Jayme's POV
Thursday na ngayon at masaya ako dahil nandito na sila nanang. Ang mga kasama ko sa island. Kaya pala ako ako hindi nasundo ni kuya carlos kahapon ay dahil sinundo nya sila. Nanang is like a grandmother to me.
I tried making shrimp menbosha as our breakfast. Nung una ayaw pa akong hayaang magluto ng mga kasambahay pero mapilit ako kaya hinayaan na nila ako pero nag-volunteer silang tulungan ako na pinayagan ko naman dahil alam kong hindi sila magiging kumportable na nagluluto ako at wala silang ginagawa.
Sa totoo lang, sanay ako sa gawaing bahay. Simple lang ang buhay sa isla kaya natuto ako doon.
After namin kumain nila nanang at kuya carlos ay umakyat na ako para mag ayos sa pagpasok. Hindi ko alam pero pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari ngayong araw. I don't want to think about it kaya pinagsawalang bahala ko na lang. Si carl ang susundo sakin ngayon at sabay na kaming papasok.
Saktong pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si carl na akmang kakatok.
"Morning, Ready to go?" Tanong nya habang nakangiti
"Yup. Morning" sagot ko na nakangiti rin
"Mukhang maganda ang gising natin ngayon ah" sabi nya habang papunta kami sa harap ng bahay dahil nandon ang sasakyan nya
"Don't ruin the mood, carl. I'm just happy because nanang is here now" balik ko. "Daan muna tayong kitchen para kunin yung pinack kong menbosha" dugtong ko
"Nagluto ka?" Tanong nya at halatang excited pa. "Penge ako" sabi nya na parang batang nanghihingi ng candy
"Wag kang mag alala, marami akong ginawa kaya kuha ka na lang din sa kitchen" sagot ko habang natatawa sa ginagawa nya. Hindi ko alam pero lagi syang ganito pagnalalaman nyang nagluto ako
Binilisan naman nya ang lakad na parang nakikipag unahan. I felt happy inside pag nakikita kong gusto nila yung mga niluluto ko.
Pagkakuha namin ng packed foods ay lumabas na kami. Pinigilan ko sya nung pagbubuksan nya na ako ng pinto ng sasakyan. "Why don't you let me drive today?" Sabi ko sa kanya
Napa isip naman sya at nung nakita kong tatanggihan nya ako ay kinuha ko sa kamay nya yung menbosha na kakainin sana nya. "No menbosha for if you won't let me drive" asar ko sa kanya
"Jayme, alam mong wala ka pang lisensya" kontra nya. Akmang isusubo ko na yung pagkain ng bumigay na sya
"Okay okay, you win. Now give me back my food, please" pinagdikit nya pa yung palad nya na parang nagmamakaawa talaga. Natawa naman ako at binigay na sa kanya yung pagkain
He gave me his car key at sumakay na kami. "Lock your seatbelt, carl" ngisi ko sa kanya at sinuot naman nya ito
Pinaandar ko na yung kotse at nung medyo malayo na kami sa bahay ay bigla kong binilisan.
"Jaymeee!! SLOW DOWN! AYOKO PA MAMATAY JUSKO!!" hiyaw ni carl pero tinawanan ko lang sya at mas lalong pinabilis pa ang pagmamaneho
Nakarating na kami sa parking lot ng university. "I will never let you drive again *sigh*" sabi ni carl at hawak pa ang dibdib nya
"What? Hahaha wag kang OA, carl. We arrived safe and sound at maaga rin tayo" sabi ko habang tumatawa
"Basta wag ka na magdrive ng ganun kabilis ulit dahil wala naman tayo sa karera. Tara na, hatid na kita sa room mo" suko nya at inaya na ako pumasok
Pinagtitinginan kami habang naglalakad. I feel uncomfortable with their stares. Napansin naman ni carl ang pagiging uncomfortable ko.
"Wag mp silang pansinin, jayme" at hinila nya ako at mabilis na hinatid sa room. Nagpaalam na sya nung nasa harap na kami ng room.
