Chapter 2

2.8K 39 3
                                    

“ISSA, I want you to know that I love you,” ani Joem Santiagokay Isabel. Napaka-romantiko ng lugar na kinaroroonan nila. Nasa isang hardin sila na napapaligiran ng magagandang bulaklak.

            “Oh, Joem I…I don’t know what to say,” ani Isabel. Nabibigla siya sa mga pangyayari. Isa lamang siyang taga-hanga ng binata. Kaya hindi niya mapaniwalaan ang sinasabi nito sa kanya na mahal daw siya nito.

            “Just say you love me too,” puno ng pag-asam na saad nito.

            “Mula noon pa ay wala na akong ibang pinangarap kundi ikaw lamang Joem. Tanging ikaw lamang,” nangingilid ang luhang pahayag niya.

            “Ibig bang sabihin niyan ay mahal mo rin ako?” masiglang tanong nito.

            “Ikaw ba’y siguradong mahal ako?” sa halip aytanong niya rito.

            “Hindi ko sasabihing mahal kita kung hindi naman iyon ang nararamdaman ko,” sagot nito.

            “Oh, Joem, mahal din kita. Mahal na mahal,” masayang sambit niya na tumayo upang yakapin ito. Gumanti ito ng yakapsa kanya. Matapos ang ilang sandali ay marahang inalis ni Joem ang mga kamay niya sa leeg nito. Titig na titig ito sa kanya. Marahang pinaglandas nito ang daliri sa kanyang malalambot at mapupulang mga labi. Tumaas-baba ang dibdib niya sa matinding kabang nararamdaman. Mukhang matutupad na ang pangarap niyang mahalikan nito. Kung noon ay sa larawan niya lamang ito nahahalikan, sa pagkakataong iyon ay magiging totoo na. Unti-unting lumalapit ang mga labi nito sa kanyang mga labi.

            “Mahal kita Issa.”

            “Mahal rin kita,” ani Isabel na pumikit. Nararamdaman niya ang mainit na hininga nito…

“ISABEL!” ang boses na iyon ng tiyahin ang nagpagising kay Isabel. Pupungas-pungas na nagdilat siya ng mga mata.

            “Tiyang naman e,” kamot ang ulong reklamo niya. Sa loob-loob niya, kung hindi siya ginising ng kanyang tiyahin, malamang ay nahalikan na siya ni Joem.

            “Bumangon ka na riyan at palitan mo si Lyka sa pagbabantay sa palengke pagkatapos mong mag-ayos dito.” Anang kanyang tiyahin bago ito lumabas ng kanyang silid.

            “Opo tiyang,” sagot niya.

            Tulad ng bilin ng kanyang tiyahin at lagi naman niyang ginagawa tuwing Sabado at Linggo ay nagtungo na siya sa palengke upang palitan sa pagbabantay ang pinsan niyang si Lyka. May PE class kasi ito tuwing Sabado ng hapon. Ang tiyang niya naman ay suma-sideline ng paglalaba o di kaya ay nagrarasyon ng mga gulay sa kalapit nilang lugar. Doon lamang sila kumukuha ng pangunahing ikinabubuhay nila.

Bata pa lamang siya ay ang nag-iisang tiyahin na kapatid ng kanyang ina ang nagpalaki sa kanya. Maaga siyang naulila sa ina. Namatay ito sa panganganak sa kanya. Ang ama naman niya ay hindi siya nagkaroon ng pagkakataong makita. Kahit daw ang tiyahin at ang mga magulang ng kanyang ina ay hindi nakita ang kanyang ama. Masyado daw malihim ang kanyang ina. Basta umamin na lamang daw ang kanyang ina na buntis ito at hindi na binanggit pa kung sino ang lalaking nakabuntis rito. Kaya naman may lihim siyang galit para sa kanyang ama. Ni hindi man lamang ito nag-effort na hanapin sila ng ina…ni hindi nga siguro nito alam na patay na ang kanyang ina. At marahil din ay hindi nito alam na nagkaroon ito ng anak sa kanyang ina. Sa isip ay nakatatak na sa kanya na isang manloloko ang kanyang ama. Pinaglaruan lamang nito ang kanyang ina.

“MAGKANO sa mga prutas at gulay mo ineng?” tanong ng isang matandang babae kay Isabel.

            “Alin po diyan?” tanong niya na inaayos ang pagkakasalansan ng mga gulay.

My Secret Relationship with a Star (Published by Lifebooks)Where stories live. Discover now