Main Story

26 2 0
                                    

Minsan napapaisip na lang ako, bakit nga ba kita pinakawalan? Wala naman akong mahanap na dahilan para gawin pa 'yon. Maayos ka namang naging kaibigan, tapos nang kalaunan masigasig ka rin namang nanligaw. Sa ating dalawa ako ang matigas ang ulo. Pasaway, makulit, yung tipong kahit alam kong mapapahamak ako sige pa rin. Nakailang pagsabi ka na nga sakin na tigilan ko na ang aking mga ginagawa. Pero wala eh...

Nandito ako sa engagement party mo. Mukhang masaya ka naman. Di ko aakalain na magiging role ko rin pala ang isa sa isang pair ng "the one that got away". Nakatitig ako sa dagat habang pinagmamsdan ang paglubog ng araw. Makikita mo ang matingkad na paglubog ng kahel na bituin sa malalakas na pag-alon ng tubig. Para bang isang payapang konsepto na sumasailalim sa isang magulong mundo. Ngunit bakit? Bakit nga ba...

"Krystal!" pagsigaw sa aking pangalan ng isang lalaking kakapasok lang sa aking kinatatayuan.

"Uy, Jaze. Ikaw ah kahit kelan talaga sobrang ayos ng buhok mo," aking bigkas sabay pagpasadahan ng aking kamay sa kanyang buhok.

"Eto naman, ngayon lang naman toh. Syempre pag daddy na ko di na 'ko makakapag-ayos sa sarili ko," pagtawa niya.

"Siya nga pala, sabi raw ng doktor magkakaroon daw kami ng twins ni Ashley," dagdag niya.

"Ah, eh, maganda. Magandang balita, ano namang balak niyong ipangalan?"

"Di pa namin sigurado eh, saka na raw 'yon pag naisaayos na ang lahat,"

"Ahh. Eh kayo, kamusta namn kayo ni Ashley?"

"Uhmm okay naman. Nararamdaman ko na magiging maayos siyang ina. Kaya kapag kinuha kitang ninang 'wag puro katarantaduhan ituturo mo ah?" sambit niya na may kasamang pagtawa.

"Ah oo naman, syempre. Mga bata 'yon eh," sagot ko habang pinipilit ang aking pagngiti.

"O siya, mauuna na ako. Baka hinahanap na ko ni Ash," kanyang pagpaalam.

"Sige sige, kita kits na lang tayo diyan," sabay aking pagwagayway ng aking kamay.

Habang pinagmamasdan kita palayo, para bang ikaw yung araw na sumisikat at lumalayo sa piling ng dagat. Sa kaguluhan. Sa kaingayan. Sa di maintindihang pagtaas at pagbaba ng alon na umaasa sa isang balang araw na pagkalma nito. Ngunit hindi. Walang ganon.

Walang pagkalmang magaganap bagamat patuloy pa rin ang pag-ihip ng malakas na hangin na nagiging dahilan sa pag-alon nito. Di mawari kung saan ba galing at bakit namumuo. At kung malaman man, di pa rin sigurado kung may kakayahan ba akong pigilan 'to.

Nakatitig pa rin ang aking mga mata na sayo'y may pagtingin. Naluluha. Sinusubukang umiwas. Gusto na lamang ipikit para hindi makita ang lahat.

Patuloy na dumidikdik sa aking isipan na bakit ganon? Kung isasaisip mo naman, pwede naman din tayo sana maging maayos. Katulad ng kung anong mayroon sa inyo ni Ash ngayon. Mapayapang buhay. Masaya. Nagmamahalan.

Kaso ayoko. Ayoko balang araw may babalikan akong mga memorya na ako ang sumira sa atin. Na sa twuing maaalala ko iyon ay mas dadagdag pa ang aking poot sa sarili na hanggang pagsira lang ang aking magagawa. Kaya hinayaan ko ang aking sarili na balutin na lang ako sa takot. Sa takot na ika'y baka sakaling mawala kung ating susubukan ang maging isa't isang sinta. Kaya sa iyong paglisan, ang aking hiling ay sana, mas mahalin ka niya.

~Better Friends Than Ex

Better Friends Than ExesWhere stories live. Discover now