XI: Plano

684 20 4
                                    


Mrs. Della Asuncion's POV

Tanaw na tanaw ko sa di kalayuan ang dalawa kong estudyante na nagngangalang Chris at William. Mukhang papunta sila ngayon ng comfort room upang makapag-banyo. Kailangan ko iyon pigilan. Kailangang mawala na ang dalawang ito ngayon mismo dahil pinagdududahan na nila ako. Hindi iyon maaari. Wala pa dapat munang makaalam ng tunay na ako. Kung ano ang espesyal kong kakayahan at tunay kong katauhan. Utos iyon mula sa aming pinaka-mamahal na pinuno.

Darating rin ang itinakdang araw upang malaman ng lahat ng estudyante ang tunay na Mrs. Della Asuncion.

Nagpalit na ako ng wangis mula sa pagiging uwak hanggang sa pagiging isang tao. Kailangan ko silang ibihag sa patibong. Nang sa gayo'y wala nang makakapigil pa sa aming plano.

Katapusan na nilang lahat.

"Hi Maam." bati nila sakin nang makasalubong nila ako.

Ngayon. Magsisimula na ako sa aking binabalak. Batid ko namang mabibihag ko sila dahil hangal ang dalawang ito. Nakakatawa. Dahil maya-maya'y katapusan na nilang dalawa.

"Wala pa ba kayong klase?" tanong ko sa kanila. Nagkatinginan lamang sila at tila may ibig sabihin ang kanilang mga tingin na hindi ko naman mabatid kung ano.

Nakakainis.

"W-wala po. R-recess palang po kasi." sagot sakin ni William. Nginitian niya ako. Wala na akong ibang nagawa kungdi ang ngumiti rin. Kailangan ko silang paniwalain sa Mrs. Della Asuncion na kaharap nila ngayon.

"Ah ganon ba? Sige mauna na ako sa inyo."

Tumalikod na ako't naglakad na palayo sa kanila. Nang medyo nakalayo na ako't hindi ko na sila makita'y nagtago ako sa isang gilid atsaka nagpalit ng wangis.

Ngayon hindi na nila ako mapapansin.

Lumipad ako malapit sa kinaroroonan nila upang panuorin at pakinggan ang kanilang pinaguusapan. Batid kong may kinalama ito sakin.

Hindi nga ako nagkamali sa hinala ko.

"Bakit parang kakaiba ang ikinikilos ng guro natin?" tanong ni Chris kay William. Kunot ang noo nito at halata mong nagtataka talaga.

Ganyan nga. Umaayon sa plano ko ang lahat.

Nagkatinginan muna silang dalawa. Mukhang may binabalak silang gawin. Tama na naman ang naiisip ko. Susundan nga nila ako.

Ngayon, malapit ko na silang patahimikin.

"Alamin natin kung bakit." sabay nilang sabi bago naglakad sa daan na tinahak ko kanina.

Mga hangal.



Sandra's POV

Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng banyo, ay nakahinga ako bigla ng maluwag. Salamat. Mabuti't wala dito ang mga bruhang nakaaway ko kanina. Naaasar na ako sa mga pagmumukha nila sa totoo lang. Kanina ko lang sila nakaaway at kanina lang ako nakagawa ng eskandalo sa buong buhay ko. Matapos niya akong ipahiya sa harap ng maraming tao, ganon-ganon na lang? Hindi naman tama 'yon. Kaya ginantihan ko siya kanina lang.

Usap-usapan pa rin ang insidenteng iyon hanggang sa mga sandaling ito.

Agad akong pumasok sa loob ng ikalawang cubicle. Pagkapasok ko, ay agad ko nang sinimulan ang aking gagawin. Nang matapos ako'y nilinis ko na ang aking mga dapat na linisin. Pagkatapos, ay isinuot ko na ang aking palda bago lumabas ng ikalawang cubicle.

Nakakakaba.

Pumunta ako sa may gripo. Naghugas ako ng aking mga kamay sapagkat batid kong marumi na ang mga ito. Ayaw na ayaw ko sa bacteria.

Nakakadiri.

Bukod tanging ako pa rin ang nasa loob ng banyo. Wala pa ring dumadating. At mas lalong wala pa ring lumalabas. Dahil ako lang naman ang natatanging nasa loob ng banyo. Subalit, nang sandaling maghilamos na ako, ay may naramdaman ako bigla na pumasok sa loob ng banyo ma labis kong ikinagulat. At ang aking mas lalong ikinagulat, ay nang makita ko ang aking sarili sa harap ng salamin na puro dugo ang mukha at may nakita pa akong tila demonyo na nakatayo sa aking likuran!

