"Eh ba't mo sinagot? Bopols ka rin, eh."

"Ako pa talaga? Mas importante ka kaya sa akin kaysa sa mga trabaho ko. Kaya uunahin ko iyong importante kaysa hindi. Kaya inuna kita. Bahala sila dyan basta't maging priority lang kita.You won't be a second choice for me."

Napakagat ako sa labi nang marinig iyon. Ang sama ko na ba kapag sinabi kong parang ang ganda pa ng ginawa niya?

"Bibilhan lang naman sana kita ng merienda, eh. Tinapos mo naman kaagad iyon." He held my waist. Nakaayos na rin kasi ako.

"I'm still full. Saan tayo pupunta?" Nakalimutan na niya iyong meeting niya. We went out of the office.

"Hmm. We can go home now. Bukas na lang ako pupunta kina lola. I have no work tomorrow so I'll be at their house." Nakarating na kami sa parking lot saka napapasok sa kotse.

"Alright. Anong oras ka ba bukas? I still need to go to Galleria to check the workers there. Sabay na lang tayo pumunta sa kanila." I shook my head.

Kita mo na. Talagang gagawa ng paraan para lang makasabay sa akin kahit na mayroon siyang trabaho.

Hindi naman ako tutol doon pero kasi, may mga importante din naman siyang ginagawa. Hindi naman pwedeng magmadali naman siya sa pagbisita roon tapos sumabay sa akin.

"No. I'll be driving alone tomorrow. Gagamitin ko iyong isang kotse tapos sumunod ka na lang sa akin doon. My cousins informed me that they will also be there for tomorrow. Sumunod ka na lang, okay?" suhestyon ko sa kanya.

He breathed deeply and gave me a pleading look. Hindi umubra sa akin iyon kasi pareho kaming may kanya-kanyang ginagawa.

"As if I can do anything?" He drove the car. Naroon na naman ang paghawak niya sa kamay ko saka pasipol-sipol habang nagmamaneho.

Tomorrow's my free time and I am going to give it to my grandparents. Matagal na rin kasing hindi kami nakakapunta roon dahil sa busy na schedules.

Sinabihan ko na nga sina lola na sa bahay na lang tumira kasama si mama kaso ayaw naman nilang iwanan ang bahay doon sa probinsya.

They love living there. Halos wala namang nagbago roon. Medyo nadagdagan lang ng ibang mga bahay. And they are wishing the best for us. Approve naman sa kanila si Jacob kasi matagal na naman nila itong kilala.

Pagkarating sa bahay ay ginawa na namin ang routine namin. He cooked for the food again and I cleaned myself.

Mukhang wala na siyang naging balak na buksan ulit iyong laptop. He threw it on its exact place and didn't touched it again. Parang sumpa na sa kanya kapag hinawakan pa iyon. Parang ilang mura na naman ang makakalabas sa kanya kapag nagawa iyon.

Sinusuklay ko pa lang ang buhok ko nang mapunta sa kusina. I caught him cooking while fiddling on his phone. Nakangiti ito habang may tinitignang kung ano roon.

I neared myself to him and I poke him. Napatalon siya ng kaunti dahil doon saka mabilisang itinago ang phone.

"What's that? Anong tinitignan mo?" usisa ko sa kanya.

He swallowed like he did something wrong. Kita ko ang pawis na namuo sa kanyang noo at mukhang hindi inasahan ang biglang pagdating ko sa kusina.

"H-huh? Wala naman. Ginulat mo naman ako," he answered. Tinanggal niya ang eye glasses saka marahang pinunasan ang noo.

My eyes started narrowing at what he did. Nakatingin siya sa akin na parang na-guilty sa kilos na kanyang ginawa.

"Seryoso, ano nga? What are you looking at your phone? Bakit bigla mong tinago?" Nag-umpisa nang tumaas ang kilay ko. I crossed my arms and then looked at him straightly.

"Nothing. Wala namang masyadong importante roon. It's just something that's not worth of your time."

"Oh? Talaga? Bakit pangiti-ngiti ka? Are you watching some porn?" kompronta ko rito. Inilapat niya ang kanyang palad sa labi ko nang sabihin ko iyon.

Of course, he's a man. Minsan ay mga ganoong pangyayari naman talaga. And there's nothing to deny if it is true. Tinatanong ko lang naman siya.

"Of course not!" natatawa niyang sagot. "I'm not watching that. Look, it's not important okay?"

"Then why are you smiling? May tinitignan ka ano?" mas lalo siyang napailing doon.

Kahit dati naman ay hindi ko siya nakitang tumitingin sa iba. And I am sure that it's not a woman because his attention cannot be diverted to someone.

Kahit gaano kaganda ang kanyang kaharap, basta't alam niyang may mahal siya ay hindi mahahati ang kanyang atensyon. He's loyal. Wala naman akong nagiging issue sa kanya tungkol sa mga ganoong ideya.

"Wala nga, eh. Look, it's not what you think. Assure yourself that I am not hiding something—"

"Then why did you hid your phone? Jacob, sinasabi ko sa'yo. Ayokong magalit hangga't nae-explain mo sa akin kung anong nangyari." I said to him. "Why are you smiling? You're being secretive to me."

Mas lalo niya akong inilapit sa kanya. Poker face lang ang mukha ko. Hindi naman galit o naiinis. I just want to know about that thing he's hiding.

Gaano ba kahirap iyon na ipakita sa akin? Do I need to please him? Nagiging curious lang naman ako.

"Baby—"

"Don't call me that. Ano nga?" malumanay kong tanong pa rin. Napakamot siya sa batok at mukhang hindi na alam kung ano bang gagawin.

Naluto na iyong kanyang niluluto kaya isinalin na muna iyon sa lalagyan bago ako hinarap ulit. Gusto ko pa rin siyang komprontahin.

"Okay, I'll tell you now," he added. "Barkada ko kasi, nagpapatulong sa akin para sa kanyang proposal. He showed me the ring earlier so I am smiling. Sadyang nagulat lang ako kasi baka makita mo tapos baka sabihin mo, nagpaplano akong bumili para sa'yo."

That hit me. Nagulat ako saka hindi napigilang mapahinto pati ang pag-iisip.

Hindi naman tunog insulto iyon sa akin. Hindi niya lang gustong mag-assume ako kaya bigla niyang itinago iyong phone. And my mind became lighter at that.

Hindi ako nagtampo sa kanya.

"Ganoon ba? Can you show me the ring, then?" He got no choice. Kinuha niya iyon phone saka ipinakita sa akin.

Maganda. Ewan ko pero bigla kong naramdaman na parang para iyon sa akin kahit na alam kong hindi naman. May kulay pulang dyamanteng nakapatong tapos sobrang simple lang ng itsura. I think it's ruby and it made me in awe for a while.

Hindi ko namalayang masyado na akong nakatitig doon. I know that he's looking at me with his apologetic eyes. Kaagad niyang ibinalik iyon sa kanyang bulsa.

"I can buy something for you more than that. Don't be sad. Enggrandeng kasal naman ang ibibigay ko sa'yo," he hugged me. Hindi naman ako naiinggit. Sadyang nagandahan lang ako sa itsura ng singsing.

"Idiot. Nagandahan lang ako. Akala ko kung ano na ang tinitignan mo tapos wala ka pang balak na ipakita."

Once in a Lifetime (Valdemora Series #5)Where stories live. Discover now