Chapter 14

5 0 0
                                    

ANNE'S POV

Tatlong Linggo na ang nakalipas ngunit sigawan lang ang tanging naririnig sa bahay namin. Umuuwi si Min Ho na lasing, minsan ay amoy babae ngunit ayokong magalit. Alam kong malungkot parin siya dahil sa pagkawala ng anak namin. Panay rin ang sisi niya sa akin bakit nawala raw ang anak namin.

Oo nasasaktan ako pero tumatak na sa isip kong wala akong karapatang masaktan, dahil kasalanan kunaman ang lahat ng nangyayari ngayon.

Kasalukuyang narito ako sa aking higaan iyak lang nang iyak habang yakap yakap ang stuff toy na para sana sa anak namin. Kapag nagagalit si Min Ho ay palagi kong pinapaalala sa sarili ko ang masasayang araw namin. Paano niya ako tratuhin, paano niya ako mahalin.

Yung Min Ho na parang ayaw akong mawala sa paningin niya ay nagbago na

Yung Min Ho na sabik sa mga yakap at halik ko ay wala na

Yung Min Ho na nangakong mamahalin niya ako habang buhay nag iba na.

Pinunasan ko ang mga luhang umagos sa pisngi ko. Sobrang sakit na parang hindi ko alam kung anong gagawin. Itinali ko ang aking mahabang buhok at inayos ang sarili bago bumaba.

Naabutan ko si Min Ho na may kausap sa telepono, siguro ay hindi niya alam na narito ako sa kanyang likod.

"Sure darling, I'll see you tomorrow" sagot niya sa kabilang linya at binaba iyon.

"Kumain kana love?" Pinilit kong pasiglahin ang boses ko para maitago ang sakit na nararamdaman ko. Ngunit tiningnan niya lang ako at nilagpasan.

"Siguro ay ikaw nanaman ang kakain ng mga niluto mo Anne" pagka usap ko sa aking sarili.

Pumunta na ako sa hapag kainan at nag simulang kumain. Hindi ko naman ito mauubos kaya naka isip ako ng paraan.

Agad akong kumuha ng mga lalagyan at isa isang nilagyan ng ulam at kanin ang mga ito, nilagay ko iyon sa malaking basket na nakita ko at nag ayos muna ng aking sarili upang ako'y makalabas na.

Nasa labas ako ng subdivision ngayon may mga nakita akong mga palaboy laboy na bata kaya nagsimula akong lumapit sa kanila at bigyan ito ng mga pagkain.

"Hello! Kumain na kayo?" Masigla kong tanong sakanila. Umiling ang mga ito kaya nag simula akong bigyan sila. Nahagip ng mga mata ko ang batang lalake na may hawak na sanggol siguro nasa edad kinse lang ang lalake at hinehele niya ang dalang sanggol sapagkat umiiyak.

"Pwede ko ba siyang hawakan? Para makakain ka muna?" Tanong ko sa lalake

"Oo naman ate, baby dito ka muna kay Ate Ganda ha? Kakain lang saglit si Kuya" pagkausap niya sa sanggol at binigay sa akin iyon.

Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko ng mabuhat ko ang sanggol na iyon. Naiyak ako nang sobra sobra

"Anong pangalan niya?" Tanong ko sa Kuya niya kaya tiningnan niya ako

"Wala pa po ate eh pwede po bang ikaw ang magbigay nang pangalan sa kanya? Hindi rin po ako marunong eh" kwento ng kuya niya sa akin. Tiningnan ko ang karga karga kong sanggol. Napaka liit niya at may dumi siya sa kanyang pisngi.

"Pwede ba yung Tulip Marie?" Tanong ko

"Wowww ang ganda" tuwang tuwa na sabi niya kaya naiyak ako

Hindi ko man ito kadugo pero iba ang saya ng makarga ko ang batang ito. Kahit sa maliit lang na oras ay nabigyan niya ng labis na tuwa ang aking malungkot na puso.

Mga ilang oras ay kami nalang ng kuya niya ang naiwan, hawak hawak ko parin si  Baby Tulip at ang kuya naman niyang nag ngangalang Mike ay nakaupo at nakamasid sa amin. Napag alaman kong wala na ang mga magulang nila kaya palaboy laboy lang sila sa kalsada, ilang beses na raw na muntik mawala si Baby Tulip kaya nalungkot ako don. Nagkwentuhan lang kami nang nag kwentuhan, ang dami kong nalaman sa kanila.

Natigil ang aming pag uusap ng may humintong puting sasakyan sa aming harap at niluwa non ang taong nakita ko na















"Chanyeol????!"





















To be continued....

PAINFUL BATTLESWhere stories live. Discover now