ONCE [11]

623 15 5
                                    

Chapter Eleven

KNIGHT'S QUEEN

"THIS cookies tastes good. Where did you bought it, tita?" Knight obviously asked his tita kahit na alam naman na niya talaga kung saan nito iyon nabili.

He just want to open a conversation about Maxine kaya itinanong niya iyon.

Hindi niya pa rin makalimutan ang naging pagkikita nila ng dalaga kanina. He still can't believe na makikita niya ulit ito. Ang saya ko!

Pero ang kasiyahan na iyon ng binata ay mabilis ding napawi nang maalala ang pagbalewala nito sa kanya sa pangalawang pagkakataon.

Tangina! Bakit ba hindi siya nito matingnan ng diretso sa mga mata. Does he look like a creature na kaiwas-iwas? Ngayon pa lang, he's starting to doubt his appearance na dahil dito. Nawala na ba ang appeal niya sa mga babae -but nah! He don't think so. Baka naman nagpapakipot lang iyon o kaya nagpapa-hard to get.

Tsk. Bagay lang naman ditong magpakipot dahil sa sobrang ganda nito ay dapat lang paglaanan talaga ng panahon at efforts.

Nandito siya ngayon sa living room ng bahay ng kanyang tita Amanda,talking some random things about their lives.

"Oh, I bought that from Maxine, my boarder. Paborito kasi iyan ni Yuki pati na rin ang brownies." she trailed but what caught his attention is...

"Boarder? You said boarder mo siya. May new business kayo ni tito Andrew, tita?" kunot noong tanong niya sa tiyahin. Sa pagkaka-alala niya ay wala namang kinalaman sa real estate ang business ng tita niya at ng asawa nitong si tito Andrew at wala naman itong pina-paupahan na bahay gaya ng sabi nito.

'Di kaya...

"Oh, silly. My old house na binili ko when I'm still pregnant with your cousin, Akie but I chose to ran away from your tito dahil sa isa pa siyang gago noon." parang walang pakialam na turan ng tiyahin, kumuha ito ng cookies sa container at kinain. Napiling na lang si Knight dahilan sa tinuran ng kanyang tita.

"It's just two blocks away from here, iyong apartment na inalok ko sa'yo pero tinanggihan mo naman, so I decided na pa-rentahan na lang iyon sa murang halaga kaysa naman nakatiwangwang lang. Ayaw ko namang ibenta dahil may sentimental value sa akin iyon." tita Adie explained further.

Ang dami nitong sinabi, ah. Pati ang pagiging gago ng tito niya ay nabanggit pa. Kung sa bagay, kung siya ang tatanungin ay nagagaguhan nga siya sa kanyang tito, sino ba naman kasing matinong ama ang ipagkasundo ang anak alang-alang sa negosyo.

Walang ibang mahalaga sa tito niya kundi ang negosyo nito, na kahit ang kaligayahan ng sariling anak ay isasakripisyo lumawak lang ang negosyo at koneksyon nito. Ito ang palaging pinag-aawayan nito at ng tita niya. Napakaself-centered kasi ng tito Andrew niya. Hindi na nga nagtaka si Knight kung bakit nandito ngayon sa Japan ang tita niya at si Yuki, malamang ay nagtalo na naman ang mga ito.

Hinayaan na lamang iyon ni Knight, baka ayaw pang magkwento ng kanyang tita tungkol doon, king handa naman na ito ay alam niyang magkukwento ito sa kanya o kaya sa kanyang mama.

"Kaya pala." Iyon na lamang ang naisip niyang isagot.

"Hmmmm... You know what, hijo..." his tita said pagkatapos ay ininom nito ang juice na binigay ni ate Danna, ang maid ng tita niya na isa ring Pilipina, ito ang caretaker ng mansyon ng tiyahin kapag wala ang mga ito. Si Yuki naman ay busy sa pagsagot ng binigay niyang seat work dito. Knight decided na mag-tutor na lang muna kay Yuki dahil tinamad na siyang pumunta sa opisina. Bukas na lang siya papasok. Nah! He's the boss and the owner of the company that's why he own his time. Well, for sure his company can live without him in a day. Nando'n naman ang kaibigan niya para mamahala doon.

FLS1: KNIGHT'S QUEEN |R-18| ON-GOINGWhere stories live. Discover now