INTRODUCTION

2 0 0
                                    

C A M I L L A ' S  P.O.V.

Marahas ko'ng pinunasan ang luhang patuloy na umaagos mula sa mga mata ko.

"Mga walang hiya kayo.." Puno ng sakit na sambit ko habang nakatingin sa kanilang dalawa.

"I'm sorry.." Sabi ni Trevor na tatlong taon ko ng boyfriend at kasama sa iisang condo na parehas naming binili.

Hindi ko alam kung pano pa nakayanan ng puso ko'ng tumibok sa kabila ng sakit na nararamdaman.

In this very day, i caught my boyfriend cheating on me with the girl who never stopped treating me like an enemy because of HIM!

Palagi akong confident na sinasagot yang babaeng yan, kapag inaaway niya ako dahil anlaki ng tiwala ko sa boyfriend ko!

Hindi ko naman alam na hindi naman pala niya deserve ang tiwala ko.

Pero ang hindi ko maintindihan ay bakit sa kabila ng sakit ay nararamdaman ko pa rin ang pagmamahal ko sa kanya?

Eto na ba yun? Yung part na magpapa ka tanga ako para sa taong mahal ko?

Pero hindi eh, may natitira pa rin akong pride na hindi ko kayang lunukin.

"H-hindi na'ko m-magpapaligoy ligoy pa.. I-isang tanong, i-isang sagot! Trevor.. A-ako o s-siya?!" Mariing tanong ko habang nakatingin sa walang emosyon niyang mga mata.

Ilang segundo ang lumipas ngunit nakatingin lang siya sakin, nasa isang metro ang layo namin sa isa't isa habang magkatabi sila ng babaeng ngayon ay ngingisi ngising tumitingin sakin na akala mo'y nanalo sa lotto, may binulong pa ito kay Trevor na hindi na abot ng pandinig ko.

"Ako!?! O Siya?!" Pasigaw na ulit ko.

Ilang segundo pa ay...

"I-im choosing her!" Malakas, mabilis at nakapikit na sabi nito na nagpatulala sakin.

Medyo nanlalaki ang mga mata at tuloy tuloy na umagos ang mga luha ko habang nakatingin parin sa mga mata niyang ngayon ay tinititigan ako habang wala paring emosyon, hanggang sa umiwas siya at doon ako natauhan.

Lahat ng nararamdaman ko ay biglang bumagsak, namanhid ata ang puso ko.

Sa sobrang sakit ay hindi ko na maramdaman ang puso ko.

Yumuko ako para punasan ang pisngi bago dahan dahang inangat ang paningin sa kanya.

Umatras ako bago ulit nagsalita.

"N-nice choice.." Mahinang sabi ko at binigyan pa siya ng pilit na ngiti, ngiting puno ng sakit na para bang ipinapamukha ko sa kanya ang pinaparamdam niya sakin ngayon.

Isa, dalawa, sa huling atras ko ay umikot nako at umalis ng hindi lumilingon..

Ayokong lumingon..

Hindi ako lilingon..

Hindi ko man tanggap ngayon, tatanggapin ko rin, at sa muling pagkikita natin ipapakita ko sayong nakaya ko'ng mabuhay ng wala ka..

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 22, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Kaya Ko'ng Wala KaWhere stories live. Discover now