CHAPTER 122

137 14 1
                                    

Anella's POV

"Hindi ka ba talaga sasama sa'min, Anell?"

Tanong sa akin nila Julzia. Papunta kasi silang mall kasama sila Kuya Alrine, nag-enroll kami kanina. Hindi naman sa ayokong sumama pero kasi, bukod sa may aasikasuhin pa 'ko, wala rin si Bading. Matagal na pala siyang naka-enroll since d'yan parin siya sa CBA mag-aaral, at inasikaso na raw ni Dean Balmaceda iyon. Hindi rin siya nakasama dahil gumala sila ng lola niya. 

"Salamat sa pag-imbita.. Bawi ako next time,"

"Gege! Ingat ka, ah! Chat mo kami kapag nakapunta ka na sa pupuntahan mo man,"

"Salamat!" tango ko na sakanila at marahang sumakay ng motor ko. Isinuot ko ang itim na helmet saka na sila binusinahan, senyales na aalis na 'ko. Bumusina naman sila pabalik at hinayaan na akong makaalis. 

Marami akong aasikasuhin ngayon, especially 'yung sa M Café dahil nga magsisimula na ulit ang pasukan. For sure kasi na pupunta-puntahan ng mga estudyante dahil malapit na ang pasukan, even though sobrang dami paring costumer ang panay ang dalaw sa cafeteria. Nagpagawa kasi ako ng panibagong space ng cafeteria, ang binalak ko ay maglagay ng VIP section para roon sa mga taong pumupunta sa cafeteria na ginaganap 'yung mga special meeting, mga important gathering. Tapos nagpalagay din ako ng second floor para naman sa study section. Iyong mga estudyante o kaya mga workers na balak tumambay para makapag-aral at makapagtrabaho. 

Minsan kasi, ang hirap din mag-focus kung maingay 'yung paligid or maraming tao tapos halo-halo sila. May nagmi-meeting, may nag-aaral, may mga nagkukwentuhan or tumatambay lang. Kaya mas mabuti nang naka-organize lahat para mas maganda 'yong kapaligiran. 

*TIRIRIRIRIRING!* *TIRIRIRIRIRING!*

Napasulyap ako sa salamin ng helmet ko nang lumitaw ang pangalan ni Bading doon na siyang tumatawag sa akin ngayon. Agad-agad kong pinindot ang gilid ng helmet para sagutin iyon at hindi ko pa man naririnig ang boses ng boyfriend ko ay lumitaw na agad ang malaking ngiti sa labi ko. 

"[Hello, Bebe ko!]" masigla niyang bungad sa akin. 

"Hi, baby.."

"[Tapos na kayo mag-enroll? Balita ko kila bakla na hindi ka raw sumama sakanila gumala?]"

"Oum, may aasikasuhin pa 'ko eh.. Saka, wala ka ro'n."

"[Ihhh! Dapat sumama ka! Pero ano ba'ng aasikasuhin mo?]"

"'Yung sa cafeteria po. Eh, di ba nagpalagay ako ng another space? Ngayon, dinedecorate na ng mga staff's ko roon."

"[I see..]"

"Ikaw ba? Kamusta 'yung gala niyo ng lola mo?"

"[UY! Masaya sobra! Marami kaming ginawa! Sa amusement park kasi kami pumunta! Nag-ice cream kami! Nag-try kami ng mga headbands! Nag-photobooth kami, nag-rides kami! Tapos! NAG-PICNIC KAMI!]"

Hindi ko naman naiwasang mapakagat sa labi at mapatango-tango. Alam kong nakangiti siya ngayon, at hindi ko alam pero parang gusto ko na lang lumiko papunta sakanila para lang makita ng personal 'yang ngiti niya. 

Ewan ko ba.. habang tumatagal, mas gusto ko siyang kasama. Mas gusto ko siyang nakikita. Mas gusto ko siyang nahahawakan saka nayayakap. Iba nga talaga kapag tinamaan ka na ng pag-ibig, nakakabaliw pala talaga. 

"[Tibo?]" tawag ni Bading. Sakto non ay nakarating na ako sa parking lot ng M Café. "[And'yan ka pa?]"

"Oum, nandito pa po. Wait," malambot ang boses na saad ko saka ako bumaba at pinindot ang cellphone ko para doon na kami makapag-usap ni Bading. Agad kong nilagay ang helmet sa braso bago na nagpatuloy sa pagpasok sa daan papunta sa opisina ko. "Oki na..."

Ang Tibong Inlove |Season 3Donde viven las historias. Descúbrelo ahora