PROLOGUE

307 16 0
                                    

.....................


Kung kayo ang tatanungin ko! anong klaseng papamuhay ang gusto nyo? yung malaya ka or yung nagtatago ka sa mundo?


Yung tipong di mo man lang masilayan kung ano ang itsura sa labas. Kung anong klase ba ang meron sa labas at ang kanilang mga ginagawa dahil nakakulong ka lang naman sa napakalaking pamamahay. Di mo man lang marinig ang mga kakaibang tinig maliban sa tunog ng mga ibon at ng mga naglilipadang dahon.


Puro sila na lang yung nakikita mo! kahit anong tanong wala man lang akong makuhang sagot, bakit? bakit di nyo man lang ako palabasin dito? bakit kailangan ng ganto? bakit pinararanas nyo sa akin ang ganto? di ko maintindihan kung bakit kailangan ko pang magtago sa mga tao. Di man lang nila alam na kung sino ako, na may nabubuhay pa lang ako.


Yan lang naman ang laman ng isip ko hanggang sa patanda na ako ng patanda ay nakaisip ako ng isang paraan na alam kong ako lang din naman ang makakalutas ng tunay na sagot. Kung bakit kailangan ko pang mamuhay ng patago at hindi ko man lang naranasan ang isang simpleng buhay na hinahangad ko.


At dito na nagsimula ang kwento ko kung saan lumaki ako ng puro lihim at walang kaalam alam sa mundo, puro patago ang mga kilos ko.


Hanggang sa isang araw nagulat na lang ako na ipapasok nila ako sa isang school na hindi ko naman naka sanayan.


Ano na kaya ang mangyayari sa akin? makasalamuha sa maraming tao kung saan ang kinalakihan ko ay bilang lang ang taong nakakasama? Makilala ang iba't ibang tao na hindi ko na lang sana hinangad. Maranasan ang mga bagay na hindi ko inaasahan.


At itutuloy ko pa kaya ang dati ko lang pangarap na maging isang simpleng tao kung saan ganto lang naman pala ang mararanasan ko. At hinihiling ko na lang sana na hindi ko sila nakilala dahil nag iba talaga ang ikot ng mundo ko ng makilala ko sila na siyang ikisisisi ko sa buong pagkakataon.


Ng dahil sa kanila, naranasan, naramdaman, nakita, nagawa ang mga bagay na hindi ko inaasahan....


****


Isang nakakapagod na araw, ako'y nasa bahay ng isa sa aking kaibigan dahil inabot na ako ng hating gabi at dahil dala ng pagod galing sa San Pedro.


Nagkaroon lang naman ng di pagkakaintindihan ang aking kapatid at kaniyang boyfriend, kaya tinulungan ko sila upang magkaayos, dahil na din sa mahabang byahe ay di ko na nakayanan pang tumuloy sa aking condo.


Nagising na lang ako sa guest room Ng aking kaibigan. Bumaba na ako para makapagpasalamat at aalis na din dahil may gagawin pa ako lalo't first day ng school ngayon. Pagbaba ko nakita ko na agad siyang kumakain ng agahan.


" Oh gising ka na pala, Good morning! " sabi nito habang ngumunguya. Akmang magsasalita na ako ng unahan ako nito.


" Aalis ka na, di ka man lang kakain? "


Agad ko na itong tinanguan bago pa itong magtanong ng maraming bagay. Hindi ko na kasi nagawang magpaliwanag sa kanya na di ko naman talaga gagawin, baka isumbong pa ako nito.


Linapitan ko siya at saka tinapik ang balikat. " Yes I'm leaving, sorry sa istorbo kagabi and thank you sa pagpayag na dito ako matulog " Sabi ko ng naka seryosong mukha at boses.


" Wag mo pala sabihin kay Mike na dito ako natulog, magtatanong lang yun at baka isumbong pa ako " sabi ko sa kanya at saka ngumiti


" Baka bantayan na naman din ako nun " pahabol ko pa.


Kinain muna niya ang pagkain saka ako tiningnan ng seryosong mukha. "Bakit? di ka ba nagpaalam?! ".


I swallowed hard before I answer her question baka manghinala ang isang ito. Magaling pa naman itong kumilatis ng tao, baka kung ano pa ang sabihin nito pagnagkataon.


" Umm, oo ayaw ko kasing magpasama sa pinuntahan ko at wag kang mag alala ok lang naman walang nakakita sa akin at wala namang nagtangka "


" Ok di ko sasabihin, pero pag nalaman kong may nangyari sayo at may ginawa ka sasabihin ko ang alam ko " sabi niya.


Tsk! wala namang alam kundi ang nakitulog lang. At umalis na ako sa mansion.


Di pa naman ako ganun nakakalayo ay nagsuot na ako ng cap at mask upang walang makakilala sa akin. Mukang maglalakad ako dahil iniwan ko kung saan ang kotse ko. Hayst


Habang naglalakad ako (doon ako dumaan sa madaming tao para walang makapagtanka at makahanap at para wala ding makakilala sa akin o makita man lang ang itsura ko, na wala namang nakakakilala sa akin) may napansin akong sumusunod sa akin kaya binilisan ko ang paglalakad.


Habang naglalakad ako na mukang nawala ko na sila ay may nasagi akong lalaki kaya nahulog ang mga dala niya na ikinatagal ko pa dahil nagalit siya sa akin.


" What the f*ck " inis na sigaw niya dahil natabunan ko pala siya ng pagkain na dala niya. Akma na akong aalis dahil nakita ko na uli ang mga humahabol sa akin ay sinigawan na naman niya ako na ikinahinto ko.


" What the hell di ka man lang ba magsosorry sa ginawa mo ha! " Sabi niya kaya napa tsk na lang ako at tinalikuran na siya dahil malapit na ang mga humahabol sa akin.


Nasa may sulok ako nagtago dahil hingal na hingal na ako sa paglakad at pagtakbo ng mabilis. Habang nagpapahinga ako bigla na lang nagpakita ang mga humahabol sa akin sa harapan ko, para bang isang hangin na bigla bigla na lang sumusulpot. Binaba ko pa ng kaunti ang aking cap at tinaasan ang mask upang di nila makita ng lubusan ang aking mukha.


" Nǐ shì shèpín " (" you are rf") sabi noong nasa gitna na mukang leader nila, hindi ko sinagot dahil bawal nilang marinig ang aking boses


" Tsk... " sagot ko saka ko sila pinagsisipa at pinagsisiko para makaalis na ako. Lumaban sila na mukang ako talaga ang hinahanap nila. Medyo natagalan pa nga ako na patumbahin sila, sa dami ba naman nila.


Noong natalo ko na sila ay may nakita akong kapareho ng suot nila at madami kaya tumakbo na ako dahil mukang may armas sila at wala na akong laban doon dahil pagod na rin naman ako at baka ito pa ang maging sanhi para mahuli nila ako.


Habang tumatakbo ako ay may biglang humigit sa akin at tinakpan ang bibig ko, kinabahan naman agad ako dahil baka isa siya sa naghahabol sa akin at baka may binabalak siya sa aking masama. Baka parte to sa plano nila.


Aghhhhh...


****



Embracing SimplicityWhere stories live. Discover now