Bakit? Mukha ba akong hindi tao?

"Sayang nga, eh. Ewan ko ba kung bakit kinulang sa 18 roses tapos pinili pa," I heard the other one saying that. "Psst. Uy, anong pangalan mo?"

I frowned a bit. Nagsisimula na iyong music tapos mukhang parating na iyong debutant.

Ano bang akala nila sa akin? Aso? Ganoon ang tawag?

"Jacob. Saka hindi ako aso para sitsitan." Nagsitawanan silang lima saka mukhang pinagti-tripan ako. Hinding-hindi na talaga ako uulit sa pag-attend ng mga ganitong event. Nakakasira ng pangalan amp.

"Gwapo mo, eh. You're a good dog if ever." Inismiran ko ang mga ito bago napailing.

I won't make a trouble in here. Nakakahiya sa magulang ko kahit na mukha naman akong pumapatol sa mga ganoong ugali.

And when it is my turn to dance, I trembled a bit. May bitbit akong isang tangkay ng rosas, sinasayaw iyong may kaarawan. Nakapusod ang kanyang hairstyle tapos ang kamay ay tila nakahawak sa balikat ko habang iyong akin ay nasa bewang niya.

Hindi kami close at hindi ko siya kilala pero ako pa ang naging choice bilang first dance. Malakas iyong tugtog ng music tapos iniiwas ko lang ang tingin sa kanya kasi naiilang ako.

She's beautiful and feels soft at the same time. Pareho kaming hindi kumikibo sa isa't isa.

Nanginginig iyong kamay ko habang nakahawak sa kanya pero hindi ko alam kung pansin niya ba iyon. I held her gently, afraid to tighten my grip. Ilang beses kong kinausap ang sarili na huwag akong bibigay sa harap ko dahil lang sa ganda niya.

Damn. Oo nga't ayokong nagpupunta sa mga ganitong event kasi boring pero ngayon, nabago ang pananaw ko.

Hindi rin naman kasi pumasok sa isip kong may isang magandang pangyayari ang pwedeng mangyari sa isang bagay na kinaaayawan ko.

And dancing with this girl is the proof. Gusto ko pa sanang umulit kaso baka sabihin, abuso ako masyado. Baka tuksuhin pa ako ng limang lalaking nakasalamuha ko kanina.

Since I got bored with my present school, I decided to transfer. Madalian at gulat na gulat ang magulang ko pero pinayagan naman nila ako.

It's the start of second semester. Nakikuha na rin ako sa kanila ng impormasyon tungkol doon sa nakasayaw ko.

She's Phoebe Charis and I got interested with her. Sa pagkagusto ko sa kanya, naging mailap ako tapos nakukuntentong napapatabi na lang sa kanya sa bawat subjects namin.

I don't like the strand she's in but for the sake of what I feel about her, I started to embrace it.

I had a hard time dealing with the subjects, but I managed to survive it all. Gusto kong magkalapit kami pero bwisit, pinapangunahan ako ng kaba palagi. Lakas ng tibok ng puso ko tuwing nagkakatabi kami sa upuan. Ganoon ang impact ni Phoebe sa akin.

I am shy to the point that whenever I am answering, I always add some jokes on it. Kabado ako bente pero bahala na.

Nakakasagot ako minsan na halos matumba na sa kainauupuan. I can feel the embarrassment inside me whenever I am standing up and reciting my answer.

May ilang beses na gusto kong mapag-isa tapos kunwari ay papansinin niya pero hindi naman nangyayari. Shit lang, eh.

Nagiging introvert ako minsan sa kagustuhang magpapansin sa kanya pero walang nangyayari. Mukha lang akong tanga.

But then I guess, time fell on its place. Sa totoo lang, ayokong mag-attend ng prom namin. Bukod sa magmumukha akong loner, wala rin akong isasayaw. May iba na nagpaplanong ako ang yayayain nila pero diretso tanggi kaagad ako.

Once in a Lifetime (Valdemora Series #5)Where stories live. Discover now