Prologue

8.7K 103 1
                                    

"NAGKIKITA pa rin silang dalawa..." ani Becky na pabalyang binuksan ang pinto ng pribadong opisina ni EloisaCortez. Hithit-buga nito ang sigarilyo. Mababakas sa mukha nito ang matinding galit.

Mula sa binabasang kontrata ay napa-angat ang tingin ni Eloisa. Humigit-kumulang ay alam na niya kung sino ang tinutukoy nito.Nitong nakalipas na araw ay walang ibang bukambibig ito kundi ang kanyang kapatid at ang babaing kinahuhumalingan nito.

"Bawal manigarilyo sa opisina ko," saway niya.Subalit tila hindi nito pansin ang kanyang sinabi.

"Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan ng kapatid mo sa babaeng iyon. Nawawalan na ba ng panlasa ang kapatid mo pagdating sa babae? Napakalaking insulto sa akin ang ginagawa niya," may panggagalaiting sabi nito.

"Becky please, huminahon ka," tumayo si Eloisamula sa kanyang swivel chair. Nilapitan ito at pilit pinapakalma.

"Paano akong hihinahon? Gayong laman ng blind item ang kapatid mo at ang babaeng iyon," lalo lamang naging mabalasik ang anyo ni Becky. Sabay itsa sa upos ng sigarilyo sa waste basket.

Huminga ng malalim si Eloisa. Becky San Diego was her talent.Aside from being a manager-talent relationship, Becky was like a sister to her. Nang pumasok ng showbiz ang kanyang nakababatang kapatid ay naging magka-loveteam ang dalawa. The two were perfect on screen. Agad na dumami ang fans ng mga ito.Pagtatambalang nauwi sa totohanan. Mas lalong natuwa ang mga fans ng mga ito dahil doon. Saksi siya kung gaano naging kasaya ang dalawasa piling ng isa't-isa. Eloisa sighed again. Sa kasalukuyan ay tatlong buwan ng on the rocks ang relasyon ng mga ito.

"Look, my brother is not serious with that woman, so there's no need for you to worry about," mahinahong wika pa rin ni Eloisa. Pero kahit siya ay hindi sigurado sa sinabi.

"Not serious? Who are you kidding with?"

"Becky -"

"Nagka-leche-leche ang relasyon namin dahil sa babaeng iyon tapos ay sasabihin mong hindi siya seryoso sa babaeng iyon!"

Hindi siya nakakibo. Naupo siyang muli sa swivel chair. Marahan niyang hinilot ang kanyang sintido. Naiipit siya sa sigalot ng dalawa. At nitong nakalipas na araw ay iba ang nakikita niyang reaksiyon nitokapag lumalabas sa mga blind items na may kinababaliwang babae ang kapatid niya. May tendency itong makapanakit. Noong isang linggo lamang ay naabutan niya ito sa condo nito at may hawak na blade. Balak nitong maglaslas ng pulso. Mabuti na nga lamang at naisipan niyang puntahan ito dahil may nakalimutan siyang dokumento sa condo nito.

"I will talk to my brother," she said.

"Do that!" Ani Becky pagkatapos ay mabilis itong lumabas ng kanyang opisina.

Maang niya itong sinundan ng tingin. Noon lamang siya nito nagamitan ng ganoong tono.Eloisa sighed again. Bago kinuha ang cellphone sa drawer.She dialed a number from her phonebook.

"Damn it, answer the phone," aniya nang puro ring lang ang kanyang naririnig buhat sa kabilang linya. Nang wala pa rin tugon sa kabilang linya ay padabog na binitiwan niya ang aparato.

SAMANTALA, nasa Cabanatuan si Mon Cortez, kasama nito si Aurelia. Tuwing weekend ay nagpupunta roon ang binata upang dalawin siya.

Aurelia and Mon met when the latter had his shooting in their town three months ago. Idolo ni Aurelia ang binata. Bukod doon ay matindi rin ang paghangang iniukol niya rito. Kaya naman walang pagsidlan ang kasiyahang nadarama niya nang ligawan siya nito.Marami ang nagsabi sa kanya na ang mga kagaya raw ni Mon na nasa showbiz ay hindi seryoso sa pakikipagrelasyon- lalo na sa tulad niyang ordinaryo at maralita lamang. Pero inignora lamang niya iyon. Ang mahalaga ay nagkakaunawaan silang dalawa. Sa ngayon ay wala pa naman problema. Maligayang-maligaya silang dalawa.

My Secret Relationship with a Star (Published by Lifebooks)Where stories live. Discover now