Prologue

33 3 0
                                    

Why do I have to explain myself?

May maniniwala pa ba sakin dito? Everything is already fabricated. Wala na nga ata akong puwang sa bahay na'to dahil lang sa nangyayari ngayon.

'Oh right, simula pa pala nung una wala na.'

"Hija, mali ang ginawa mo kay Odette. Ngayon ayaw na ng pamilya nila na mag-invest sa mga projects natin. Her mother wants to back-out sa napag-usapang deal, the price of the materials also went up to 80 million pesos. So we don't have any choice but to cancel all the projects and programs aligned with that deal. You should apologize to their family."ani Lola.

'Wala akong kasalanan'

"Selene! Where the hell are you?!"sigaw ni Mommy mula sa baba. Umakyat siya at lumapit sa amin.

"Ma- Let me explain please, wala akong ginawang masama-"

Isang malakas na sampal ang iginawad sakin ni Mommy. Ramdam na ramdam ng manipis kong balat ang pwersa ng palad niya sa mukha ko.

Napayuko ako sapo ang aking pisngi, at pinigilang mapahikbi.

"Hindi ka talaga marunong makinig! Odette told me everything! At hindi ba sinabi kong lumayo ka na sa gulo?! Hanggang dito ba naman sa Puerto, Selene?!" malakas na singhal ni Mommy at dinuro na ako. "Ano ba kasing lumabas diyan sa kokote mo ha, at ginawa mo'yon?! Her mother also said na hindi na tuloy ang construction ng shop ko at ang factory ng daddy mo! For God's sake anak, alam mo bang maraming trabahante at magsasaka ang umaasa sa proyekto na iyon?!" sigaw ni Mommy.

"Ma... Wala akong ginawang masama sa kaniya. Siya yung nauna, hindi ko sinasadyang maitulak siya. She's the one who started the catfight, of course I will defend myself! Mommy magtiwala ka naman sakin-"

"Paano pa ako magtitiwala sayo? Pang-ilang kaguluhan na ba ito, ha? Mabibilang mo pa ba sa mga daliri mo?!"

"Andrea, stop it, sobra ka na. Anak mo yan." ani Lola habang hinahagod na ang baba ng likod ko.

"NO! Hindi Ma! Siya ang sobra na! Have you seen Odette's condition in the hospital? Nakasakit ka na, Selene. And that is enough for you to leave, kaya sasama ka na sa Kuya Kaleb mo sa Canada. I don't even know how to handle you anymore. Magtino ka doon!" ani Mommy.

Nagulat ako sa biglang desisyon ni Mommy, kahit ang sistema ko mismo ay hindi matanggap ang sinabi niya.

"Mommy, I want to stay here. Hihingi ako nang tawad kay Odette at Tita Cheleste. I promise, hinding-hindi na ako gagawa nang gulo o pagkakamali habang nandito ako-"halos magmakaawa ako sa harap nila Mommy. I almost kneeled down to beg for another chance.

"You can't change my decision. Dapat sayo maiwan kang mag-isa. Para wala ka nang maperwisyo pa." agad na umalis si Mommy sa harap ko.

Napatulala ako at dinaluhan ako ni Lola. Unti-unting pumatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan na bumuhos. Naramdaman ko ang mahigpit na yakap ni Lola.

'Kasalanan ko pa rin pala, nothing changed. Ako pa rin ang mali sa huli.'

"Lola is here apo, don't take everything that your Mom said to you. Ako ang bahala sayo, and about that guy... maybe hindi pa dapat ngayon ang panahon para sainyo lalo na sa nangyari ngayon. It's normal to make mistake, but we should always learn from it, Adra."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 05, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Counting the Stars (Viego Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon