Natigilan naman si Vice dahil doon. Ayaw niyang sirain ang pangako niya sa sang'gre ngunit iyon rin ang nakikita niyang paraan upang pareho na silang hindi mahirapan. "Dahil gustong-gusto ko ng bumalik sa dating kong buhay, Alena! Sa buhay na wala pang anumang gulo! Noong walang brilyanteng nawawala! Noong walang kailangang hanapin! Noong wala ka pa!"

Tila hindi naman makapaniwala si Alena sa kanyang narinig. Maging si Vice ay natigilan din dahil hindi niya sinasadyang sabihin ang mga huling salitang kanyang nabitawan. Akmang babawiin niya sana ang kanyang mga sinabi nang mabilis nang tumalikod si Alena at tumakbo palayo sa kanya.

"Siya nga pala, guys. Since it is our last night here together at Hacienda Gonzales and tomorrow we will all be going our separate ways, Dominic and I decided to set up an intimate barbecue party later at the garden," nakangiting sambit ni Lia upang makuha ang atensiyon ng mga kasama sa mesa. Maging si Vice ay napabalik rin sa realidad nang marinig ang pagsasalita nito. "And because it is also a tradition Dominic and I have whenever I go back to the states or whenever he goes somewhere else."

"I think that will be fun. Maraming salamat, Lia." pagngiti ni Anne at pinasalamatan din si Dominic dahil sa buong pusong pagtanggap nito sa kanila kahit pa hindi nila magawang sabihin kung ano ba talaga ang nangyari bago sila mapadpad sa kanyang tahanan. "At magandang idea rin yan para makapag-bonding pa tayo bago rin kami bumalik bukas ng hapon sa Manila. Right, Vice?"

Batid ni Anne ang naging pag-uusap ng kaibigan at ni Dominic patungkol sa pagsama ng huli kay Alena papuntang Davao. Malayong kamag-anak nito ang taong pinaghihinalaan nilang may hawak ng brilyante kaya mas mapapadali ang paglapit doon ni Alena. Noong una ay hindi agad sumang-ayon si Anne sa naging plano ni Vice ngunit wala naman siyang nagawa dahil buo na rin ang desisyon nito patungkol sa pagbalik nila ng Maynila. Nais sanang samahan ni Anne ang sang'gre upang masiguro na makukuha talaga nito ang brilyanteng hinahanap nila ngunit wala na siyang magagawa dahil tila ayaw na ng kanyang matalik na kaibigan.

Tanging tango lang ang sinagot ni Vice sa naging tanong sa kanya ni Anne. Palihim siyang napatingin kay Alena ngunit nakayuko ito at kunwaring nakatuon lamang ang atensiyon sa pagkain. Hindi niya maiwasang makaramdam ng pagsisisi dahil sa mga nasabi niya rito kagabi, ngunit naisipan niyang kailangan niya iyong panindigan upang hindi na sila mahirapan pang dalawa.

Batid ni Vice na mas makakabubuti kay Alena ang kanilang paglayo sa isa't-isa. Para wala na itong ibang iisipin maliban sa paghahanap ng brilyante at sa nararamdaman nito para sa binatang nagpapatibok ng kanyang puso.














Pagsapit ng takipsilim ay abala sina Vice, Dominic, at Vhong sa paglilinis at pag-aayos ng hardin kasama sina Mang Bobet, Juggy at Teddy habang nasa kusina naman sina Alena, Lia, at Anne kasama si Manang Tasing. Nagkukuwetuhan at nagtatawanan ang mga ito habang tahimik lang si Alena.

Panaka-nakang sinisilip ni Vice ang huli mula sa nakabukas na pintuan ng kusina. Bakas pa rin sa mukha nito ang lungkot mula sa sagutan nila kagabi, kung kaya't pansamantala munang ibinaba ni Vice ang hawak niyang walis at akmang lalapitan ang sang'gre nang biglang pumasok si Dominic.

Natigilan si Vice sa paglalakad nang iabot ni Dominic kay Alena ang isang piraso ng rosas na pinitas niya mula sa hardin. Napatili naman si Manang Tasing, kasama si Anne habang napangiti lang si Lia sa isang sulok. Sandaling nagkatitigan sina Dominic at Alena habang hinintay naman ni Vice kung tatanggapin ba ng sang'gre ang bulaklak na sumisimbolo sa pag-ibig ng binata para sa kanya.

Ang Mahiwagang PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon