We went home exactly at midnight. Nakatulog na ako sa sobrang pagod kaya halos hindi ko na alam kung ano pa ang ginawa ni Jacob. Nagising na lang ako ng maaga at halos hindi makahinga sa higpit ng yakap nito sa akin.

I groaned at that and he wakes up. Kinusot nito ang mata saka bago tuluyang iminulat iyon.

"Good morning!" he energetically greet me. Napaupo ako mula sa pagkakahiga bago binati rin siya pabalik.

Ganoon din ang kanyang ginawa bago tumayo at umalis sa kama. I stared at him for a few seconds.

May lakad nga pala siya ngayon. And I have to go to work now.

"Anong oras lakad mo? Hindi ba maaga?" he shook his head. Umalis na rin ako sa pagkakaupo saka kinuha iyong tuwalya.

"After lunch. Saka nga pala, pagkatapos daw ng work mo, kung pwede ay puntahan mo sina Jhared sa isang restau." Natigil ako sa paglalakad. Papasok na sana ako ng banyo nang sabihin niya iyon.

"Dinner ba?"

"I don't know. Nandoon din daw si tita saka pinapapunta rin ako roon. Habol na lang ako mamaya," he answered.

I swallowed and then sighed deeply. Sa lagay kasi ngayon, mukhang marami ang gagawin ko. Hindi naman pwedeng hindi ako makapunta kasi baka importante rin naman.

"Okay. I'll just see if I can finish all my works later. Baka ma-late lang ako. Tawag na lang ako sa kanila mamaya." Iyon na ang naging sagot ko bago pumasok ng tuluyan sa banyo. Jacob also went outside to maybe cook some breakfast.

Hindi na ako nakapag-usap sa kanya tungkol kagabi. Bigla na lang kasi akong hinila ng antok kahit nasa sasakyan pa lang kami.

Madalang lang din naman kung makapag-aya ang mga pinsan ko kapag mga ganitong usapan. I don't know what really is the occasion. Nakabukod na roon ang minsang pag-celebrate namin tuwing nakakauwi sila mula sa kanilang mga trabaho.

Now, it seems like they are having something. Mukhang patapos na ang kanilang bakasyon.

Hindi nagtagal ang naging pagligo ko saka lumabas na. I am wearing my usual attire when going to work.

Pagdating sa mesa ay nakahanda na ang agahan. And he arranged the plates together with the foods. Nakaayos na iyon sa plato ko bago ako makaupo.

He's fiddling with his phone. Tumigil din kaagad nang dumating ako saka ako dinaluhan sa pag kain.

I have my coffee with me while he has the usual breakfast. Pareho kami ng almusal pero ang tanging kaibahan lang, sa akin ay may kape.

"Tumawag ba sila sa'yo kagabi?" I sipped my coffee.

Hindi nakatakas sa paningin ko iyong pagtitig niya sa plato ko na animo'y sinisigurong walang kaning mahuhulog.

"Nope. They texted me. Pumayag ako saka nagsabing hahabol na lang." Tumango ako saka itinuloy ang kain. Umagang-umaga pero masyadong masigla ang kanyang enerhiya.

We both love eating like this every morning. Iyong magkasama kaming dalawa tapos ay pupunta rin kaagad sa kanya-kanyang trabaho. We have the life that we wanted to experience. Pareho naman kaming hindi umaasa na sa magulang.

Even before when we're still studying, I became independent. May mga pagkakataon lang na napapahingi ako kay Mama pero kaunting halaga lang naman iyon.

And now, I can fully do everything I want. May sarili na akong pera tapos kumikita na rin naman ako.

I immediately went to work after eating and just gave a quick goodbye to Jacob. Idadaan na lang daw niya ang lunch mamaya sa akin tapos diretso sa kaibigan niya.

Once in a Lifetime (Valdemora Series #5)Where stories live. Discover now