Kusang napapikit si Alena habang dinadama ang mainit at mapusok na halik ni Vice na para bang sumisisid sa kaibuturan ng kaniyang pagkatao.

Mayamaya ay naramdaman nalang niya ang pagbukas ng pinto at pagsara rin nito. Walang segundong humiwalay ang labi ni Vice sa kaniyang labi hanggang sa dahan-dahan siyang inihiga nito sa papag na may malambot na kumot.

Bumaba ang mga halik ni Vice sa leeg ni Alena patungo sa kanyang balikat. Napapaliyad nalang ang sang'gre sa bawat dampi ng labi ni Vice sa ibang parte ng kanyang katawan haggang sa unti-unti niyang iminulat ang kaniyang mga mata nang tumigil sa paghalik si Vice, nakahiga siya sa papag habang nasa ibabaw niya ang huli. Nakatitig ito sa kanyang mga mata na tila humingi ng pahintulot.

Dahan-dahang hinaplos ni Alena ang pisngi ni Vice saka siya ngumiti at tumango. Isang malambing na ngiti rin ang binigay ni Vice bago niya muling halikan ang labi ni Alena.

Madaling araw na ngunit gising pa rin ang dalawa sa maliit na kubo. Bahagyang madilim na ang buong silid at tanging ang liwanag lamang mula sa isang lampara at mula sa buwan ang nagsisilbi nilang ilaw.

Kasalukuyang nakahimlay ang ulo ni Alena sa braso ni Vice habang mahigpit siya nitong niyayakap. Hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis-alis ang saya sa kanilang mga mukha. "Nananaginip ba ako?" tanong ni Vice at napangiti sa kanyang sarili.

Napangiti rin naman ang sang'gre nang tignan niya ito, "Bakit mo naman nasabing nananaginip ka?"

"Kasi hanggang ngayon hindi pa rin talaga ako makapaniwala na tayo na. Na akin ka na," saad nito at hindi mapigilan ang sariling mapangiti ulit. "At kung iisipin natin ng mabuti, napakaswerte mo dahil hinabol kita sa port noong umagang yon kahit may hangover pa ako," biro nito dahilan para kumunot ang noo ni Alena ngunit nawala rin naman agad nang halikan siya ni Vice. "Pero syempre, joke lang yon. Ito naman, hindi mabiro. Mas maswerte pa rin ako dahil ako yung pinili mo. Mas maswerte ako dahil nagawa mo pa rin akong hintayin."

"Mapalad ka talaga dahil ang mga katulad kong sang'gre ay minsan lamang kung umibig," hirit naman ni Alena at sabay silang natawa.

"So ibig sabihin, totoo pala talaga yong nakasulat sa alamat tungkol sa inyo? Na buong buhay niyo, isang beses lang kayo kung umibig? Parang one time, big time, ganon ba yon?" napatango naman si Alena at napangiti sa tanong ng kanyang katabi.

Sandaling napatingala si Vice sa kisame at manghang-mangha sa kanyang nalaman. Agad namang sumilay ang malawak na ngiti sa kanyang labi nang magsalita si Alena. "Kaya ngayon, batid mong wala na akong ibang iibigin pa maliban sa iyo, dahil ikaw at ikaw lamang ang nagmamay-ari at magmamay-ari ng puso kong ito."

Muling nagtapat ang kanilang mga mata at dahan-dahang hinawi ni Vice ang buhok ni Alena saka hinalikan niya ito sa noo, "At ikaw lang rin ang tanging mamahalin ko ng ganito. At kung meron pang higit sa mahal kita, yon ang para sayo, yon ang pag-ibig ko para sayo."

Napapikit at napangiti si Alena bago maingat na humiga sa dibdib ni Vice, "Binigay mo ang sarili mo sa akin ng buong-buo. Kaya nararapat lang na ibigay ko rin ang sarili ko sayo ng buong-buo," sinserong sambit ni Vice at dahan-dahang inangat ni Alena ang kanyang tingin. Halos sumabog na ang puso nito dahil sa umaapaw na kaligayahang dulot ng pag-ibig.

"E correi diu," ang mga salitang binitawan ni Alena bago siya muling halikan ni Vice. Isang malalim na halik na nagpapahiwatig ng panghabang buhay na pangako at walang hanggang pagmamahal.


















Kinaumagahan, bahagyang naalimpungatan si Vice nang marinig ang iba't-ibang ingay mula sa labas ng kanilang maliit na kubo. Rinig din sa loob ng kanilang silid ang marahang paghampas ng alon mula sa dalampasigan. Unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga mata at tumambad sa kanya ang nakangiting si Alena. Alam niyang hindi ito umalis sa kanyang tabi at hinintay lamang siya na magising. "Avisala, mahal ko," malambing na pagbati ni Alena dahilan para agad na mapangiti si Vice.

Ang Mahiwagang PusoOnde histórias criam vida. Descubra agora