He chuckled and shook his head.

"Hindi ba magagalit niyan si Jacob?" napailing ako.

Well, mukhang hindi naman ganoon si Jacob. He's not a territorial one. Minsan ay hinahayaan lang ako na gawin ang mga gusto basta't walang mali. And I love him for that.

"Hindi naman siya ganoon." I smiled. Pumasok na naman sa isipan ko ang kung anong ugali na mayroon siya.

He stared at me for a quite second. Napapamangha ang kanyang mukha nang sandaling makita ang uri ng ngiti na nakapaskil sa aking labi.

I halted when I saw his reaction. Inayos ko ang pagkakaupo saka napainom na naman ng tubig.

Hindi ko alam kung ilang baso ba ng tubig ang mauubos ko nang dahil sa kanya. I'm being too nervous in here.

"You're happy. I've never seen you like that before. Your eyes are twinkling and I can even see the happiness of a woman who's deeply in love."

Napalunok ako. I wanted to silence him. Bakas sa kanyang mukha ang kaunting kalungkutan na namutawi. Parang isang labag sa loob para sa kanya na sabihin iyon.

He cleared this throat and his fingers ran through his hair. Mas nadepina ang laki ng kanyang braso sa ginawang iyon.

"Hiniling ko rin noon na sana ay tayo hanggang sa huli. I guess I was just too determined to reach my dreams to the point that I didn't looked back at you. Huli ko na naisip na ang laki ng sinayang ko. That I lost a precious diamond in my life," he smiled fakely. Naroon ang panghihina sa kanyang boses.

We both admired each other as the one that we'll spend our life with. Hindi ko maitatangging perpekto na siya para sa akin noon. That I can see him as the reason to continue living in this world.

Pero sadyang nagbago ang ihip ng lahat. And I think, that's the time where I started to feel uneasy and down before I finally felt all the happiness again in another person.

Ibang kasiyahan sa magkaibang tao. At sa ngayon, masasabi ko na ito na ang huli at panghabambuhay. That I don't need anyone anymore because I have now the man that will make me the happiest woman on earth.

The one that I am willing to cherish my life with.

"Yes, maybe you lost the precious diamond in your life but there is someone who is too precious than me. Na mayroong nagmamahal din sa iyo. I'm glad that we've shared a short happiness. I'm glad that I met a man like you."

Sa buhay kasi, hindi lahat ng nakakasama at nakikita mong perpekto para sa iyo ay iyon na ang makakatuluyan mo. We sometimes assumes that the person who's treasuring us will be the one who will give so much happiness.

Ang pag-iwan ng isang tao sa atin ay magsisilbing leksyon. There is always a rainbow after the rain. Naniniwala ako sa katagang iyan kasi kung mas nasaktan ka sa una, may papalit doon na kasiyahan na hindi mo inaasahan.

And that will be worth it.

Nagtagal siya roon sa bahay nina lola. We had a good communication after all before he finally left. Saglit na nagpaalam lang siya bago tuluyang lumisan na roon.

That's where I finally felt the easy breathing. Halos hiningal ako nang makaupo at nang makababa na ang mga pinsan ko, naroon ang kanilang mga mukhang parang may kung anong importanteng sasabihin sa akin.

"You better go home now. I think Jacob's waiting for you." I rose immediately. Sa hinaba ng pag-uusap namin ni Alonzo ay nakalimutan kong pupunta nga pala dapat siya rito kanina.

I lost track of time!

"Dumating siya rito kanina. We saw him down there so we stopped and told him everything about what's happening inside," sabat ni Sam.

"Sinabi naming nag-uusap kayo ni Alonzo. Ewan ko kung nakita nila kayo pero kasi, dumiretso siya kanina tapos hindi namin alam kung nakausap ka niya. And he left immediately," Chance uttered.

Hindi na ako nagtagal doon at mabilisang nagpaalam na sa kanila. I drove my car that fast until I reached our house.

Pagkarating ko ay tahimik, walang tao at wala ang kanyang sasakyan. Abot-abot ang tahip ng dibdib ko nang sinubukan ko siyang tawagan pero hindi sumasagot.

I called his other friends to search for him but I got all the same answers. Wala rin silang ideya kung nasaan si Jacob at hindi nila kasama ito.

Tinawagan ko na rin ang mga pinsan na kung pwede ay alamin nila kung nasaan ito dahil masyado akong nag-aalala na sa kanya.

I don't know what happened to him. Kasalanan ko kasi hindi ko namalayang ilang oras na pala ang pag-uusap naming dalawa ni Alonzo. Hindi ko rin namalayan ang oras!

Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi naman sinasagot. I texted him multiple times, flooding him with some messages to at least inform me where he is.

Kinakabahan na ako masyado at ilang minuto pa bago ako makatanggap ng reply mula sa kanya.

From: Jacob

Sorry. Uuwi rin ako mamaya, sseb. Need to unwind for a bit. Baka gabihin ako ng uwi. Sleep early.

Nanlumo ako nang mabasa iyon. I texted him again but I got no reply anymore.

Dumilim na ang paligid at hindi ko mapigilang mas lalong mag-alala para sa kanya. I forgot to change what I'm wearing because I am assuming that any minute by now, he'll arrive.

Nakita ba niya kami ni Alonzo na nagkausap? It's not a big deal because it's just a small talk.

Did he... got jealous?

Pinanatili kong huwag isipin ang bagay na iyon. All I care now is that where he is! Gusto kong tawagan pero kahit anong ulit kong gawin iyon, hindi siya sumasagot sa akin.

We had fights before. And what he's doing to let ourselves be calm was to unwind alone. Iyon ang ginagawa niya para hindi mas lalong lumaki ang nasimulan namin.

And now, I don't know what's his reason to unwind! Wala naman kaming napag-awayan para gawin niya ito. And worse, he's not answering all my calls!

Nakatulugan ko ang paghihintay sa kanya. Sa sofa ako nakatulog, sa labas at hindi sa kwarto dahil nagbabakasakaling kung makarating siya ay kakausapin ko siya kaagad.

Naalimpungatan ako ng sandali. I checked my phone what time is it. Alas diyes na ng gabi pero mukhang wala pa rin siya.

I texted him again to go home but I already weakened. At nang naipikit ko ulit ang mata, hindi napigilan ng mga luha na  lumandas sa mukha ko.

Once in a Lifetime (Valdemora Series #5)Where stories live. Discover now