Hindi naman siya mukhang pagod. I can sense the energy on him. Parang hindi man lang ito nakaramdam ng ganoon kaht na alam ko kung gaano kahirap ang kanyang kinukuha.

"Okay. So, you're checking the place?" tumango ito. "Kaya pala maraming nakaabang sa inyo."

Katulad ng ipinangako niya noon sa akin, tinupad naman niya ngayon. Wala namang problema sa akin kahit na hindi mangyari iyon kasi matagal naman na. We already parted our ways so I assumed that it has no importance at all. Na kinalimutan na niya at mas piniling huwag nang gawin.

I'm now his past. We both know it. Pareho lang kaming masyadong sinubok ng panahon dati. Siya ay nakatakdang umalis tapos ako, nakatakdang maiwan niya.

"Hindi ko nakalimutan ang sinabi ko sa'yo." Sa pagkakataong iyon, mahina akong natawa. Napainom ako ng tubig ulit dahil pakiramdam ko ay nanumbalik ang panginginig ng tuhod ko.

"Okay lang naman sa akin kung nakalimutan mo. I'm not rooting for that, though. Hindi mo naman kailangang tuparin para may mapatunayan ka," tugon ko sa kanya. His lips parted as if he has anything to say. Pero bumuka lang iyon ng kaunti at kaagad na itinikom naman.

Maganda para sa akin ang ideyang iyon. But really, if he's forced just because he said that to me years ago, then he should not do that. Na ipinapakita lang sa akin na may maiparating siya. That after all these years, he managed to keep that promise.

Sa totoo lang ay noon, umaasa ako kasi alam kong may mararating siya sa buhay. He's that student who studies a lot for the dream of his family.

Pangarap niya ring magdoktor. But then I guess, I am not sure if this is right, that his father pressured him. Hindi naman sa talagang nahihirapan na siya. He agreed to study abroad because of his father. He broke up with me because of his father's wants.

And he accepted that for his dreams, for him to be able to attend his studies on his father's dream school for him.

"Phoebe..." He reached for my hand. Awtomatikong nagalaw ko ang kamay nang sandaling lumapat iyong kanyang kamay sa akin.

I stiffened. Naging tuod kaagad ako sa kanyang ginawa.

"I'm sorry for leaving you. I'm sorry if I left you that fast. Sorry kung nasaktan kita. I'm sorry for choosing what my father wants me to do instead of choosing you."

I smiled weakly. As if that can bring back everything. Hindi ako galit. Sadyang naalala ko lang ang sakit na naramdaman ko noong mga panahong iyon.

"You don't need to be sorry. I don't need to defend myself knowing that you'll reach your dreams. Wala akong laban sa pangarap mo. And that's okay."

I'm being honest with him. Naramdaman ko ang paghigpit ng kanyang hawak sa kamay ko. Na-guilty akong alisin iyon kasi nakakahiya naman.

Huminga ako ng malalim saka kunwaring nawalan ng sasabihin. I need my cousins here now to be with me. Kaso mukhang pinanindigan talaga nilang iwan kaming dalawa rito.

"Uh... how's your life now? Kasama mo ba ang dad mo?" Inilihis ko ang topic. We are not here to reminisce the past. Ayokong pinag-uusapan iyon dahil bumabalik lahat sa alaala ko.

Kuntento na ako sa buhay na mayroon ako ngayon. I don't want to mix it with the past now. Masyadong maganda para masira.

Pasimple kong inalis ang kamay. He noticed that and felt awkward. Inalis na rin niya ang kamay ng tuluyan sa akin.

"I'm doing good. So far, maayos naman ang nagiging takbo ng buhay."

"Sabihan mo ako kung ganap ka nang doktor. I'll congratulate you."

Once in a Lifetime (Valdemora Series #5)Where stories live. Discover now