"Dylan?" nagtataka kong tiningnan si Dylan pagkaalis niya matapos niyang ipatong ang strawberry milk sa harapan ko. Baka nagkamali siya!

"Dylan-"

"Why are you calling his name?" kunot ang noo ni Javi nung nilingon ko siya. Atsaka naman niya tinaboy ang strawberry milk at pinalitan iyon ng chocolate milk.

"Luh siya, nagkamali lang si Dylan noh! Akala niya ako yung bibigyan niya ng gatas na yan," tinuro ko pa ang strawberry milk na nakatumba.

"How are you sure about that? Kitang-kita ng mata ko na sayo niya talaga ibibigay," saad niya bago ngumuso.

"Nanliligaw ba yun sayo?" he asked suspiciously so I shook my head.

"Okay, tara kain na tayo baka ma-late ka pa sa klase mo," saad niya bago umupo sa upuan na nasa harapan ko. Kumain nalang ako at hinayaan si Javi na kumain sa katapat ko.

Nung katapos niyang kumain dahil hinintay ko pa siya, lumabas na kami ng canteen at etong si Javi naman ay nakasunod pa din sa akin.

Sakto namang nakasalubong namin ang pamilyar na dalawang mukha ng mga babae.

"Ate Alora!"

"Ate Zani!" sabay silang tumakbo tungo sa akin at niyakap ako. Silang dalawa yung nagbigay sa akin ng love letter.

"Ate! Nakita ka namin nung Nationals!"

"Ang ganda mo talaga ate! Akin ka nalang huhu," napalingon ako kay Javi na nakakunot na naman ang noo habang nakatingin sa amin.

"Hey hey! Back off, that's my girl-"

"Ate! Tingnan mo etong lalaki na mukhang unggoy! Kinukuha ka sa amin!" muntikan pa akong matawa pero nung makita ko ang mukha ni Javi, napag-isipan ko na wag nalang muna.

"Aish, ang dami ko naman yatang kaagaw, pati yata babae," saad ni Javi bago tinanggal ang pagkakayakap sa akin nung dalawa.

Napapatingin na din sa amin yung mga estudyante na naglalakad din sa hallway.

"Putang-" nung nagtagumpay si Javi, agad niya akong niyakap at pinatong pa ang baba niya sa balikat ko bago tiningnan ang dalawang first years.

"Kayong dalawa, tandaan niyo. This girl is mine," saad niya at dahil nakayakap ako sa kanya hindi ko makita ang reaksyon nung dalawang first years. Pero atleast nararamdaman ko kung gaano kabilis ang tibok ng puso ni Javi. Magkasing bilis kami.

Matapos nun ay hinatid na ako ni Javi sa room ko pero bago pa ako makapasok may sinabi pa siya sa akin.

"Fishball-an tayo mamaya," saad niya bago ako kinindatan at tinalikuran. Bahagya pa akong natulala sa labas ng pinto bago nagbalik wasto at binuksan na ang pinto ng room namin.

Sakto namang nandoon na ang teacher namin!

"Ayan oh ma'am!" kumunot ang noo ko nung tinuro ako nung isa sa mga lalaki kong kaklase. Kakapasok ko lang sa room tapos ako pa ang ituturo ng gagong toh.

"Oh? Bakit di nalang ikaw?" sabay turo ko ulit sa kaklase kong tinuro ako. Natawa naman ang mga kaklase ko sa diko malamang dahilan. Ano ba pinag-uusapan nila?

"Ma'am! Si Bryan nalang pala sabi ni Zaniella," saad nung isa ko pang kaklase, nagtawanan naman sila habang ako ay nagtatakang nakatingin sa kanila.

"Anyare?" tanong ko pagkaupo ko sa pwesto ko.

"Naghahanap ng representative ng second years sa beauty contest," tumango ako bago tumingin sa harapan para pakinggan si ma'am.

Napaigtad ako nung biglang nagtaas ng kamay si Trixia.

"Ma'am! Hanap-hanap pa kayo ng representative kung nandito naman ang manager at muse ng basketball team!" tinuro pa ako ni Trixia kaya gulat akong napalingon sa kanya.

"Gaga! Di ako matalino sa pagsagot ng Q and A!" saad ko bago umiling. Naging muse na nga ako kaya tama na iyon.

"Sayang naman ang ganda ng kaklase natin, diba guys?" tanong naman ni Mariel. Sumang-ayon naman ang mga kaklase namin.

Alam kong maganda ako pero ang swerte naman ng iba na makikita na naman nila ang ganda ko!

"Oo nga noh, okay it's settled. Zaniella Alora, you'll be the representative of second years," naghiyawan ang mga kaklase ko habang tulala lang ako.

"Ma'am! Sino daw po yung escort ni Zaniella?" tanong ni Trixia kaya nag-iwas ako ng tingin kay ma'am.

"Si Javier Guriego ng section two," saad ni ma'am,  naghiyawan naman ang mga kaklase ko dahil alam nila ang tungkol sa amin ni Javi.

Wait.

Sino daw escort ko?

Si Javier?!

Make You Mine (CRS #4)Where stories live. Discover now