Prologue

12 7 11
                                    

WARNING:

•Bawal judgemental...charrr🤟

•This contains childish content... Charrr again..✌️🤫🤫 (it's a secret just for us to know)

•PLEASE🙏 don't expect too much... huh? I'm just a beginner you know..but I know you don't know.. hehehe..

By the way start na
................................................................................................................................................

It's weekend pero madaling araw pa Lang ay gising na si Aicezelle para maghanda para sa kanyang trabaho. Kailangan niyang gumising ng 4:00 ng umaga para maghanda at gawin ang kaniyang morning rituals. Kailangan niyang maging maaga dahil nagbubukas ang kanyang pinapasukang cafe ng alas sais ng umaga. Isa Lang s'yang part timer dahil kailangan niyang mag aral kung weekdays, Kaya naman nagsisikap s'yang maigi para matustusan ang kanyang mga pangangailangan. Nasa ika labing-isang baitang na s'ya.

"Manong, sa may Honey's Cafe Lang po." Aniya matapos makasakay sa jeep. Nag co commute Lang siya papunta doon. Marami rami narin ang nakasakay sa jeep dahil marahil tulad nya ay papunta rin ito sa kanilang mga trabaho.

Pagkarating nya doon ay alas singko y media pa lang pero katulad nya ay nandoon na rin ang mga kasamahan nya sa trabaho.

"Good morning Ice!" Malakas na bati sa kanya ng kaibigan nyang si Krystal na kasamahan nya rin sa trabaho. Nasa malayo pa Lang ay maririnig na ang malakas na boses nito. Pareho lang silang part timer at pareho rin silang nag aaral sa parehong baitang at paaralan.

"Good morni--" Hindi na nya natapos ang kanyang sasabihin ng dumating ang dalawa pa niyang kaibigan at bigla sya nitong niyakap ng mahigpit, sina Alexa at Phenn.

Nang makalapit na si Krystal ay nakisali narin ito sa pagyakap sa kanya. Kung makayakap 'tong mga 'to parang hindi sila magkakasama sa iisang bubong. Nasa iisang apartment lang kasi sila, hindi lang sila nagkasabay dahil sa nauna na itong magising sa kanya.

" Guys mukhang na suffocate na si Ice, hindi na gumagalaw..oh", ani Phenn, saka kumalas sa yakap para tingnan siya..

"OA talaga ng isang t--" hindi na natapos ang sasabihin ni Krys dahil nakarinig sila ng malakas na sigaw mula sa kanilang likuran.

"HOY!! Anong ginagawa ninyo jang mga kutong lupa kayo...ha?" Sigaw ng isang bakla sa kanila. Ang boss nila.

"Pumasok na kayo roon at magtrabaho!!.. Magbubukas na itong cafe, ano tutunganga Lang kayo riyan!. Aba!! Hindi ko kayo binabayaran para tumayo lang jan at magyakapan!!... Ano pang hinihintay nyo..." Sabi pa nito. Aminado sila na masama talaga ang ugali nito ngunit hindi naman sila makaalis sa trabaho dahil mataas ang suweldo at tinanggap rin sila para sa part time.

Kailangan nila ng pera para sa pinapasukan nilang pampribadong eskuwelahan kahit pa mga scholar sila ay kailangan parin nilang kumita ng pera. Nasa kabayanan ang kanilang lugar kaya napapalibutan ng mga pam pribadong paaralan.

Pumasok na sila sa loob ng cafe ng walang reklamo para maghanda na sa pagbubukas nito. Nang sumapit na ang alas sais ng umaga ay nagsimula na silang magtrabaho dahil kahit kabubukas palang ng cafe ay marami na ang nag sidatingang customer. Nasa tapat kasi ang cafe ng isang malaking building, kaya ang mga empleyado mg kumpanya sa tapat na wala ng oras para makapaghanda ng agahan ay doon sa cafe pumupunta. Silang apat ay kapwa mga waitress, taga kuha at taga serve ng mga orders ng customers. Ganito ang kanilang ginagawa buong maghapon.

Naging busy sila dahil napaka rami ng customer tuwing weekend, Kaya nga sila pinayagan na mag part time doon dahil mas marami ang customers tuwing weekends.

Natapos ang buong weekend ni Ice ng ganito at magsisimula na naman ang isang linggo ng kanyang pagpasok sa Finnelle University.


************************************

Hello... Uhmm sana ay magustuhan n'yo yung story na'to which is my first... FIRST... so sana wag kayong mag expect.. pero I will try my hardest na maging maganda yung flow and yung story na rin.

WARNING:
This may appear clichè to you tho it is...✌️✌️

The Pretense Life (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon