PRLG

2.1K 53 5
                                    

"Daddy please stop hurting him! Mommy patigilin mo si daddy!" ang nagtatangis kong utos sa aking ina na ngayon ay lumuluha narin pero andoon ang dissapointment sa mga tingin nito.

Nagsusumamo ang aking mata sa aking ina hanggang sa napunta ang aking lumuluhang mata sa mga pinsan at uncle ko pero tanging tikom lamang sila at naghihintay sa mga susunod na mangyayari.

"Bitawan mo ko kuya argus! Kung hindi nyo aawatin si dad pwes ako haharang sa mga galit at suntok niya kay sebe!"

Buong lakas akong kumawala sa yapos saakin ni kuya argo na kahit mabato at malakas ang katawan nito ay nakawala parin ako.

"Ang tigas ng ulo mo! Sabing dito ka lang pabayaan mong bugbugin iyang sebastian na iyan! You know me kapag galit ako russel!"

Tinapunan ko lang siya ng nanlilisik na tingin. Walang akong pake kung magalit siya saakin. I don't care if he will hurt me.

"I don't care kuya! Sige saktan mo ko at wala akong pake!" sigaw ko dito at tinalikuran ko na ito. Dali akong tumungo sa kinaroroonan nila dad at sebastian.

Napasapo ako sa aking bibig ng masilayan ko ng tuluyan ang kinahihinatnan ni sebe. Oh my gosh! Andami niya ng dugo sa mukha at putok labi ang kaniyang mapupulang labi.

Ng matauhan ako sa aking nakikita ay inawat ko agad si daddy na susuntok na sana kay sebe na hindi man lang lumalaban.

"Dad please tama na! Wag mo ng saktan si sebastian! Ako, ako nalang kase ako naman ang punot dulo nitong lahat!" ang umiiyak kong singhal dito at mahigpit konh hinila ang braso ni daddy.

Nanlilisik ang mata ni dad at hindi makapaniwala sa aking ginawa. Ang promenenting panga nito ay gumagalaw sa galit.

"Ano bang pumasok sa isipan mo at pumatol ka sa lalaking ito?! Wala kana bang ibang gawin kundi bigyan ng kahihiyan ang pamilya natin! Ha Russel Saifah!" Singhal nito saakin.

Kahit sobrang sakit ang mga sinabi nito saakin ay tumungo nalang ako sa naghihinang sebestian.

"Sebe, I'm so sorry for dragging you this situation. Patawad sebe ko" ang lumuluha kong sambit dito at dinaluhan siya kaya napa-upo ako. Hinigit niya lang ako niyakap ng mahigpit. Ang kaniyang duguang mukha ay napasubsob sa aking leeg. Naiiyak ako sa sitwasyon namin ngayon pakiramdam ko lahat ng nakapalibot saamin ay tutol sa kung ano mang namamagitan sa amin ni sebe.

"Shhhh, wag kanang umiyak mahal. Malayo lang to sa bituka and I deserved all of these bruise. Basta hindi kita isusuko at wala akong pakialam kung mawawalan ako ng lesensya sa pagtuturo ko!" ang matigas ngunit malambing nitong saad sa aking leeg.

Napaiyak ako lalo sa kaniyang sinabi. Tutol man ako sa sinabi niyang wala siyang pakialam kung mawawalan siya ng lesesnsya sa pagtuturo. Alam kong mahal niya ang profession niya at ito ang isa sa pinaka pinapangarap niya pero this time hindi ko narin iisipin iyon kagaya ng gusto niyang gawin ko. I will fight him this time at hindi na ako magpaka duwag pa. Even all of them against this kind of relationship.



"Kahit ikaw na ang sumuko mahal basta ako hinding-hindi ako susuko. Baliw na baliw na ako sa para bitawan ka. Ikaw na ang mundo at buhay ko"

Para akong nakalutang sa alapaap ng mga sinabi niya iyon. Napatingala nalang ako sa kalangitan na punong-puno ng mga bituin hindi alintana ang nagkakagulong sitwasyon ngayon.

Ramdam ko ang mga tingin nila sa amin ni sebe ngunit hindi namin iton pinansin bagkus ay nakatuon lamang kami sa aming magkayakap na sarili.


"Mahal na mahal din kita sebe at handa akong kumapit para samahan ka sa laban na 'to. Sasama ako sayo kahit saan ka magpunta" ang lumuluhang bulong ko.

Kinantalan nito ng ilang beses na halik ang aking makinis na leeg at paulit-ulit niyang sinasambit kung gaano niya ako kamahal.






Ako Si Russel Saifah Montero at ang lalaking ito na nakayapos saakin na mahigpit ay ang pinakamamahal kong si Sebastian Machweelh.

Samahan nyo kami sa aming pag-iibigan na ipaglalaban hanggang sa huling hantungan.

The Verboten Love [ProfessorxStudent] Where stories live. Discover now