Natahimik lamang ako ng mga ilang saglit dahil don. At ilang saglit pa...

"AAAAAHHHHH!!!!!"

Napasigaw na lang ako dahil sa sobrang takot.



Lanie's POV

Nakakahiyang naagaw ko ang atensyon ng mga estuydante sa cafeteria nang bigla akong sumigaw. Sino ba namang hindi mapapasigaw kapag nakakita ka ng kakaibang sahog sa lugaw na kinakain mo.

Isang mata.

"A-anong nakita mo, Lanie?" nagtatakang tanong sakin ng kaibigan kong si Candice.

"Ano ba yan! Papansin masyado!" rinig kong sabi ng dalawang bruha. Psh. Mga mambubulas. Diyan naman sila magagaling.

Nakakatawa.

Kung alam lang nila kung anong nakita ko. Siguradong masusuka sila.

"Y-yung n-nasa lugaw k-ko.... M-mata."

Hindi talaga ako makapaniwala sa nakita ko. Hindi iyon maaari. Sigurado akong mata yung nakita ko at hindi ko iyon guni-guni. Walang halong biro. Batid kong may nangyayaring kakaiba sa paaralan namin.

Tulala lang ako habang nakatingin pa rin sa kinakain ko kaninang lugaw. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nag-iba na ng tuluyan ito. Napaka-raming maliliit at nakakadiring mga uod, at isang mata. 'Yan na ang laman ng mangkok ko ngayon.

Nakakasuka.

Naramdaman ko na lang na unti-unti nang nanghihina ang katawan ko. Biglang sumama ang pakiramdam ko.

Nahilo ako hanggang sa biglang dumilim ang buong paligid.



Rebecca's POV

"A-ano kayang nangyari?" nagtatakang tanong ko habang patuloy pa rin sa pagkain.

Napansin ko kasing kanina pa kakaiba ang ikinikilos nilang lahat. Wala akong ideya kung anong nangyari doon sa lalaking biglang tumakbo palayo kanina. Gayon rin sa babaeng bigla na lamang sumigaw at ngayo'y nawalan na ng malay.

Weird.

Nakaupo pa rin ako ngayon kasama ang aking mga kaibigan sa paborito naming puwesto. Tahimik lang kami habang nakatingin sa mga kaganapang nangyayari sa loob ng cafeteria. Wala kaming ideya kung ano bang eksaktong nangyari at bakit biglang nagkaroon ng ganitong kaganapan sa loob ng cafeteria. Samantalang, dati ay wala namang nangyayaring ganitong kakaiba sa cafeteria namin. Kaya, labis-labis na lamang ang aking pagtataka.

Ang daming pagbabago.

"Hindi ba kayo nagtataka?" biglang sabi ni Nathaniel. Hay nako. Heto na naman siya.

"Saan Nathaniel?" tanong ni Hannah.

"Sa mga nangyayari sa school natin nitong mga nakaraang araw. Parang... nagiging weird eh." sagot ni Nathaniel. Hindi pa rin niya inaalis ang tingin niya sa babaeng nawalan ng malay kanina na ngayo'y binibuhat na upang dalhin sa clinic.

"Katulad naman ng ano?" tanong naman ni Raven.

"Ikinikilos ng mga guro natin. Para kasing... nagiging kakaiba. Hindi ba?"

May point nga siya. Napapansin ko rin ang bagay na iyon. Ngunit, binabalewala ko na lang dahil ayokong magkaroon kami ng poproblemahin. Ayoko silang takutin.

Baka isipin nila nagsisinungaling ako.

"Sabagay. Tama ka diyan. So, anong plano mo? Magpapaka-detective ka, para malaman mo kung bakit may mga nangyayaring pagbabagong nagaganap dito sa school natin? Ganon ba?" sambit ko sa kanya.

Sana lang at mali ang naiisip ko. Dahil ayoko siyang mapahamak kung sakaling itutuloy nga niya ang pag-iimbestiga. Hindi siya maaaring mamatay. Kaibigan namin siya.

Walang mamamatay sa aming apat.

"Mukhang ganon na nga." sabi niya kasabay ang isang pagngisi.

Hindi ko alam kung anong pinaplano niya.

Celestino UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon