And I don't want to be late on that dinner! Siya pa ang nag-organize tapos kami iyong mali-late.

I was about to go back to the bed and wait for him to finish but he carried me using his force. Napatili ako sa pagkabigla bago niya sinarado ang pinto at bago ako nakaramdam ng lamig ng tubig na dumausdos sa katawan ko.

"What the—" I was silenced by his kiss. Ugh. Ewan ko ba kung bakit sobrang naaadik ito sa paghalik sa akin. Nagiging routine na niya yata iyon araw-araw. Hindi ko mabilang kung ilang beses na ba niya iyon nagagawa sa akin.

"Jake, are you going to make us late on your dinner?" tanong ko nang maghiwalay ang labi namin.

"Nope. I can manage the time so I am sure we'll not be late. Maaga pa naman masyado," he answered and then cupped my face before he did what he likes.

Nagpatianod ako sa kanyang mga naging kilos. I became lost and he hypnotized me using his touches. It was like fire burning inside me. Nanghina ako kaagad at hindi na nakakontra pa sa kanya.

Damn. If our shower will always be like this, I don't think we can go out without panting and feeling tired. When it comes to this thing, his mind's always awake and energetic.

Ang tapang gumawa ng kilos pero hindi naman ako napapabuntis. Tss. Ganoon ang kanyang prinsipyo na parang handa lang basagin oras na ikinasal na kami. He likes doing some miracle.

It was just an hour being inside the bathroom. Dahil marunong naman daw siyang mag-manage ng oras, umabot naman kami sa eksaktong oras na kanyang nai-set.

Isinuot ko na lang iyong isang dress na mukhang tengga sa cabinet. Square necked dress iyon tapos lagpas tuhod ang haba. It's in a black color. Sakto lang sa katawan ko saka hindi masyadong hapit.

Hindi naging matagal ang pag-aayos ko at nakuntentong itali na lang ang buhok. Kaunti lang naman ang naging make-up ko bago kami tuluyang umalis ng bahay.

Nakangiti ito buong byahe habang nakahawak sa kamay ko. He looks like he's smirking but he's not. Maayos na maayos din ang kanyang itsura ngayon.

"My back hurts. Ang lakas ng pagkakatulak mo sa akin kanina," reklamo ko. And this time, he chuckled. Kinurot ko ang palad niya pero hindi siya napadaing.

"Sorry. Hindi ko napigilan, eh. Masyado mo akong binaliw."

"Gago ka talaga. Ganyan nangyayari sa'yo tuwing nasasarapan ka sa ginagawa mo. You're too strong to push me, idiot."

"Sorry na nga. Sa susunod, ako naman itulak mo. Handa akong maitulak mo sa pader basta masarapan ka rin," he laughed and then I pinched his palm once again.

Pagkarating namin sa bahay nila ay dumiretso kami sa loob. We went straightly to the dining table. Naroon na kaagad ang kanyang magulang na naghihintay sa amin.

Parang gusto ko na kaagad umatras nang sandaling makita ang iba niyang pinsan. They are all with their families. Napuno iyong mahabang mesa sa kanilang mga presensya.

He held my waist tightly before I greeted his parents. Hinalikan ko ang mga ito sa pisngi saka hindi rin napigilang ngumiti. I also gave a smile to his cousins before we sat.

May nakabakante nang upuan para sa aming dalawa. It's just strange for me to see his cousins here. Kahit na ilang beses naman naming nakita ang isa't isa, parang bago lang sa pakiramdam iyong makita sila.

"Good evening, hija." Napangiti ako ulit nang batiin ako ni tita.

She has this lovely smile that I admire. Sadyang ang ganda niya lang talaga sa paningin ko palagi kaya hindi ko mapigilang purihin ito.

His father looked at me, smiling too. Kumpleto naman yata sila ngayon at hindi ko alam kung anong mayroon ba.

According to Jacob, it's just a dinner. Dinner lang pero walang sinabing kumpleto silang lahat ngayon dito.

Halos lahat sila ay nakangiti sa amin pareho. Jacob held my hand tightly. Ginawaran ko siya ng tingin pero sadyang magaganda ang mga ngiting kanyang iginagawad sa lahat.

Good thing we arrived at exact time. Mukhang kanina pa sila nakaupo pero hindi naman masyadong natagalan sa amin.

"I'm sorry if we kept you all waiting for a while. May sandaling ginawa lang," he started talking.

Gusto kong umismid sa kanyang sinabi. Talagang gustong ipangalandakan ang talagang kanyang ginawa.

Sinipa ko ng bahagya ang kanyang paa ngunit hindi man lang ibinaling ang tingin sa akin. Saglit lang na nagbago ang ekspresyon bago itinuloy ang sasabihin.

Bukod sa ingay ng mga anak ng kanyang mga pinsan, halos sila ay tahimik lang pero may galak sa kanilang mga mata. I've met them many times but I am still not used with their presence.

Tuwing magsasama-sama silang lahat, parang nakakahiyang mag-ingay dahil sa halos magkakaparehong aura nila. Kailangang pagsamahin tapos nakakagawa ng parang ikakatakot mo.

"How's life then? Matagal bago kayo nakabisita rito. Your other cousins visited us multiple times than you. Anak ka ba talaga namin?" tanong ng kanyang ama. Tumawa ito ng kaunti sa narinig.

"We're just busy. You know that I am practicing to be a good husband to Phoebe. Dami ko na ngang plano, eh." He looked at me while smiling. Iniwas ko ang tingin dahil masyado akong natuwa sa kanyang sinabi. Parang biglang nawala ang pananakit ng likod ko bigla.

"Tsk. Sabihin mo, ayaw mo lang talagang iwan si Phoebe. Para kang linta kung makakapit, eh," his cousin, Joaquin added. Sinabayan niya iyon ng tawa habang inaakbayan ang anak na halos pareho lang agwat ng taas.

"Mahiya ka nga. Nariyan ang anak mo sa tabi mo tapos wala kang manners. Aral ka nga ulit ng GMRC." He replied and then we all started eating.

Namutawi ang ingay ng kubyertos. Hindi rin nawala ang ingay sa amin. We all concentrated to the presence of the food.

Malapit naman ang loob ko sa kanilang lahat. Though we don't see each other as always, tuwing magkikita naman ay labis ang tuwa. I can build a better relationship with his cousins' wives. Puro naman mababait ang mga ito.

"Kailan nga ba ang kasal? You keep on talking to me that you'll marry her but where's the ring? Ilang taon pa ba ang hihintayin namin?" Napainom ako sa tubig.

I waited for Jacob to answer that but he just smiled. Napainom na rin siya sa tubig saka sandaling nilunok ng maigi iyong pagkain.

Naging kuryoso din ang kanyang ibang pinsan sa ideyang iyon. Even me, I can't contain my curiosity. Gusto ko na lang sagutin na mukhang naghihintay pa ng tamang panahon ang kanilang anak habang ako ay natatagalan na rin.

"Uh—"

"Soon. We're not rushing though. May sarili naman po akong plano tungkol sa kasal. Humahanap lang ng magandang tiyempo."

I kept quiet. Napahinga ako ng malalim saka napaisip.

Kung nagpaplano siya, bakit mukhang ako ay hindi niya sinasabihan? Lagi naman niyang sinasabing darating din sa ganoong balak na iyon. He's lying to his parents.

Ewan ko sa kanya. I'm just ready to the point that I'm too eager to know what his plan is all about.

Kasal na lang naman ang kulang sa amin.

Once in a Lifetime (Valdemora Series #5)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora