CHAPTER 124

125 11 1
                                    

Jonathan's POV

"HEY, THANNIEEE!!" 

Pairap akong napatigil sa paglalakad at humawak sa strap ng bag ko bago humarap doon sa tumawag sa akin. Sinetch pa ba, mga mima? Edi si Cindy. Napipilitan akong ngumiti sakaniya at kinawayan siya ng dalawang beses bago siya pinagmasdan na lumapit sa akin. 

"Papasok ka na sa room? May kasabay ka? Sabay na tayo!" anyaya niya kaya napailing agad ako at unbothered na kinuha ang pocket mirror ko bago tinignan ang sarili ko. 

"Kasama ko si Tibo, eh.."

"Ah! Okay lang ba kung sumabay ako?" 

'Matapos nung sinabi mo patungkol sakaniya, may kapal ka pa talaga ng mukha na humarap sa akin ah...'

Hindi talaga ako natuwa roon sa mga sinabi niya kahapon patungkol kay Tibo. Kitang-kita ko talaga 'yung pagbabago ng ekspresyon ni Tibo nung matapos ng mga pinagsasabi niya at alam na alam kong nagpipigil si Tibo na sapakin siya non para lang sa akin. 

Sa totoo lang, wala naman akong pakielam kung sasapakin siya ni Tibo. Lalo na nung magsabi siya ng kung ano-ano sa harap ng girlfriend ko. Kung ako nga lang din ang magdedesisyon, baka ako pa nanakit sakaniya. 

"Ewan ko lang.. Tanong ko si Tibo." seryoso kong saad bago nagmasid sa paligid, nagbabaka-sakaling mahagilap ng mga mata ko si Tibo. 

Marami nang mga estudyante ang mga nasa pwesto namin at inaasikaso ang mga sarili nila o 'di kaya'y nakikipagkwentuhan lang sa mga kakilala. Hindi ko tuloy maaninag at malaman kung nasaan ba si Tibo, pero nasabi na niya sa aking nandito siya. Dzuh? Tinext ako!

"Totoo ngang girlfriend mo siya, 'no?" 

Napatigil ako sa pagmasid-masid sa paligid nang biglang magsalita si Cindy. Saglit ko siyang inangatan ng kilay bago nakangiti siyang tinanguan. "Akala mo naman kasi nagjojoke ako, gaga ka.."

Natawa siya ng mahina at umiling. "Akala ko kasi hindi siya maganda.. Alam mo na! Sa lahat kasi ng mga naging girlfriend mo, ako 'yung pinakamaganda! Malay ko ba nung naghiwalay tayo, pumangit na taste mo 'di ba?"

Binigyan ko siya ng ngiwi at iiling-iling na tinulak ang balikat niya. "Ang kapal ng fez mo. Mas maganda pa nga 'ko sa'yo!"

"I know, right? Hahahahahahahaha!" 

Iiling-iling akong ngumiti bago napamasid ulit sa paligid at hindi ko pa tuluyang naiikot ang paningin sa buong palapag ay nahagip na agad ng mga mata ko ang kanina ko pa hinahanap. Ang pinaka-benivi na girlaloo sa dibdib at chest ko, hala pareho lang 'yon! 

Dahan-dahang pumorma sa labi niya ang matamis na ngiti na hindi ko naman naiwasang ngitian din at ewan ko ba! Hindi lang naman 'to 'yung first time na nginitian niya ako ng gano'n pero sobrang lakas ng tibok ng puso ko!! 

"Hi, bebe..." malambing kong bati sakaniya. Siya naman itong mas nilakihan ang ngiti sa akin saka ako sinalubong ng yakap. 

Dali-dali ko naman siyang tinugunan at inabangan ang paghalik niya sa noo at labi ko. 

Matapos ng yakap namin ay sinapo niya ang pisnge ko at pinagmasdan ang kabuuan ng mukha ko. 

Ilang minuto niyang tinitigan ang fezlak ko bago ko nakita ang bahagyang pagkislap ng mga mata niya, kasabay din ng namamaghang ngiti. 

Ako naman itong napakunot ang noo sakaniya ngunit nakangiti ang labi. "Bakit gan'yan ka makatingin? Parang tanga!"

"Wow.. I like your make-up! You look gorgeous, Love..." sinsero niyang puri bago napatango-tango pa.

Ang Tibong Inlove |Season 3Where stories live. Discover now