Konti pa lang ang tao dahil medyo maaga pa naman kaya umupo na ako sa likod sa tabi ng bintana. Nilabas ang librong hindi ko pa tapos basahin.
Hindi pa ako tumatagal sa pagbabasa nang may maramdaman akong mga taong nakatayo sa harap ko kaya napaangat ang tingin ko. Nakita kong may tatlong babaeng masama ang tingin sa akin.
"Stay away from my carl at kung hindi, baka pagsisihan mong pumasok ka sa university na ito, nerd" sabi nung babaeng nasa gitna.
Umalis naman sila pagkatapos pero naguluhan ako dahil "my carl" daw. Hindi ko sila maintindihan dahil kailan pa nya naging pagmamay ari si carl?
Since hindi ko naman maintindihan yung nangyari, bumalik na lang ako sa pagbabasa. Hindi ko alam kung nananadya na ba ang panahon dahil hindi pa ako nakakatagal sa pagbabasa ay dumating sila dan at mukhang may pinagtatalunan sila ni kira dahil halos magsigawan na sila.
Itinago ko na ang librong binabasa ko at saktong nakalapit na si dan at umupo sa tabi ko.
"Morning, jayme" bati nya. "Ikaw jayme, anong tingin mong mas maganda panoorin, sunrise or sunset?" Tanong nya sakin na yun ata ang pinagtatalunan nila
"Yung moon. The moon look perfect together with the stars" natahimik sila sa sagot ko
Dan cleared his throat and said "mga baks, itigil na natin ito, may nanalo na" at tumawa sila
Nagsiupo na sila at saktong dumating na rin ang prof namin. Naging mabilis lang ang mga klase kaya dumating din agad ang lunch time.
Paglabas namin ng room ay andun na si carl na may kasamang kaibigan nya ata. Allen daw ang pangalan. Kaklase nya
Habang naglalakad papuntang U-can ay nadaanan namin yung papuntang garden. Wala sa sariling doon ako pumunta. Tutal may dala naman akong pagkain, dito na lang ako kakain at magbabasa na rin nung librong binabasa ko kanina
Danny's POV
Malapit na kami sa U-can nang mapansin kong wala si jayme kaya bigla akong napatigil. Tumigil din naman ang mga kasama ko at tinanong ako kung anong problema
Inikot ko ulit ang paningin ko baka nalagpasan ko lang sya ng tingin pero matangkad si jayme kaya imposible yun
"Nakita nyo ba si jayme? Nandito lang sya kanina" tanong ko at napatingin kay carl dahil bigla nyang inilabas ang phone nya. Mukhang may tinatawagan sya pero mukhang hindi ito sumasagot dahil halata sa expression ng mukha nya.
May dinial ulit syang number at medyo lumayo samin. May kausap sya at seryoso ang mukha. Bumalik sya samin after nung call. Hindi naman nagtagal ay nakatanggap sya ng text.
"Alam ko na kung nasaan si jayme. Bili muna tayong makakain tapos dun tayo kakain sa kung nasan man sya" sabi nya at napahinga ng malalim. Mukhang nag alala talaga sya kay jayme
Tumuloy na kami sa canteen at nagpabili na lang ako kay dan ng pagkain para isang pila na lang kami. Habang nag aantay, napaisip ako. Tao ba ako? Ay joke! Hahaha. Naisip kong hindi ko pala nahingi ang phone number ni jayme. Wala ni isa samin ang may alam ng number nya maliban kay carl
Gusto ko sya makilala ng lubos. She's actually my type pero hindi ko alam kung ano tingin nya sa LGBT community.
Is she against it? Pero okay naman sa kanya si dan. I don't know but i want to test the waters.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Sorry ngayon lang dahil kakatapos lang ng prelims namin kahapon and medyo naghanap din ng inspiration. Thank you sa mga nagbabasa kahit ang corny ng kwento.
-gen
YOU ARE READING
A Beautiful Nerd (GxG)
RomanceShe is beautiful, good at academics, athletic and has a body to die for but she always wear her big reading glasses even though she got a perfect eyesight, and also she wears baggy shirts so no one notices her curves unless you see a glimpse of it...
