Chapter 38, part 1 : World Debut

376 70 5
                                    

"Just in!"

"Bàozhà xīnwén!"

"Nyūsu sokuhō!"

"'akhbar eajila!"

"Posledniye novosti!"

"..."

Matutulin at tila ba'y nag-uunahang pagbabalita sa iba't-ibang lenggwahe ng mga mamamahayag sa iba't-ibang bansang nananatili pa ring nakatayo sa kabila ng matinding pamiminsala ng mga dungeon monster at outbreaks.

Seryosong pinanonood ng sangkatauhan sa iba't-ibang uri nang pamamaraan ang sabay-sabay na bungad nang pagbabalita ng mga news anchor sa iba't-ibang panig ng daigdig.

Ang iba'y nakakagat sa kanilang daliri o kuko sa matinding pangamba sa nangyayari sa mundo. Nangangamba silang baka sa susunod ay ang bansa na nila ang sunod na dumanas ng nangyayari ngayon sa Katimugang Korea.

Ang iba nama'y nakatayo lulan-lulan ng mga pampublikong sasakyan tungo sa kanilang destinasyon. Hindi mo mapakiwari ang kani-kanilang iniisip base na rin sa walang bahid emosyon nilang mga mukha.

Meron namang iilang pachill-chill lang. Nakaupo sa malalambot nilang mga sofa habang nanonood sa naglalakihang flat screen tv's. Meron pa ngang ilan ditong nagpa-party pa at interesanteng pinapanood ang trahedyang sinasapit ng South Korea na animo'y isa itong pelikulang tumabo sa takilya.

"Those orange colored humanoid monsters currently infesting the whole of Seoul, capital of South Korea, are called Dokkaebi. That is in accordance to the information laid out on the sole channel concurrently running inside of South Korea right now. As you can see, some of the viewers of the channel are commenting on the live chat feature of the stream like crazy. Let's find some useful information amongst them. Here, from a user called IMAKoreanHunter. Let's read what he has in mind." Finocus sa balita ang live chatting feature ng naturang channel. Tinuro ng Amerikanang news anchor ang komento ni IAmKorean.

"According to user IMAKoreanHunter those so-called Dokkaebi are one of the most well-known creatures in their mythology. Dokkaebi translates as goblin in english also according to IMAKoreanHunter." ulat ng news anchor.

"That's some interesting tidbits of information." komento pa ng anchor.

"Let's find another user. Let's see. Let's pick this one with a rather interesting name, DokkaebiGosu. Let's find out if this DokkaebiGosu is a real expert." Di na napigilan pa ng news anchor ang kanyang tinatagong ngiti. Kasunod noo'y i-finocus ng balita ang komento ni DokkaebiGosu.

"Dokkaebi are the Korean version of the world famous goblins. The so-called Korean goblins are considered as legendary creatures in our home country. They are nature deities that possesses supernatural powers. They are so powerful that some even considers, treats and hails them as minor gods."Trinanslate mula sa Hangul pa-Ingles ang sinabi ni DokkaebiGosu ng kanilang news team.

"Thank you for that factual tidbits, IMAKoreanHunter and DokkaebiGosu." May sinseridad na sabi ng Amerikanang news anchor.

Binalik ang pokus sa realtime na kuha sa pangyayari sa Seoul ng nagbabalita. Mahahalata ro'n sa steady at smooth na paggalaw ng camera na it was being shot professionally.

Halata ring it was taken in a high vantage point base na rin sa bird's eye view na paraan nang pagkakakuha nito.

Pinakikita sa live footage ang pagro-roam ng sangkatutak na Dokkaebi sa kalakhan ng Seoul na akala mo'y mga gwardya itong nagpapatrolya.

Unti-unting ginalaw ng cameraman ang camera in some direction hanggang tuluyan 'tong huminto sa labas ng isang entrada ng Seoul Station.

Nagtaka ang mga nagsisipanood ng balita. Napatanong sila sa mga kasama o sarili kung sila'y nag-iisa lang. "Bakit huminto ro'n? Nagkaroon ba ng problema? Technical difficulties?"

Holymancer : Unang AklatWhere stories live. Discover now