PANGATLO

7 0 0
                                    


10 months later...

Yumi stared at the papers in front of her. Hindi na siya nagtataka kung bakit mabilis ang proseso nito. Ryden's family has a lot of connections. They can have what they want in just a snap.

Umagang-umaga pero bumugad agad sa kanya ang annulment papers na pinadala nig mga magulang ni Ryden. Tumawag ang mga ito kagabi sa kanya para ipaalam na ipapadala na sa kanya ang mga papeles para mapirmahan.

Mag-iisang taon na ulit ang lumipas simula nang umalis siya sa bahay nila ni Ryden. She sometimes wonder how is he. Nakikinig pa rin kaya ito sa mga audios niya?

Wala na kasi siyang balita rito pero ayos lang naman. Gusto na niya itong kalimutan and she just need to sign this papers para tuluyan na siyang makalaya.

Ito rin naman ang gusto ni Ryden panigurado.

"This is for good." she mumbled to herself

Mariin niyang ipinikit ang mga mata at huminga ng malalim sabay mabilis na pagpirma sa papeles.

Kailangan niya itong maipadala pabalik, ngayon din mismo. Ayaw na niyang makita ang mga ito rito sa apartment niya.

Before she cook lunch, nag-ingay ang phone niya. Agad naman niya iyong sinagot.

"Hey Yumi! How are you?"

"Hello, Ace. Napatawag ka?"

"Well, I just called to say na meron akong good news."

She sits properly in her sofa and listen to Ace eagerly.

"What is it? Huwag mo na akong ipa-prank na bruho ka. Kakalbuhin kita, I swear."

Ace just chuckled. Nakilala niya ang lalaking 'to, isang linggo matapos niyang lumipat. Isa ito sa nakatira malapit sa bahay niya pero hindi ito madalas na umuuwi. He became her friend dahil na rin madalas niya itong bigyan ng lutong ulam. Ngayon nga ay tinutulungan siya nito about sa negosyong itatayo niya.

It's a restaurant/cafe.

Sa kabutihang palad, mabilis siyang nakaipon ng pera. This is a good start for her. Pinapadalahan pa rin naman niya ang Papa at Mama niya kaya hindi ang mga ito kinakapos. Her mother was unusually silent sa tuwing tumatawag siya para mag-video call. Noon kasi, makita lang siya nito ay isang katerbang setmon ang inaabot niya. Her father keeps on rambling about random things. Nagkukwento ito nang mga kaganapan sa Maynila at marami pang iba.

"....next month."

"What?"

"Ang sabi ko, malapit ka nang makapagbukas ng restaurant mo. Naayos ko na ang business at mayor's permit mo. Since kakatapos lang ng construction, maybe you can open it next month."

Napatayo siya at nagtatalon sa saya. "Thank youuu, Ace! I'm so excited! Hindi mo naman 'to trabaho pero tinulungan mo pa rin ako. Salamat talaga."

"No problem. Basta ba libre palagi kapag pupunta ako roon." sabay tawa pa nito.

Tumaas ang kilay niya. "Tama na sa'yo ang isang linggong libre."

"3 weeks..."

"2..."

"Deal! Idadaan ko na lang dyan sa bahay mo ang mga papel pag-uwi ko. Papunta kasi ako ng Manila ngayon. Hindi ko pa alam kung kailan ako makakabalik."

"Okay. I'll see you na lang pagbalik mo. Ingat sa pagmamaneho."

"Thanks, ASMR girl-friend." humalakhak pa ito bago binaba ang tawag.

Napailing-iling na lang siya. He knows about her job. He accidentally saw her when he barged in to her house. She was recording and that lunatic disturbed her. He even listerned to her while doing it.

HER VOICE OF LOVEWhere stories live. Discover now