Act 5{You're Welcome, but you're not}

3 1 0
                                    

Author's Note!
This story will take place in Year 3 of Mankai. Which means the all the boys are 3 years older.

GENEVIEVE
Huhu, bakit ako naging assistant director? Wala akong alam sa acting! Bukod sa mga nalalaman ko sa game, yung iba hindi ko na alam!

"Tachibana Izumi, what did I say about not hiring people who you just met?" Pagsisimula ni Sakyo habang nakahawak sa noo nya. Nakangiti lang si Izumi. "Mabait naman sya. Plus, I don't think she can do any harm. Mas malaki pa si Yuki, Azami at Muku sa kanya."

Napatingin agad ako sa kanya. Hala, na-offend ako dun. Oo na, mas mataas pa sakin ang mga 15 year olds. Nahiya naman ako.

Napatingin naman sakin si Sakyo tsaka umiling. Anong iniiling iling neto? Ah, baka nalulungkot, dagdag gastusin. Ito talaga oh, kuripot.

"Ahm, kung iniisip mo po kung meron ba akong experience sa paggiging director...." Tumingin ulit sya sakin. Yung ibang members din napatingin sakin. Enebe yen nekekeheye eng demeng gwepeng neketengen ehe. De charot lang, ang harot.

Napakamot ako sa ulo ko. "Wala po akong experience.." Napatawa ako ng mahina. Narinig kong tumawa yung iba at si Sakyo naman ay napailing ulit.

Tumingin naman ako kay Izumi. "Izumi, sorry, wala kasi akong experience sa pagiging director eh. Magtatanong lang sana ako ng pwedeng matirahan. Hindi ko naman iniisip na sa bahay nyo pala ako dadalhin. Sorry sa distorbo. Aalis na po ako." Nagbow ako sa kanya pati sa members ng mankai.

Bye mga gwapo kong mga asawa.. De charot. Napakagaling ko din magsinungaling, di daw ineexpect na sa dorm ako dadalhin. Pwede ko nang matalo si Itaru ah.

"Teka! Ok lang yan!" Nagthumbs up sakin si Izumi. Nagtatakang tiningnan ko naman sya. "Ha?"

"Ok lang yan. You see, before I became a director, wala din akong experience sa pagiging director." Ano ba yan, may pinagkaiba tayo eh. May experience ka sa acting. Ako wala.

"I'm home." Naptingin ako sa boses na bagong uwi lang. Ay...

"Oh, Itaru! Chikage! Welcome home!" Sabi ni Izumi sa likod ko. Ahh, walang warning sign? Hindi ako handa! Sana sinabihan naman ako na grabe pala na duo itong dalawang toh. Lalo silang gumagwapo pag magkasama.

Gulat na napatingin sakin si Chikage. "Bakit ka nandito?" Nanlaki ang mga mata ko. Teka! Nagkita nga pala kami kanina!!

Tiningnan nila kami pareho. Napangiwi nalang ako. "Kilala mo sya Chikage?" Tanong ni Izumi. "Ikaw yung nahulog galing langit."

"Ha?"

Napangisi ako sa naisip ko. "Ah... Ang sweet naman, hulog ng langit pala ako?" Nginitian ko sya. Siniko sya ni Itaru. "May time ka pang bumanat dyan?" Gulat na napatigil naman si Chikage.

"Ano? Teka, you guys got the wrong idea!" Tumawa si Izumi. "Naku, ikaw Chikage ha."

"Ms. Genevieve." Napatingin ako kay Sakyo. "Are you employed?" Tumango ako. "Ahm, isa po akong publisher... Pero... Break ko po ngayon.." Tumango ito.

"We'll accept you. Pero keep in mind na since employed ka, kailangan mong tumulong sa expenses dito." Luh, bago pa nga lang dito, kasama na ako sa gagastos. Ano ba yan, Sakyo. Ganyan na ba kayo kagipit?

"Hala, salamat po!" Nagbow ako sa kanya. "Our problem is kung saan ka tutulog."

"No problem! Share kami ng room." Taas kamay na sabi ni Izumi. "Ako nalang ang makipagshare sayo Izumi." Sabi naman ni Masumi sa kanya. Napabuntong hininga nalang sa kanya si Izumi.

*****
"Maliit lang tong kwarto na ito. Isa lang din ang higaan dito. Bukas nalang tayo bumili ng mga gamit para sayo!" Sabi ni Izumi nang makapasok kami sa loob ng kwarto nya.

Where Tangents MeetWhere stories live. Discover now