Ang Huling Kabanata

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ikaw naman kasi, kahit okay naman na yong kompanya niyo, puro ka pa rin trabaho. Ayan tuloy, mas nagiging makakalimutin ka na ngayon. Subukan mo kayang magpahinga kahit saglit lang. Just like what Vhong said the last time we talked, at least try taking a week off from work, para naman marelax ka kahit papano," suhestiyon ni Anne sa telepono ngunit napailing lang si Vice.

"Alam mo namang ayokong nagbabakasyon. Ayokong tumunganga lang. Mas gusto kong may pinagkakaabalahan ako, para naman hindi ako mag-isip ng kung anu-ano," sagot ni Vice at muling bumusena dahil hindi pa rin talaga siya nakakausad.

Mabilis namang inilayo ni Anne ang telepono sa kaniyang tenga nang marinig ang malakas na busena ni Vice, "Baks, can you calm down? Wala namang magagawa yang inis mo sa pag-usad ng traffic. Mas lalo lang iinit yang ulo mo eh. Try turning on the radio and listen to some songs, para naman maaliw ka diyan habang naghihintay."

Akmang sasagot sana si Vice nang marinig niya ang mahinang pagtawag ni Vhong kay Anne sa kabilang linya, "Oh wait. I think I have to go. The husband's calling, baka may hindi na naman mahanap yon sa cabinet. Dumaan ka nalang bukas dito sa bahay para hindi tuluyang magtampo sa'yo tong inaanak mo," magsasalita pa sana ulit si Vice nang unahan na siya agad ni Anne. "And no excuses. Sabado bukas kaya alam ko na hindi mo kailangang pumasok sa opisina. She'll be expecting you here, so don't forget, okay?"

Napabuntong hininga naman si Vice nang ibinaba na ni Anne ang telepono nito. Tumahimik bigla ang loob ng sasakyan at napahilamos siya ng mukha dahil mabagal pa rin ang pag-usad ng trapiko.

Dahil sa pagka-inip ay sinunod nalang niya ang suhestiyon ng matalik na kaibigan at binuksan ang radyo. Sandaling pinakialaman ni Vice ang mga pindutan ng radyo ng sasakyan hanggang sa nakapili na siya ng istasyon na maari niyang pakinggan.

Put your head on my shoulder
Hold me in your arms, baby
Squeeze me oh-so-tight
Show me that you love me too.

Bigla na lang natigilan si Vice nang tumugtog ang kantang iyon sa radyo. Matagal ng sikat ang kanta at matagal na rin niyang alam iyon ngunit ngayon na lamang niya ito narinig ulit.

Wala sa sarili siyang napahawak sa kaniyang dibdib dahil sa biglang pagkabog ng kaniyang puso. Hindi rin siya agad nakalagaw at pinagpatuloy nalang ang taimtim na pakikinig sa awitin.

Put your lips next to mine, dear
Won't you kiss me once, baby?
Just a kiss goodnight, maybe
You and I will fall in love

Sa pagkakataong iyon, hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niyang lumbay dahil sa kantang kaniyang napapakinggan. Para bang may hinuhukay ang bawat liriko ng kanta sa kaibuturan ng kaniyang pagkatao. Parang isang alaala na matagal ng nakabaon sa kaniyang isip at puso.

People say that love's a game
A game you just can't win
If there's a way
I'll find it somebody
And then this fool will rush in

Dahan-dahang napatingin si Vice sa labas ng kaniyang sasakyan. Patuloy pa rin ang pagbuhos ng mahinang ulan na tila nagpapahiwatig ng kakaibang lungkot na nararamdaman niya ngayon.

"Alalahanin mo nalang na tinuturuan kita kung paano sumayaw ang mga tagalupang tulad ko."

Put your head on my shoulder
Whisper in my ear, baby
Words I want to hear, baby
Put your head on my shoulder

Mariing napapikit si Vice nang biglang pumasok sa kaniyang isipan ang malabong alaalang hindi naman siya nakakasiguro kung sa kaniya nga ba talaga. Naririnig niya ang kaniyang sariling boses at boses ng isang babae na hindi niya makita ang mukha ngunit kahit anong gawin ni Vice ay hindi niya ito lubos na maalala.

Ang Mahiwagang PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon