CHAPTER 14: FACE OFF

79 54 4
                                    


SOMEONE POV

"Litse! Hindi man lang niya ako pinapasok sa kanyang opisina. And worst pinaladkad pa ako sa mga pangit na guards na yun!!"

"Ahhhh...! Bwesit ! Bwesit ! Kung inakala mo na, mataguan mo ako puwes nagkakamali ka!" Nanggalaiti kung sabi

Mabilis ko kinuha ang cellphone sa aking bag at tinignan ang GPS. Akala mo ba maiisahan mo ako, dyan ka nagkakamali dahil kinabitan ko lang naman ang sasakyan mo ng Tracker Device. Mabuti na rin kung si Daddy Zack ang pag hinalaan ni Demetre sa ginawa ko at least ligtas ako.

Tinignan ko ang cellphone at nakita ko na may red dot na kumikislap. Kumunot ang noo ko ng makita kung saan siya ngayon. He was at the Grand Xing Hotel. What did he do there? Alam ko na ginaganap ngayon ang fashion show sa hotel  at emcee si Talia xing ang may ari ng hotel pero hindi ko alam kung sino ang mga models doon.

Naisip ko naman bigla kung bakit siya naroon ngayon. Hindi kaya. . . . No! Hindi ito maaari. Galit kung sabi sa aking isip

"You are mine, Lux! Hindi ka pwede mapunta sa iba! Kung noon nag tagumpay ako na pag hiwalayin kayo ni Samantha, magagawa ko rin yan ngayon."

"Kung sino kaman na malandi ka na umaahas sa lalaking mahal ko humanda ka sa pag dating ko mamaya dahil sisirain ko yang mukha mo! Para wala ka ng mukha na maihaharap." Nakangisi kung sabi

Nagmadali naman akong lumabas ng bahay. Ng makalabas na ako nakita ko ang driver namin na naghihintay sa labas ng sasakyan. Ng makarating ako pinag buksan agad ako ng pintuan sa backseat saka naman siya umikot papuntang passenger seat at nagtanong.

"Saan po, Ma'am?"

"Grand Xing Hotel. May sisirain lang naman ako na mukha."

"H-ho?"

Naguluhan nitong tanong.

"Can you just drive! Don't ask!" I shouted

"I'm sorry, Ma'am."

Nahihiya nitong humingi ng paumanhin na ikinairap ko sa hangin.

Binuhay naman nito ang makina ng sasakyan at minaneho papuntang hotel. Ng makita ko na malapit na kami mabilis ko kinuha ang make-up at lipstick saka inayos ng mabuti para pag nakita ko ang malanding yun mas maganda pa ako. Hindi ako mag papatalo. Like duh? lahat kaya ng gusto ko nakuha ko sa isang pitik ko lang.

Weh? Si Demetre ba nakuha mo? Kontra ng isang bahagi ng aking isip. Epal!

Kinapalan ko ang pag lagay ng make-up at lipstick para mas maging maganda ako sa paningin ni Lux. Inayos ko na rin ang suot ko na blue spaghetti dress para makita niya ang cleavage ng mga dibdib ko.

"Ma'am, nandito na po tayo." Sabay baba at pinag buksan ako.

Tinitigan ko muna ng mabuti ang hotel bago ako lumabas at nag tungo sa hall kung saan ginaganap ang event.

Malapit na ako ng may marinig ang akong background music at huling pangalan na tinawag ng emcee.

🎶 Cause you got that James Dean day dream look in your eye🎶
🎶 And I got that red lip, classic thing that you like🎶
🎶And when we go crashing down, we come back every time🎶
🎶'Cause we never go out of style, we never go out of style🎶
🎶 You've got that long hair slick back, white t-shirt🎶
🎶And I got that good girl faith and a tight little skirt (A tight little skirt)🎶
🎶And we go crashing down, we come back every time🎶
🎶'Cause we never go (We never go) out of style🎶
🎶We never go out of style🎶

And the ultimate Model No.20. Samantha Tierra, 28 years old beautiful and sophisticated in front of you all. Wearing an elegant esther off shoulder tube top backless high split floor-length sequin gown. And wearing a pairs of platinum guild stiletto.

She's a famous supermodel in asia and europe and she's my bestfriend too. Again she is Samantha Tierra.

Ng dahil sa narinig ko mabilis ako tumakbo hindi alintana ang mga nakabanggaan ko dahil nasa iisang tao lang ang atensiyon ko. Pagkarating ko sa pintuan agad ko nakita si Lux na nakatayo hindi kalayuan sa stage at may tinitigan, kaya naman sinundan ko ng tingin kung saan siya nakatitig. Hindi na dapat ako magulat ng marinig ang pangalan na yun pero mas nagulat parin ako ng makita ang babaeng yun. Ibang iba na siya sa dating, Samantha noon. Ang Samantha na kaharap namin ngayon ay sobrang sophisticated. No! This can't be happened!

Ikaw pala ang pinuntahan dito ni Lux huh. Puwes sisiguraduhin ko na masisira ang maganda mong mukha ngayong gabi. Tignan lang natin kung makarampa ka pa ulit. Nakangisi kung sabi

Ng matapos ang event nakita ko naman si Samantha na naglalakad pababa at kumuha ng wine glass na may lamang wine ng may dumaan na waiter kaya dali dali naman ako humarang sa  daraanan niya, gusto kung unahan si Demetre sa pag lapit kay Samantha.

Tumingin naman si Samantha sa akin na blangko ang expresyon pero mabanaag sa kanyang kulay abong mga mata na nagliliyab ito sa sobrang galit bago ngumisi na ikinanindig ng mga balahibo ko.

"It is nice to seeing you again."

"NIKKI LIM" She said sharply while smiling

------------------
Good evening, my readers. Enjoy reading.❤️❤️

HEIRESS OF MAFIA WORLD PALACE Where stories live. Discover now