01

0 0 0
                                    

Chapter One

"Hoy babaita! Asan ka na bang lupalop ng mundo?" sigaw niya sa kabilang linya, pagkatapos kong sagutin yung tawag niya.

"Nakalunok ka ba talaga ng megaphone ha? Ang aga mo naman mambulabog." iritang sabi ko sa kanya.

Ano kaya kailangan ng babaeng to?  Seriously? Ang aga-aga pa eh. Sa pagkakatanda ko naman wala akong kasalanan ginawa sa kanya kahapon.

"Anong pinagsasabi mo? Hoy babaita ala una na ng hapon." tila naiirita pa niyang ani. Siguro umuusok na ilong nito ngayon.

I immediately look at the clock and I saw that she's right. It's 1 pm in the afternoon. Pero ang pinagtataka ko lang kung ano namang problema niya sa oras? Para mapatawag pa siya sa akin.

"And so?" di pa kasi sabihin kung bakit siya tumawag eh. Psh. Dami pang satsat. Charot lang. Mahal ko yan kahit sobrang laki ng bunganga.

"Anong so so ka jan? Nakalimutan mo na ba? Ha babaita?" panbibitin niya pa sa akin. Kung katabi ko lang ito, kanina ko pa siguro to nakutusan.

Kita mo kasi, pasuspense pa itong bruhang to. Hindi na lang sabihin agad-agad.

"Meron tayong outing ngayon Khloe Rae Rodriguez!" sabi niya sa akin. Na nagpawindang ng buong sistema ko.

"Holy cow!" gulat na sabi ko. Lagot na naman ako nito sa kanila. Pakiramdam ko isa na akong wanted nito eh.

Naiimagine ko na yung mga mukha nila ngayon. Sigurado ako nito ngayon na mamaya makakatanggap ako ng samut-saring sermon nito eh.

Bwusit na yan oh! Ngayon pala iyon. Sa dami ng pwedeng kong kalimutan ayun pa talaga yung nawala sa isip ko.
Parang ayaw ko nalang pumunta doon. Nakakatakot yung mga bunganga nila. Mga ratatatat yun silang lahat eh.

"Uy ano na? Galaw-galaw din, babaita. Kanina pa kami dito naghihintay sayo." pagrarant pa niya.

Wow. Sana all naghihintay.

"Oo na po. Gumagalaw na po ako dito. Sige na i-end muna ung call." sabi ko nalang. Baka mas lalo pa yun mainis eh.

Mabilis akong naligo at nagtootbrush. Mga dragon pa naman silang lahat. Baka bugahan pa ko ng apoy ng mga yon. Mahirap na mahal ko buhay ko no.

I just wear a sky blue t-shirt paired with black fitted jeans and a white sneakers. Nag liptint lang ako, pakiramdam ko kasi ang bigat sa mukha kapag merong make-up.

At mabilis na nagdrive papunta kung saan man sila. Habang nagmamaneho ako, ilang beses ko rin pinagalitan ang sarili ko. Oh diba parang baliw lang.

"Wow napaka-aga mo naman. Jusmeyo." sabi ni Xierra, ang babaeng akala mo ay laging may dalaw. Sa ibang salita, palagi yang may PMS.

Just kidding. Baka mapatapon pa ko sa planet Mars kapag nalaman niya nasa isip ko. Mahirap na, baka di ko na makikita ang aking bebeloves. Charot.

Well, hindi naman talaga suplada yan. Sadyang mukha lang mataray, lagi kasing nakasimangot. Pero kapag kaharap yung jowa, daig pa ang mga nakabrace kung makangiti. Wala tayong magagawa diyan. Tinamaan ba naman ni Kupido.

"Hay sa wakas, at nandidito na ang mahal na reynang babaita!" sabi ng babaeng nambulabog kanina sa akin. Wala iba kung di si Maisy. Ang pinaka tahimik sa aming lahat. And oh, note the sarcasm please.

Uh oh alam ko ata sunod nito. Sandamakmak na bungangaan na naman ang magaganap. Hay buhay!
Bilib din ako sa kanila, daig pa nila yung nanay kung manermon.

"Ikaw talaga." sabi pa nga ni Maisy, sabay pingot sa aking tainga. Siya ang pinakamaton sa barkada. Hindi joke lang. Mabigat lang talaga kamay niyan, mahilig manakit.

Stars at the Worst Where stories live. Discover now