Bad #1

67 7 0
                                    

It Is A Bad Thing-1

~Hoy! Purple Violet Asuncion! Aba naman ha? Nakatulala ka naman jan? Ano ba kasi ang problema mo?

Tiningnan ko siya ng masama.

>_>

~Okay. Sorry. Nagulat kita. Kasi naman kwento ako ng kwento tungkol 'dun sa anak ng papasukan nating school,parang lumilipad naman ang utak mo. Ano bang problema mo?

Huminga ako ng malalim.

~Haaaaaayyyyyy!

~Sobrang lalim naman nun.

~Tseh. Kasi sabi kanina nung nag-interview sa'kin para sa scholarship ko,pinakamahalagang rule daw ang bawal mag-boyfriend.

~Bawal pala mag-boyfriend. Eh diba may boyfriend ka na? Excempted ka na dun.

~Huh? Ang labo nung sinabi mo.

~Diba ang "mag" mangyayari pa lang o kaya gagawin pa lang eh ikaw nangyari na meron ka ng boyfriend kaya excempted ka na.

*pakkk*

Binatukan ko nga siya. Parang tanga lang eh.

~Arayy!

~Hoy! Apple Green Monteverde tigil tigilan mo ko sa mga ka-abnormalan mong ganyan. Namomroblema na nga ako eh. Paano ko sasabihin to kay Blake? Makikipag-break ba ako? O hindi na lang ako sa HSU mag-aaral?

~Sorry couz ha. Alam mo namang hindi ako matalino eh. At hindi tayo mayaman. Ako lang ang kayang pag-aralin ni mama. Kung mayaman lang sana kami,edi wala ka ng problema. O kaya kung matalino lang sana ako ako na lang ang kukuha ng scholarship tapos ikaw na lang ang pag-aaralin ni mama para hindi ka na mahirapan sa relasyon niyo ni Blake. Kaso hindi eh.

~Okay lang un couz. Napakalaki na nga ng utang na loob namin sa inyo ni Nanay at ni Sky eh. Hindi naman pwedeng pati pag-aaral ko iaasa ko kay Tita. Tsaka panga-apat na buwan ng hindi nagpapadala ng pera si Tatay para sa'min. Kailangan kong pagbutihin ang pag-aaral ko,at kapag sa HSU ako nakapagtapos siguradong after graduation may trabaho na ako.

~Ano ka ba wala ka namang dapat ipag-alala eh. Para saan pa na naging magkakamag-anak tayo diba?

~Salamat talaga couz ha?

~Sus ikaw pa? Malakas ka kaya sa'kin. Teka parang ang emo natin ngayon?

~Oo nga. Pansin ko rin.

~Hahahahaha.

Nagtawanan na lang kaming magpinsan.

Idaan na lang natin sa tawa ang problema.

Ako nga pala si Purple Violet Acosta. 19 yrs. old. Incoming third year college. Accountancy ang course ko. Galing ako sa College of Aurora. Lilipat ako this year sa Hernandez-Smith University kasi hindi naman ako scholar sa COA. Hindi ako nag-apply for scholarship nun kasi nagpapadala naman si Tatay ng pampaaral sa'kin at sa kapatid ko at para sa mga gamot ni tatay. Kaso 3 months before our vacation bigla siyang huminto sa pagsusustento sa'min. Wala kaming pambayad sa renta sa bahay. Sa tubig. Sa kuryente. Buti na lang andiyan yung kapatid ni Nanay.

Feeling ko pinanganak na talaga akong malas sa buhay eh. Kasi si tatay unang una iniwan niya kami para sa babae niya dun sa Canada. Si nanay dahil sa ginawa ni tatay inatake sa puso. Na-stroke,ngayon nakahiga na lang lagi. Yung kapatid ko,si Sky nadiscover namin last week na may butas yung puso niya. Hayyy. At ang isa ko pang problema ngayon si Blake,ung tanging taong nagpapasaya sa'kin mawawala pa ata para sa pag-aaral ko na para sa pamilya ko.

Ano bang gagawin ko?

Naguguluhan na ako eh. Pamilya ko o Lalaking mahal ko.

Ako na lang inaasahan ngayon ni Nanay at Sky.

Pero paano naman yung sarili kong kaligayahan?

~Ate Purp. Tawag ka ni nanay. May itatanong raw siya.

~O sige. Ikaw wag kang masyadong magpapagod ha? Masama na yun sa'yo. Mag-back out ka na rin sa varsity sa pasukan ha?

~Pero ate..

~No buts Sky. Para sa'yo rin toh kung gagawin mo. Alam kong mahal mo ang basketball na halos iyan na ang buhay mo,pero Sky iba na ngayon eh. Please lang wag mo ng dagdagan ang problema ni ate ha?

Niyakap ko siya.

~Opo ate.

~Sige puntahan ko na si nanay. Uminom ka na ng gamot mo.

Pumunta na ako sa kwarto ni Nanay.

Ano kayang itatanong niya?

~Nay.

~Anak.

~May itatanong daw po kayo?

~Uhm uhm. Kamusta yung scholarship mo?

Hirap siyang magsalita.

Anong isasagot ko?

~Ah nay kasi po sabi nila bawal daw ang may boyfriend.

~Ha? Eh paano si Blake?

Si Blake Sison ang boyfriend ko. Isa siyang tambay sa may kanto sa looban. Pero simula nung nanligaw siya sa'kin at nalamang ayaw ko sa mga tambay,nag-aral siya at ngayon incoming 1st year college na siya at the age of 18. 3 years niya akong niligawan at magtwo-two years na kami after 3 months. Kung ipapadescribe niyo siya sa'kin, 5 11" ang height niya,maangas ang dating,dating tambay eh,pero gwapo naman siya,sweet,romantic,gentleman,basta mahal ko siya.

Kaso...

Ano ng gagawin ko?

I guess,I need to make the hardest decision in my life that I will surely regret someday.

~Makikipagbreak na lang po ako.

Labag man sa kalooban ko...

Wala kong magagawa.

Hindi naman pwedeng iasa ko lahat kay Tita.

Masakit man,pero wala eh.

Ito ang dapat.

~Salamat anak. Isasakripisyo mo ang taong mahal mo para sa'min ng kapatid mo. Salamat.

Tumatayo siya,yayakapin ata ako,kaya ako na mismo ang yumakap sa kaniya.

~Wala 'yun nay. Kayo ang priority ko ngayon. Wala na tayong maaasahan kay tatay.

~Salamat. Sana makaahon tayo sa dagok na'to.

Tama. Kailangan kong unahin ang pamilya ko.

Kung kami talaga ni Blake. Kahit magkahiwalay kami ngayon,kami pa rin hanggang sa dulo.

At naniniwala akong kami talaga ang para sa isa't isa.

Cool Off (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon