As soon na nakauwi ako, nagexcuse nalang ako kina mama na medyo antok ako nung nagising ako at nananaginip pa kaya nagkaganon ako.
Tinawanan ako ni ate at binatukan ni Sky.
Amp, feeling close.
Si Mama naman ay pinaulanan ako ng paaral na hwag basta bastang umaalis ng wala manlang pasabi kahit na nagsabi naman talaga ako.
Pagkatapos non ay kumain na kami, it was pretty weird for me kasi napansin ko na ng mas maayos ang strings namin.
Nakaconnect yung tatlong asul na string kina mama, Ate Kay at Sky. Medyo dark ung kay Sky.
Kay Mama naman ay may dalawang dilaw, tatlong asul, at isang pula na medyo dull colored.
Kay Ate Kayleigh naman ay may tatlong dilaw, apat na asul, isang kulay green, at isang kulay puti, just like mine.
Kay Skynex naman ay may apat na blue, dalawang dilaw, at isang pink, wala siyang puti.
So far feeling ko yung asul ay para sa pamilya at yung dilaw ay para sa kaibigan.
May dalawang kaibigan kasi si mama, si Tita Jaq at Tita Joy.
Si Ate naman ay tatlo, Si Kuya Jhasper, Ate Jenna at Kuya Julius. Dahil puro J ang kaibigan niya alam mo bang JK ang name ng squad nila?
Si Sky naman— halos pito silang magtrotropa ang alam ko, pero dadalawa lang ang nakikita kong dilaw sa kaniya.
Sa akin naman...
Minasdan ko ang mga sinulid sa aking hinliliit habang nakahiga sa kama, limang dilaw...
Si Diamond isa na don, sigurado.
Si Eliza, possible. I mean true friend ko yun eh.
Si Fana kahit minsan lang kami magkita pag kaibigan kami non.
Si Vanessa, sure ako don.
At siguro, si Levi ang aking kababata.
"Err body say Lalalala~ Say Lalalala—"
Speaking of. Tumawag si Levi.
Sinagot ko ang tawag at mabilis na nagsalita si Levi "Amari, samahan mo ako." aniya agad nito.
"Saan?" hayst, san na naman kaya pupunta itong galang maliit na ito? Maliit tawag ko sa kaniya kasi siya pinakamaliit sa boys pero mas matangkad talaga yan sakin eh.
"Magwi-withdraw ako sa banko. Tapos kakain, libre ko na." Sagot niya, okay! Libre daw eh.
"Sige pre, san tayo magkikita?" natahimik ang kabilang linya ng kaunting oras "Ah dadaanan kita dyan mga after one hour from this call."
"Okay, sabi mo eh, Libre yan ha."
"Oo. "
"Tayo lang?" tanong ko, barkadahan kasi kami usually naalis eh, kaya bihira ang dalawahan lang, lalo na si Levi siya lang kasi lalaki samin, alam niyo na maiissue kami sa school.
"Grounded daw si Ketlogs at si Arvi naman ay tutulog daw, kulang sa tulog yun kakagawa ng assignments eh."
Assignment? Diba sabado? Grabe talaga si Arvi, napaka sipag.
"Ge, RIP ka Ketlog." aniya ko kaya naman tumawa si Levi sa kabila "Oo nga RIP, Ketlog."
Kit talaga pangalan non, Ketlog lang nickname niya.
"Sige mag aayos nako." Paalam ko kay Levi, nagpaalam din siya bago ibinaba ang linya.
Napatingin ako sa mga sinulid
You know what? Just because nandyan kana ay titigil na ang buhay ko, hah. Asa.
So I got ready, to meet Levi.
::
"Mari! Bilisan mo dyan, naandito na kadate mo!" sigaw ni mama sa baba, I let out a scandalized gasp
"Ma! Anong kadate?!" sigaw ko pabalik habang inaayos ang aking sapatos "Tsaka nagsasapatos nako!"
Pagkatapos ko magsapatos ay agad na rin akong bumaba, pero pinigil ako ni Sky ng makababa ako ng hagdan.
"Ow?" tanong ko dito, tumigil siya at may kinuha sa bulsa niya, halos mapaluwa ang mata ko sa inabot niya.
Five hundred pesos!
"A–akin nalang yan?" tanong ko, tumango siya "Ewan ko kung bakit bigla kang bumait pero salamat, Sky." Sabi ko sabay tapik sa kanya.
Wala naman siyang imik, hayst ano kaya iniisip non?
Nakarating nako sa living room at nandon si Kayleigh kausap si Levi.
The first thing that caught my attention was the string that was attached to Levi. It was green that fades into yellow, naka-konek sa yellow string ko.
Ano nga ba meaning nung green? Meron din si Ate Kay eh.
"Oh, Mari antagal mo, chinika ko muna boyfriend mo." tinarayan ko lang si Ate Kay "Boyfriend ka dyan, kaibigan ko lang yan." aniya ko.
Kayleigh patted Levi in the back "Pasensya ka na sa kapatid ko, bitter yan eh." napatawa naman si Levi.
Oh diba pati siya, di makapaniwala kay ate.
"Oo na nga, sige friendzone mo lang ako." sabi niya. Levi wore an oversized white t-shirt at pantalon na itim.
"Levi wag ka mag-alala, pag walang wala nako, ikaw talaga ang aasawahin ko HAHAHA!" pabiro kong sabi.
Tumawa lang siya kasabay ko.
"Oh halika na?" aya niya
Nagpaalam na kami kay mama at umalis na..
—TO BE CONTINUED
–HAHAHA, short ud muna, kasing liit ni Amari noh? Sa tingin nyo sa ung green string?
YOU ARE READING
The Red String.
Teen FictionAmari Clavious doesn't really believe in the Red String of Fate, or more so bitter lang talaga kasi siya. With her age of 16, lalo na sa panahon ngayon, iisipin mo nagkajowa na siya at nakaranas ng 'love' but Amari, stayed single. And when someone l...
