CHAPTER 121

260 12 0
                                    

Anella's POV

Pagkalipas ng ilang buwan, marami na ring nagdaang linggo at araw at maraming mga naganap sa amin. Dumaan na ang kaarawan namin ni Kuya Alrine, maayos din ang naging daloy ng relasyon namin ni Bading. Oo, minsan na nagkakatampuhan pero hindi namin palilipasin ng isang araw ang tampuhan o away man 'yan dahil doon kami nasanay. Pinag-usapan na namin ang mga ganoong klase ng paksa. Napagkasunduan naming dalawa na kapag may gusto kaming sabihin para sa isa't isa o kaya may hindi kami pagkakaintindihan, agad namin iyong pag-uusapan.

Hindi iyong may isa sa aming galit na agad at 'yung isa naman ay magagalit din. Hindi naman namin masusulusyunan ang mga ganoong klase ng issue sa pagitan namin kung pangungunahan ng galit o inis.

"Anella Maene, mag-eenroll ka na ba bukas?" bungad sa akin ni Nani sa sandaling pagkalabas ko.

"Opo.."

"Okay.."

Ngumiti lang ako sakaniya bago binigyan siya ng marahang halik sa pisnge at dumeretso na sa kwarto ni Kuya Aldrin. At as usual, naabutan ko siyang nagpupush-up.

Suot niya ang isang Black Compression Shirt habang sa pang-ibaba niya'y isang Gray jogger. At mula sa kinatatayuan ko ay kitang-kita ko ang makikisig niyang mga muscles na binuo niya ng halos iilang taon, worth it naman.. "Anell, what are you doing here?"

Saglit ko siyang tinaasan ng kilay bago sumandal sa gilid ng pintuan. "Nakapag-enroll na ba kayo ni Ellagrace?" tanong ko na ng deretso sakaniya. Siya naman itong sumulyap saglit sa akin at marahang ipinosisyon ang sarili sa pagtayo.

"Yeah, kahapon lang.."

"Eh, sila Jamie?"

"Yep! Kasabay namin sila Lew. Si Kuya Albir, ewan ko.. Sasamahan niya kasi si Eunica sa college enrollment."

"I see.."

"Bakit mo natanong?"

"Hindi parin ako nakakapag-enroll. So ang akala ko, hindi kayo nakapag-enroll.."

"Nah.. Baka sila Lucas, hindi pa. Eh, 'di ba sabay-sabay kayo nila Irene? Alam ko, sasabay din siya.. You should go and check them."

"Okay! Thanks!" tango ko sakaniya at sumaludo muna bago na umakyat sa iba pang palapag. Usually, matatagpuan ko sila Kuya Lexus sa gaming room namin dahil iyon naman ang palagi nilang pinagkakaabalahan. bukod sa pag-iinom, pagpaparty at iba pang mga gawaing kinoconsider nila as 'boys' bond.'

'Korni..'

Pagkarating ko sa gaming room, hindi ko pa man tuluyang nabubuksan ang pintuan ay rinig na rinig ko na ang bawat sigawan nila sa loob. And, I'm pretty sure na hindi lang basta limang tao ang nakapaloob doon. Paniguradong sobrang dami nila dahil hindi naman maririnig basta-basta ang ingay ng limang tao sa gaming room dahil naka-soundproof iyon.

"Knock knock..." napapairap kong saad at tatlong beses na kumatok. Agad din namang nabuksan iyon at ang iniluwa ay si Kuya Jayden na nakasuot pa ng pantulog. "What the hell, Kuya?" nangingiwi kong tanong.

Paano ba naman kasing hindi mangingiwi kung mukha siyang bagong gising? Mabigat pa ang talukap ng mga mata niya at iyong labi niya'y pulang-pula pa. Gumegewang din ang ulo niya habang ang malambot at kumikintab niyang buhok ay gulo-gulo.. Ang ginawa na nga lang niyang pagsuporta sa katawan ay ang braso niyang nakapatong sa gilid ng pintuan.

"These motherfvckers' woke me up at exact 5 pm, just to watch them growl like wild animals..." malalim ang boses na saad niya saka siya sumulyap sa likuran niya.

Ang Tibong Inlove |Season 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon