3-Cute Little Girl

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ah wala na si ate cute nyo eh.. Nagpapahinga na. Kasama na nya si Papa Jesus "

"Sa heaven po?? Diba masaya daw po dun?? '' Si Micah. Kaibigan din ni Mich

"Oo. Kaya dapat maging mabait kayo para mapunta kayo dun ok?? "

"Opo ate ganda!! "

"Oh sya tama na muna ang kwentuhan. Mga bata maglaro muna kayo sa garden at kakausapin ko muna ang ate nyo ok?? " Sister Terie

"Maya nalang tayo maglaro ah?? "

"Opo ate!! "

Nagtakbuhan na ang mga bata sa garden. Si Butler Yan naman pumunta dun sa mga kwarto kung nasan ang mga baby.

"Iha kamusta ka na? Ayos ka na ba?? '' Sister Terie

"Ayos na po ako Sister. Yun po talaga siguro ang nakatadhana na mangyari " sagot ko at ngumiti ng tipid

"Haaay nakakapanghinayang lang. Ang bait pa naman ni Mrs. Lopez at ng kapatid mo '' Sister Lucy

"Basta kung kailangan mo ng makakausap iha nandito lang ako. Si Sister Lucy. Wag kang mahihiya na lumapit ha?? " Sister Terie. Touch naman ako dun

"Opo Sister. Kamusta na nga po pala kayo? Ang orphanage?? " tanong ko

"Ayos lang kami iha. Alam mo ba, may limang binata ang nagdodonate at dumadalaw sa mga bata. Siguro kasing tanda mo lang din sila " Sister Terie

"Mabuti naman po kung ganon " sagot ko

"Ikaw ba KM may boyfriend na? Ilan na naging kasintahan mo iha?? " si Sister Lucy talaga! Ang lalim haha

"Wala pa po Sister. Wala pa po akong balak " NBSB ako. PROUD TO BE!!

"Mabuti yan iha. Yung sinabi namin sayo ha? Pag maykailangan ka wag mahihiyang lumapit" Sister Terie

"Opo Sister. Puntahan ko lang po yung mga bata " paalam ko bago lumabas. Baka magkaiyakan pa kami eh haha

Lumabas nako sa office nila Sister at dumiretso sa garden. Naabutan ko namang nagtatakbuhan ang mga bata

"Ate ganda lalaro na tayo?? "

"Oo at ako ang taya! Kakainin ko kayo pag nahabol ko kayo!! " tumakbo naman ako at hinabol sila. Nakakamiss to. Dati kasama ki si Mich habang nakikipaglaro. Si dad at si mom naman ang kumakausap kila Sister

"Waaaaah!! Wag ate!!!! " sigaw ng mga bata

Takbo lang kami ng takbo hanggang sa mapagod. Pinagpawisan ako dun.!!

"Ate ganda iinom lang po kami sa loob!! " Paalam ng mga bata at tumakbo papasok

Naglakad lakad ako sa garden hanggang makarating ako sa swing. Dito kami madalas maglaro ni Mich dati.

Napansin ko naman ang isang batang babae na nakayuko habang nagduduyan. Hindi sya kasama dun sa mga batang kalaro ko kanina. Lumapit ako sa katabi nyang swing at umupo

"Hello! Ano pangalan mo? Ako nga pala si Ate KM!! '' pakilala ko. Mukhang mahiyain eh. Hindi nya siguro kami inabutan

"Hello din po. Ako po si Stacey " ang cute naman ng pangalan nya.

"Ilang taon kana?? ''

"6 palang po " sagot nya pero nakayuko pa din. Hmmm ano ba pwede kong gawin para iangat nya ang ulo nya?? Hmmmm....

"Tignan mo oh!! '' sabi ko sabay labas ng dila ko at kinorteng bulaklak. With matching make face pa.

Nakita ko namang napangiti sya kaya lumabas ang dimples nya. Ang gandang bata!! Ang cute cute pa

"Yan! Dapat lagi kang nakasmile para gumanda ka lalo!! " sabi ko sabay pisil sa pisngi nya

"Pwede ko po ba kayo tawaging mommy? May daddy po kasi ako wala naman akong mommy " sabi nya sabay lapit at yakap sakin. Nagulat naman ako dun. Teka mommy daw?? Pwede rin!

"Gusto mo ba talaga kong maging mommy mo?? "

"Opo!! Sige na po!! " sabi nya sabay kiss sa cheeks ko. Ang sweet

"Sige na nga!! Pero kiss mo muna ulit si mommy sa cheeks!! " feel na feel ko na

"Umuaaaaah!! Yan po!! " may tunog pa!

"Tara na nga sa loob mainit na oh!! " aya ko sa "anak" ko papasok sa loob. Alas -dose na at napakainit na sa labas.

Hawak ko sa kamay si Stacey ng pumasok kami sa loob. Naabutan ko namang magkakausap sila Sister at Butler Yan

"Tara na po Young Lady. Kailangan na po nating umuwi. Napakinit po at baka ma allergy kayo '' Butler Yan. May allergy kasi ako pag naiinitan. Namumula buong mukha pati braso at binti ko

"Sige Mr.Yan. Una na po kami Sister Terie at Sister Lucy. Sa susunod nalang po ulit " paalam ko

"Oh sige iha. Magiingat kayo sa byahe! '' Sister Terie

"Sa susunod na punta mo sama mo na boyfriend mo at ng ma Q&A ko muna!! " Sister Lucy

"Sister talaga! Sige po alis na po kami!! Bye mga bata! Bye baby!! "

"Bye ate ganda!!!!! "

"Bye mommy!! "

Ngumiti muna ko sa kanila bago pumasok sa kotse. Ang sarap sa feeling na makasama ulit sila.

FASTFORWARD

"Akyat na ko Mr. Yan" Paalam ko

"Sige po Young Lady "

Umakyat nako sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod at init. Buti nalang naka on ang air-con.

"Aaaaah kapagod..... " ako sabay dapa sa kama ko. Gusto kong matulog!!

"Haaaaah.. buti nalang ala akong gagawin bukas. Makakapagpahinga ko " sabi ko sabay hikab

Napipikit na ang mga mata ko ng maulit sa isip ko ang sinabi ko kanina.

"Haaaaah.. buti nalang ala akong gagawin bukas. Makakapagpahinga ko "

"Haaaaah.. buti nalang ala akong gagawin bukas. Makakapagpahinga ko "

"Haaaaah.. buti nalang ala akong gagawin bukas. Makakapagpahinga ko "

Dang!!! May pasok nga pala ko bukas!! Shocks!!!

---------------------------------------------

Thanks po!!

AVC

That Cold Nerd is the Sexy Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon