(Chapter 24) - Series Finale

Start from the beginning
                                    

 

As the traffic light turned “green”, Julie made her choice. 

My Girl, My Friend

(Chapter 24 – First Kiss, Last Goodbye)

  

ALVIN

Umupo ako sa may bandang likod ng chapel, umaasang maya-maya lang ay maaring dumating si Julie, ang babaeng gusto kong pakasalan. Handang-handa na ako. Nakasuot na ako ng coat and tie. Pawisan na ang dalawa kong kamay.

Maliit lang ang chapel, pero maganda. Tahimik ang paligid. Kaya naman naisip kong dito dalhin si Julie. Simple yet elegant.

Ilang minuto lang ang nagdaan at biglang bumukas ang pintuan ng chapel. Maingay pa ang pagkakabukas dito dahil luma na rin ang kahoy na materyales. Napalingon ako sa likod. I sighed. Tama ang hinala ko. It was Julie.

Ang ganda niya habang nakasuot ng wedding gown. Her face resembles that of the Virgin Mary. Napaka-angelic. She was even holding a small bouquet of flowers. Kasabay ng pagpasok niya ang pagsinip ng sinag ng araw sa chapel.

“Julie, buti dumating ka.” natutuwang sabi ko. Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at agad kong hinawakan ang kanang kamay niya. Napakalambot ng kamay niya. It was like I want to hold it forever.

“Teka, tatawagin ko na si Father.” excited kong sabi sabay bitaw sa kanyang kamay. Patakbo na sana ako papunta sa harapan para ipaalam sa pari na matutuloy na ang kasal, ngunit pinigilan ako ni Julie.

 “Kuya Alvin…” mahinahon niyang sabi.

Kuya Alvin. Agad akong kinutuban sa aking narinig. Sinabi niyang umupo na muna kami para makapag-usap. Pero para saan pa?

“Kuya, I’m so sorry. Hindi ko maaaring iwanan si Josh.” bigla niyang sabi.

“Bakit? Eh ako naman talaga ang mahal mo diba? Nararamdaman ko.” pilit kong dinidiin habang mahigpit kong hawak ang kamay niya.

Biglang naluha si Julie. Nakikita ko sa mga kilos niya na nahihirapan siya sa sitwasyon. Ilang saglit lang ay naglabas siya ng saloobin.

“Alvin, mahal naman kita eh. Mahal na mahal. Pero, hindi ko alam kung bakit si Josh pa din ang gusto kong pakasalan. Hindi ko alam kung bakit siya pa din ang gusto kong maging tatay ng mga anak ko.” paliwanag niya.

Patuloy pa din ako sa pakikinig sa kanya.

“Siguro dahil, ‘yun ang tama. Siguro dahil, siya ang dapat kong mahalin at pakasalan. Mahal na mahal ko din naman siya eh. Pero what’s the difference between you and Josh?”

Kumuha siya ng tissue mula sa kanyang pouch bag at nagpunas ng luha habang patuloy na nagsasalita.

My Girl, My FriendWhere stories live. Discover now