CHAPTER 1

8 2 0
                                    

"Ano na, Yuna. Hanggang ngayon ba naman kuripot ka pa rin?" Napatawa ako sa tinuran ng aking kaibigan, andito kasi kami sa isang restaurant at oras na para magbayad ng aming kinain. Ewan ko ba kung bakit hirap na hirap akong bumunot sa aking wallet gayong mayaman naman kami.

"Leyla, I'm not kuripot, I'm just matipid," pagpapalusot ko. Inirapan ako nito saka naglabas ng limang libo, ipinatong na lang niya sa lamesa ang pera at nauna nang tumayo. Nainis na naman ata dahil sa kakuriputan ko.

Kinuha ko na ang aking pouch at sumunod sa kaniya. Since grade school ay magkaibigan na kami ni Leyla kaya alam na alam na niya ang buo kong pagkatao, pati ang pagiging kuripot ko ay hindi na bago sa kaniya.

"Leyla, I love you. Thank you sa libreng mamahaling steak." Umakbay ako sa kaniya dahilan para lingunin niya ako, ngumiti na lang siya sabay irap ulit.

"Ewan ko sa 'yo, Yuna. Ikaw ang nag-yaya rito sa Mall pero ako ang gumagastos. Sabihin mo nga, ako ba umire sa 'yo?" Hindi na lang ako sumagot dahil sigurado namang sesermunan na naman niya ako. Sasabihin niyang hindi naman daw nakamamatay ang paglalabas ng pera sa wallet at kung ano-ano pa hanggang umabot ang sermon niya sa mga kalokohan ko sa buhay.

Tumigil kami sa paglalakad dahil may nakitang shop ng mga gadget si Leyla, hindi na ako sumunod sa kaniya at nanood na lang sa mga batang naglalaro sa loob ng arcade.

Napatawa ako ng makitang may batang lalaki na nadapa, sumubsob pa ang mukha sa sahig. Mabilis naman itong tumayo at naglakad na parang walang nangyari, ako naman ay nagpipigil nang tawa dahil pinagtitinginan na ako ng mga tao. For sure, minus 20 na ako sa langit.

Bakit ba ang babaw ng kaligayahan ko?

"What the hell?" Napalingon ako sa aking likuran dahil narinig ko ang mura ni Leyla, andito na pala 'to.

"Why?" tanong ko pero imbes na sagutin ay hinila lang ako nito palayo sa kinatatayuan namin kanina. Nilingon ko ang lugar kung saan kami naka-puwesto at para akong binuhusan ng isang balde nang malamig na tubig dahil sa aking nakikita.

"Yuna, let's go——"

Hindi ako gumalaw, hindi ako kumurap at kung kaya kong pigilan ang aking paghinga ay ginawa ko na. Totoo ba 'tong nakikita ko?

"Bakit ba kailangan mo pang makita?" Ramdam na ramdam ko ang irita sa boses ni Yuna ngunit ako ay nakatitig pa rin sa taong iyon. Totoo ba 'to, totoo bang nakikita ko siya ngayon?

"Leyla! What the packening tape, picturan mo 'ko sa kaniya! Leyla, hindi ko p'wedeng mapalampas ang araw na 'to. Isang guwapong artisita ang nakita ko ngayon." Nakita ko pa ang pag-irap nito ng hilahin ko siya pabalik sa aming puwesto. Maraming tao na rin ang pumapalibot sa kaniya, mga nagpapapicture.

"Ang guwapo!"
"Leo, pakasalan mo na ako."
"Mga g*ga kayo, akin lang 'yan."
"Leo, 1+1 equal two; the two of us eternally."

Hindi ko maiwasang matawa ng marinig ang banat niyong isang babae, pati ba naman Math dinamay niya sa kalokohan.

"Leyla, picturan mo 'ko. Ayusin mo, ililibre kita ng sampgyupsal kapag malinaw ang kuha mo." Bored itong tumango sabay kamot sa kaniyang pisnge, (ayaw na ayaw ni Leyla sa mga gan'to kaya siguro hindi niya gustong makita ko ang artista na ito kanina). Hinintay muna naming maubos ang mga taong nakapalibot kay Leo bago ako tuluyang lumapit.

Oh my gosh, kung sa TV ang guwapo niya lalo na ngayong harap-harapan ko siyang nakikita. Uso ba pimples sa taong 'to? Takot ata pimples sa kaniya, ang kinis ng face, eh.

"Hi, Leo. You are my fan." Narinig ko ang pagtawa nito gayon din ang kasama niyang babae na manager niya ata o ewan, ako naman ay napasapo sa noo ng marealized ang sinabi.

"I mean, I'm your fan and you're my electric fan." Gusto kong magpakain sa mga Dragon dahil kung ano-ano ang lumalabas sa aking bibig. Saan galing 'yong electric fan, Yuna?

"Ay, basta. Ang gwapo mo, picturan mo ko, ay mali na naman." Halatang tuwang-tuwa siya sa mga sinasabi ko kaya pati ako ay natawa na rin, being kinulang sa bakuna is not that bad.

"Leyla, ayusin mo!" sigaw ko kaya inirapan ako ng aking kaibigan. Ilang pose ang ginawa namin bago matapos, nagpasalamat muna ako sa kaniya bago naglakad palayo.

"Tinalo mo pa walang boyfriend, Yuna." Napanguso ako at itinago na muna sa aking pouch ang cellphone. Tinitignan ko kasi 'yong mga kuha niya. Infairness, malinaw.

"Primo knows that I admire Leo as an Actor and wala siyang problema ro'n. What's the big deal?" Bumuntong-hininga na lang ito at tinalikuran ako, nauna na siyang maglakad. Wala akong nagawa kundi sumunod. Ewan ko ba kung bakit laging mainit ang ulo nito, tinalo pa araw-araw red days.

Palabas na sana kami ng Mall nang mapansin kong huminto si Leyla, huminto rin ako sa paglalakad at nilingon ang kaniyang tinitignan.

Tinitigan ko pa ng ayos ang dalawang tao na iyon para masiguradong sila nga ang aking nakikita, impossible 'to.

He can't do that. He can't do this to me.

Imbes na pakinggan ang sinasabi ni Leyla ay lumabas ako ng mall. Mabilis ang tibok nang aking puso, ewan ko kung paanong nagagawa nitong tumibok gayong ramdam ko ang milyon-milyong karayom na tumutusok dito.

Sana ay mali ang iniisip ko.
Sana ay hindi ito kagaya ng iniisip ko.

"Primo," pagtawag ko sa lalaki. Nilingon ako nito at casual na tinitigan, 'yong titig na ipinupukol niya sa mga taong hindi niya interesadong makita o makausap.

"Oh, Yuna——" Agad kong pinadapo sa kaniyang pisnge ang aking palad. Bakit siya ganito? Anong nangyari?

"Bakit mo kasama ang babaeng 'to?" Nilingon ko pa ang kasama niyang babae. Ang babaeng 'to ay ang ex niya, her name is Ysabel. They had a relationship that lasted for 2 years. Of course, I know, anim na taon na kaming may relasyon ni Primo kaya alam ko ang mga nakaraan niyang pag-ibig.

"Nakipagbalikan ako sa kaniya." Nanlaki ang aking mata, ramdam ko ang panginginig ng aking dalawang kamay.

"What?" Para akong nabingi dahil sa kaniyang sinabi, hindi ko magawang i-absord ang mga salitang iyon sa aking utak.

"I'm breaking up with you, mahal ko pa rin si Ysabel." Umiling ako nang umiling at sinubukan hawakan ang kaniyang kamay pero inilayo niya ito.

"B-Bakit?" basag ang boses kong tanong, ramdam ko ang paghawak ni Leyla sa aking balikat pero inalis ko ito. Pinunasan ko ang luhang tumulo sa aking mata, hindi ko inalis ang titig sa kaniya.

"Bakit? Bakit mo nasasabi 'to? May nagawa ba ako?" Umiling siya sabay akbay kay Ysabel dahilan para mapaatras ako. Ganoon na lang kadali para sa kaniyang itapon ang lahat ng pinagsamahan namin?

"Akala ko ikaw ang tinitibok nito, hindi pala. Siya pa rin." Yumuko ako at hinayaang tumulo ang luha. Kanina lang masaya ako, bakit biglang ganito ang kapalit?

Bakit naman ganito kapait ang kapalit sa kaligayahang saglit na nadama?

Huminga ako nang malalim at pinunasan ang luha. Tama na ang ilang minutong pag-iyak, hindi niya deserved ang luha ko. Kung ayaw na niya, edi huwag.

"Then, Primo Gonzaga. You're now free, I am setting you free. From now on, kinalilimutan ko na ang lahat sa atin." Ngumisi ako saka siya tinalikuran. Naglakad ako palayo sa kanilang dalawa. Pakiramdam ko'y onti-onting nawawala ang kalahati sa akin habang palayo nang palayo sa kaniya.

It's hurts.

"Yuna, are you alri——"

"I am fvcking alright, Leyla. Look, I am smirking like an idiot. I am fvking alright!"

•••••
02-20-2021

Loving You Once AgainOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz