"What floor?" he asked with a teasing smile.

Umismid ako at nailing.

"Kaya ko na nga!" pamimilit ko pa.

He chuckled. "Bakit ba ang init ng ulo mo? Is it one of your red days, today?"

Nag-init ang pisngi ko. Ayoko ngang pag-usapan ang period ko! Ni hindi pa nga iyon dumadating dahil irregular ako! I have to check up with my OB about that, hindi ko palang magawa ngayon dahil sobrang busy ko pa.

"Follow me nalang," irap ko at dumiretso na roon.

Pansin ko ang tingin ng ibang mga taga-Brierwell sa akin. Umuna na ako ng lakad dahl ayokong pagtsimisan pa kami ni Troy. Ayoko na ng sakit ng ulo.

Pinababa ko nalang sa harap ng pinto ang libro ko. Hinarap ko siya, nagkatinginan kami. Hindi pa rin kasi siya umaalis sa tabi ko.

"Pwede ka na umalis," I told him.

"Grabe, hindi mo man lang ba ako iimbitahan sa loob? You know... let me drink juice, coffee or something?" Tinaas baba niya ang kilay sa akin.

Kumunot ang noo ko.

"Why? For what?"

He pouted. HIndi ako sanay na ganyan siya umasta. He's supposedly in Law school, and yet he's still acting like a kid.

I sighed. "Thank you for bringing my books and giving me a ride home. Now you may leave," I said kindly.

Hindi naman ganoon kasama ang ugali ko para hindi pansinin ang hirap niya sa paghatid at pagbuhat ng libro ko. Mabait naman siya... I just feel a little annoyed.

Tinitigan niya ako bago napangisi.

"Alright, call me when you need me. Nasa 15th floor lang ako." he saluted with a bright smile. "Dra. Gallego..."

Kumunot ang noo ko lalo at napailing nalang. I punched my code in and entered my condo, with a small smile on my face. Dra. Gallego seems like a good title...

Binuhat ko ang mga libro at nilagay sa may sala iyon. I rested tiredly on my couch and immediately texted Prince. Pinauwi kasi siya ni Tita dahil namiss na daw ito ni Carter, his youngest brother.

I spent at least four hours studying before I drifted to a sleep. Pagkagising ko sa sunod na umaga ay naamoy ko na agad ang bango na nanggaling sa kusina. Mabilis akong nag-ayos at nagligo. It must be Prince! Siya lang naman ang may alam ng lahat ng passcodes ko.

"Ate Emma!" Sumalubong sa akin si Carter at niyakap ako. I giggled and kissed the top of his head. Kamukhang-kamukha niya talaga si Tita, pero nung baby siya'y halos si Tito ang nakikita ko. Now that he's a bit grown up, mas kita mo na ang mukha ni Tita kaysa kay Tito. Tanging siya lang ata ang kamukha nito dahil kamukha nina Nikki at Prince ang Papa nila.

Carter is four years old now. Gaya nina Prince at Nikki, asul rin ang mga mata niya. They all have the same shades of blue, that they got from Tito Aurelius. Mas lamang nga lang ang kay Prince. His is bluer than all of them.

BInuhat ko si Carter at dinala sa kusina. Nakita ko si Prince na nakasandal sa may counter at may pinapanood na youtube video about cooking. He looks so focused, while watching the stove. Amoy na amoy ko ang niluluto niya roon.

Rule #3: Changing The Rulesजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें