"I love you. Mahal kitang tunay kaya huwag kang magtampo, okay? Malay mo, baka may magandang balitang dumating sa'yo bukas. Antay ka lang," he remined me before giving me a one last kiss. Tinapunan ko ito ng t-shirt na hawak saka napanguso sa kanyang ginawa.

Siguro ay dahil sa kasanayan sa ginagawa, ni minsan ay nabibigla na lang ako sa kanyang naging kilos. He was scared before but now, everything has changed. Iba ang naidulot sa kanya ng pagiging sanay sa akin.

"We'll visit my parents later. Nagpa-organize na ako ng dinner sa bahay nila." He added while standing at the door. Inilayo niya ang sarili na sa akin dahil talagang babatuhin ko lang siya ng mga damit kapag malapit siya.

Hindi niya ako sinabihan kagabi tungkol doon. Hindi ako masyadong nakapaghanda tapos mamayang gabi na pala mangyayari.

"What's the occasion? Hindi naman birthday ni tita, ah?" my forehead creased. Umiling siya.

Nakasandal ang kanyang balikat sa gilid ng pintuan. He's crossing his arms and staring at me. Parang humahanga lang sa akin sa uri ng titig na kanyang iginagawad.

"Hindi nga. Birthday lang ba ako pwedeng magpa-organize ng dinner?" nangunot na rin ang kanyang noo.

Hindi naman kasi nangyayaring hindi kami naiimbitahan sa kanilang bahay tuwing may espesyal na okasyon. Lagi kaming naroon tapos ayoko namang tumanggi. We're always having a perfect attendance when it comes to occasions in their house.

Sa ngayon ay hindi ko alam kung ano na naman ba ang trip niya. Minsan kasi ay biglang may naiisip na ideya tapos hindi ko man lang alam kung ano.

I sighed before I finally finished the thing I am doing. "Alam mo, kung may trip ka, hindi ako sasama. I'll just be here." Iyon ang naging tugon ko na ikinasimangot niya.

Hindi pa rin ito umaalis sa pintuan kaya't naglakad ako palabas ng kwarto. Napasunod siya sa akin saka hinawakan ang braso ko. Hindi mahigpit ang uri ng kanyang paghawak.

"Baby, it's just a dinner. Isa pa, nami-miss na rin tayo ni Mama. Ayaw mo bang pumunta? Hindi naman ako nangti-trip, ah?" Nahihimigan ko sa kanyang boses ang pagkalambot niyon. Parang bata na nanghihingi lang ng candy tapos ayokong bigyan.

He followed me until I reached the kitchen. Uminom ako ng tubig saka nandoon pa rin siya sa likuran ko. Hindi ako tinitigilan sa kanyang hinihingi sa akin.

I faced him and then his face got nearer to me. Talagang sinusubukan ako sa tapang ko ngayon. Parang akala niya ba ay bibigay ako sa uri ng titig na mayroon siya.

I poked his forehead and I started walking again, going back to our room. Mabilis naman niya akong sinundan kaagad saka hinigit ng marahan ang braso.

"Fine," pagsuko ko. "What I will wear?" agaran kong tanong. Naging malapad ang kanyang ngiti sa akin nang marinig iyon.

"Anything. Kung saan ka komportable." He smiled sweetly. Inirapan ko siya saka kinuha ang tuwalyang nakasabit.

I headed to the bathroom. I noticed that he's still following me. Pansin kong mayroon na ring tuwalyang nakasabit sa kanyang balikat habang nakasunod ang mga yapak sa akin.

Nang makitang napatigil ako, tumigil din siya saka binigyan ako ng nagtatakang tingin.

"O bakit? Bawal na ba tayong sumabay ng ligo?" tanong niya habang napapakamot sa ulo. Hindi ito nagpatalo sa naging pananahimik ko.

We've done this several times. Sadyang ngayon talaga ay parang wala ako sa mood na makipagsabayan sa kanya ngayon. Matatagalan kami dahil kapag gusto niya ang isang bagay, talagang hindi titigil.

Once in a Lifetime (Valdemora Series #5)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant