XXI: Panlilinlang

1K 33 8
                                    

Mr Alfredo Lacsima's POV

Binigyan ko lang ng mala-demonyong pagtawa si Rebecca bago ko itusok ang hawak kong patalim sa likod niya. Paalam, kawawang Rebecca. Isa ka na lamang parte ng ala-ala ngayon ng binatang si Nathaniel. Ngunit wag kang mag-alala. Sapagkat, makakasama mo rin siya maya-maya.

Ako na munang papalit sa'yo.

Sayang-saya ang mga kasama kong ibang guro habang isa-isang kinakain ang mga kasamahan ni Rebecca. Nakakatuwa silang pagmasdan habang unti-unti silang binabawian ng kanilang mga buhay. Kasalanan rin naman nila ang lahat ng yan. Masyado nilang pinairal ang kanilang katangahan. Kung hindi sana sila nahikayat na mag-aral rito'y hindi mangyayari sa kanila ang ganyang bagay.

Kabobohan.

"Wag tayong susuko! Talunin natin sila!" sigaw ng isa sa kanila kasama ang dalawa pa. Tatlo na lamang sila ngayong natitira.

Napangisi tuloy ako. Asa naman silang matatalo nila kami. Hindi nila alam ang pambihira naming kakayahan.

Wala silang alam.

"Mamatay kang impakto ka!"

May isang sumugod sakin. Galit na galit ang hitsura niya habang ako'y nakangiti. Hawak niya sa kanyang kaliwang kamay ang isang latigo. Medyo kinabahan ako dahil maaari akong masaktan sa armas niya.

Kailangan ko pa ring mag-ingat.

"Mamatay ka! Mamatay ka!" sigaw pa nito sakin.

Sinimulan na niya akong atakihin gamit ang latigo niya. Hindi ko maiwasang mapangiti. Napaka-bagal niya. Parati kong naiiwasan ang mga ginagawa niyang pag-atake.

Isa lang siyang baguhan.

"Sa likod mo Lacsima!" rinig kong sigaw ni Mrs. Hilda sakin.

Nagulat na lang ako nang may bumaon na kutsilyo sa tagiliran ko. Napatingin ako sa taong gumawa nito. Ang estudyanteng si Arra. Nakangisi niyang binunot ang kutsilyo nang masaksak na niya ako. Nag-iba bigla ako nang hindi sinasadya at nagilitan ko siya sa leeg ng marahas. Napaatras bigla ang isang umatake sakin kanina. Ngayon, dalawa na lang sila.

Mananagot sila samin.

Lumingon ako kay Miss Rona at Mrs. Hilda. Sabay ko silang ngitian at mukhang nakuha nila ang nais kong mangyari. Sila na ang dalawang kumilos para sakin.  Sabay nilang pinaslang ang dalawang natirang kasamahan ni Rebecca. Napansin ko ang sugat sa tagiliran ko. Naghilom na ito agad.

Nakakatuwa.

"Simulan mo na ang plano mo, Lacsima." sabi sakin ni Mrs. Hilda.

Pumikit ako at inisip ang imahe ni Rebecca. Maya-maya, pagdilat ko ay nag-iba na nga ako ng wangis. Hindi na nila ako makikilala ngayon. Aakalain ng kahit na sino na makakakita sakin, na ako ang tunay na Rebecca. Kailangan kong galingan sa pag-arte at pag-iimbento ng kwento mamaya.

Simula na ng pagpapanggap.





Mr. dela Costa's POV

"Nais niyo na bang mamatay?"

Gulat na gulat ang ekspresyon ng mga hangal na mag-aaral nang makita nila ako. Nakakatuwa silang pagmasdan. Takot na takot sila sakin. Nanginginig ang iba sa kanila at ang iba'y hindi maiwasan ang mataranta.

Napaka-tatanga.

Wala silang kaalam-alam na napapalibutan na namin sila. Ako pa lamang ang nagpakita nang sa gayo'y makapuslit sina Mrs. Hilda at Miss Rona nang hindi nila napapansin. Si Mr. Alfredo Lacsima? May plano siya. Isang planong paniguradong ikagugulat ng binatang si Nathaniel.

Celestino UniversityWhere stories live. Discover now