Chapter 3

2.3K 32 5
                                    

TUNOG ng pick up ang nagpagising kay Joem. Pahimad siyang bumangon. Inaantok pa siya subalit kung hindi pa siya babangon ay wala na siyang maitutulog mamaya. He looked on his wrist watch. It was four o’clock in the afternoon. Pagkatapos ng mall tour niya sa SM Bacoor ay agad siyang dumiretso sa bahay bakasyunan nila sa Cavite. Kahit na anong pilit sa kanya ng kanyang manager at ng nobyang si Lyrah ay hindi siya nagpaunlak. He was dead tired. Kadarating niya lamang kahapon mula sa Amerika. Isang Linggo bago ang naturang mall tour ay nakatanggap siya ng tawag sa kanyang mama. Nasa Amerika ang kanyang mama upang bisitahin ang kanyang tiyuhin, nag-iisa at nakababatang kapatid ng kanyang mama na naka-base roon. Pero nagkaroon ng mild attack ang tiyuhin, dahilan upang isugod ito sa ospital. Kahit mild stroke lamang ang nangyari sa tiyuhin ay minabuti niyang lumipad patungong Amerika. He had been close to his uncle. Bata pa lamang siya nang mamatay ang kanyang papa kung kaya ang tiyuhin na ang tumayong ama niya. Wala rin naman kasing anak ang kanyang tiyuhin kung kaya lalong naging malapit sila sa isa’t-isa. Bagaman nauunawaan naman siya ng kanyang manager ay minabuti niya pa rin na humabol sa kanyang mall tour. Isa pa ay hindi naman niya gawi ang iwanan ang kanyang natanguang commitment.

“Sino ho ang bisita ninyo?”

            “Ay kalabaw!” gulat na sabi ni Lola Meling nang sa paglingon nito ay mabangga siya. “Naku batang ito at nagulat naman ako sa’yo.”

            “Pasensiya na po Manang,” kamot ang ulong hinging paumanhin niya. “May bisita ho ba kayo?” muling tanong niya na nakatingin sa papalayong pick up.

“Isang bagong kaibigan,” nakangiting sagot ni Lola Meling na pumasok na sa kabahayan.Sumunod siya rito.

            “Kaibigan?”kunot-noong tanong niya.

            “Namalengke kasi ako kanina, tapos ay iyong mabait na dalaga ang nabilhan ko. Napakabait na bata, aba’y inihatid pa ako rito,” nakangiting kuwento ni Lola Meling.

            “Bakit hindi kayo nagpahatid at pasundo kay Tonyo?” he asked. Lumapit siya sa ref at kumuha ng softdrink in can.

            “Hinatid naman ako ni Tonyo. Pero nagtuloy siya sa Tanza at may binili roon,” ani Lola Meling. “Ano bang gusto mong iluto ko para sa hapunan?” tanong nito sa kanya. “Ikaw talaga, aba’y nag-softdrink ka na agad e, wala pa naman laman ang tiyan mo,” palatak pa ni Lola Meling.

            “Kaya inihatid kayo ng bago ninyong kaibigan?” tanong niya na hindi pansin ang paninita ng matanda.

            “Oo. Gusto mo bang pakbet?”

            He nodded.

            “Aba’y napakabait na bata at maganda pa ha,” natatawang kuwento pa ni Lola Meling. Kinuha nito ang gulay sa vegetable chiller.

            “Ipakikilala nga sana kita sa kanya. Naku, natitiyak ko na magugustuhan mo siya. Simple pero magandang dalaga,” patuloy na pagbibida ni Lola Meling.

            “Manang, alam naman ninyo na ikakasal na ako,” natatawang sabi niya.

Napailing si Lola Meling habang ginagayak na ang mga lulutuin para sa kanyang hapunan.

            “Talaga bang sigurado ka ba na pakakasalan mo siya ha Joem?” hindi tumitingin na tanong sa kanya ni Lola Meling.

            Inilapag ng binata ang baso sa mesa. Bago nilapitan si Lola Meling.

            “Manang, hindi ko naman kayo ipagpapalit e. Kayo pa rin siyempre ang nag-iisa sa puso ko,” nakangiting niyakap niya ang matanda. Dalaga pa lamang ang kanyang mama ay kasama na nito ang matanda. Kaya naman ito na rin ang tumayong yaya niya. Nang mabili ng kanyang mama ang lupain na iyon sa Ternate ay pinatayuan iyon ng villa upang magsilbing bahay bakasyunan nila ng pamilya. At doon mas ginustong mamalagi ng matanda, marahil ay naiinip at naiingayan ito sa magulong lungsod. Umuuwi na lamang siya roon tuwing weekend upang makasama ang matanda at makapagpahinga naman kahit papaano.  Sa uri ng trabaho niya ay gusto niya naman na makalayo kahit ilang sandali lamang sa limelight.

My Secret Relationship with a Star (Published by Lifebooks)Where stories live. Discover now