Tsk. Ewan ko sa kanya. He's being childish again. Ganyan siya minsan pero hindi naman nakakasawa kasi sanay naman na ako.

We just continued our eating time. Naging matagal ang pananghalian namin kasi may pagkakataong may tumatawag sa kanya. I also did my thing here. Binibigyan niya ako ng tingin tuwing tatayo ako at sasagutin din ang tawag ng kung sino.

Kapag sa trabaho naming dalawa, pareho naming suportado ang isa't isa. He's even supporting me on my future plans. Kasama na roon ang pag-aral ko para maging piloto.

Wala raw siyang pakialam kung siya ang magbayad ng lahat ng babayarin ko basta't sa huli, maging matagumpay lang daw ako ay ayos na. And me, being the usual didn't allowed that.

Okay na sa akin iyong buong suporta niya. I can pay for all. Biro ko nga sa kanya dati ay papayag lang ako na ganoon ang set-up kapag nag-propose na siya sa akin. And until now, he's still not doing his move.

Minsan ko na ring tinanong ang mga pinsan ko tungkol sa bagay na iyon. And they all denied that Jacob's planning something. Kasi iyon naman ang pumasok sa isip ko na kapag may plano siya, sila ang mga kasabwat.

Just like before when Jacob confessed his feelings. Sila ang unang napagsabihan at parang binigyan pa siya ng motivation.

Sigurado naman akong kayang-kaya ni Jacob na gumawa ng kilos mag-isa. He can do all of it alone. Sa pagpaplano ay gamay niyang gawin ang mga iyon pero may mga taong nasa likuran din ng lahat ng iyon.

Nang mukhang sa tingin ko ay tapos na obligasyon ko ay napunta ako sa harapan niya. Mukhang nasa meeting siya dahil naka earphones ito at patango-tango, iniintindi ng maigi ang pinag-uusapan.

He glanced at me the moment he saw me standing right in front of him. Sumenyas ako sa kanya na lalabas na muna ako para bilhan siya ng merienda.

Hindi niya ako naintindihan kaya't ibinuka niya ang bibig. I grabbed a piece of paper and then wrote it down instead. Pero bago ko pa maipakita iyon sa kanya ay isang inis na tono na ang narinig ko.

"What? Wala akong pakialam. Kinakausap ko girlfriend ko rito tapos sisigawan mo ako?" Napaangat ang tingin ko sa kanya at kitang-kita ko ang tila sarkastiko sa kanyang mukha. He looks calm but his tone is not in the mood.

Hindi ko marinig kung ano bang sinasabi sa kanya dahil naka earphones pa rin ito.

"Ano ngayon? Kita nang may kausap ako, sumasabat sa may usapan. You can cancel this and leave me the fuck alone. Wala akong pakialam kung matanda ka pa sa akin. Suntukin kita dyan, eh." And then he turned off his laptop immediately.  "Tangina nito, ah?"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig mula sa kanya. Hawak ko pa rin iyong papel sa kamay at napapalunok ng matigas.

From being annoyed, his look suddenly changed to the usual one. Iyong kalmado at wala akong nababahirang kahit na anong galit. He looked at me softly and then stood up.

"Ano nga ulit iyon?" malumanay niyang tanong.

Parang umurong bigla ang dila ko dahil gulantang pa ako mula sa pagkakarinig ng mga sinabi niya kanina.

Bibili lang naman ako ng merienda pero bakit umabot sa ganoong punto? Ni hindi niya man lang ako hinintay na ipakita sa kanya iyong sinulat ko.

"Anong nangyari?" tanong ko sa kanya. Isinilid niya sa bag iyong laptop at isinabit na sa balikat.

"Iyong matandang ka-meeting ko kasi. Alam nang kausap kita tapos bigla ba naman akong sigawan? Akala niya ba hindi ko siya papatulan?"

Matanda? Minura niya ng ganoon kalutong?

Once in a Lifetime (Valdemora Series #5)Where stories live. Discover now