Chapter 4: Mysterious

29 5 0
                                    

Chapter 4: Mysterious

Iyura Misiere

Hindi ko na matandaan kung paano ako inihatid ni Sir Rieyel sa kwarto ko. Nakatulala ako ngayon dito sa harap ng bintana at nakatingin sa mga bizarre sa ibaba na naglalakad pabalik doon at papunta sa kabila, at meron pang sumasayaw—teka? Sumasayaw?

Napukaw ang interes ko at kagustuhang manood ng malapitan sa isang grupo ng kalalakihan na may kasamang mga babae ngunit mas marami ang lalaki.

Hindi ko marinig kung may tugtog pero umiindayog ang ilan sa nanonood at aliw na aliw sa mga ito na tumatalon ng mataas at umiikot sa ere.

Pero mabilis ang naging galaw ko papunta sa sulok ng maramdaman ko ang presensya ng kung sino na papasok dito sa kwarto. Hindi ako nagkakamali dahil may kumatok nga.

"Iyura? Ako ito, papasok ako." Rinig kong sabi niya. Si Sir Rieyel.

Ngumiti siya sa akin nang makapasok.

"May mga tao akong inutusan para samahan ka sa pupuntahan mo. Kumain kana sa cafeteria, wala ng estudyante roon at maari ka nilang samahan sa likod." Ngumiti si Sir Rieyel at tumango sa akin. Samahan sa likod? Anong mayroon doon?

"S-salamat po sainyo." Ngumiti akk ng tipid, binuksan niya ang pinto at sinenyasan akong lumabas na.

Naglakad ako ng normal palabas, maaaring naging komportable ako kay Sir Rieyel dahil sa ipinapakita niya pero hindi ako maaaring maniwala sa kanila.

Nagulat ako ng makita ang dalawang lalaki sa labas na malalaki ang katawan. Katulad ng suot ni Sir Harold ang suot nila.

"Huwag ka mag-alala, babantayan ka nila." Ngumiti si Sir Rieyel at tinapik ang balikat ko. Napatitig ako sa mga mata niyang kulay pula. Kakaiba.

Nanguna ang isang lalaki, sumunod ako sakaniya at ang isa naman ay nasa likod ko. May nasasalubong kaming mga estudyante na napapatingin sa amin pero ang iba ay nilalagpasan lang kami ng tingin.

Nang makalabas kami ng building ay akala ko didiretso kami ngunit lumiko pakaliwa ang sinusundan ko. Papasok iyon sa loob at madilim. Agad na gumapang ang kaba ko pero sumunod pa rin ako.

May pinto roon at binuksan ng lalaking nasa unahan ko. Pumasok siya at sumenyas na sumunod ako, panay ang lingon ko kahit saan pero puro bato lamang ang nakikita ko. Mukhang daanan lamang ito.

Bakit nila ako dinala dito? Anong dulo nito?

Umiling ako para mawala ang mga tanong na naglalaro sa isipan ko. Tuluyang namang nawala ito ng masilayan ko ang liwanag sa dulo.

Napakunot ang noo ko ng bumungad ang isang malaking hardin na may isang lamesang mahaba at puno ng pagkain. Walang tao roon, tanging kaming tatlo lamang ng aking kasama.

Cafeteria? Nasaan ang cafetaria?

"Miss Iyura, umupo na po kayo." Normal na sabi ng sinusundan ko kanina, inayos niya ang upuan para sa akin.

"K-kakain po ako?" Hindi ko alam kung ano ang lumabas sa bibig ko, narinig kong humagikgik sa likod ko ang isang bantay.

"Opo, pinahanda ito ni Sir Rieyel para sa inyo Miss Iyura. Kainin niyo po ang lahat ng gusto niyo, sainyo po lahat iyan." Nakangiting tugon niya.

Cursed BloodWhere stories live. Discover now