"Ow yes.Kasama ko siya kanina at tinulungan niya ako-",Marahas siyang tumayo.

"Fine!I'll do your activities then!",Padabog niyang at kinuha ang laptop ko.

"What?Anong gagawin mo?",Tanong ko at sinilip siyang tinitignan ang schedule ko.Pilit ko iyong kinukuha ngunit at the same time nilalayo niya ang laptop sa akin.

Masama niya akong tinitigan.Wala akong nagawa kundi ang umupo at panoorin siyang pa chill chill lang.Alam ko namang may kabaitan rin itong si Jaxon hindi niya lang pinapakita.

Napangisi ako habang tinititigan siya.Ang swerte swerte nito,Ang yayaman!Sa sobrang yaman ay hindi ko narin lubos maisip na pati ako ay nabili niya.Ang galing ano?Gustohin ko mang makaalis sa puder niya,hindi parin pwede.You know them,maraming mata sa paligid.San man ako magpunta ay alam niya.

Dapat talaga ay magkaroon siya ng character development.Lalaking walang pakealam sa mundo?Alis na Jaxon.Tsupe.At isa pa,Kung magiging kami at kung MAPAPAMAHAL ako sakanya in 8 months.Yup 8 months pa bago siya mawala sa landas ko.Anyways balik sa topic.Kung mapapamahal ako sakanya in 8 months,Edi ayos.Wala na akong problema,Financially and emotionally.

Pera?Gora na sagot na niya.Pero pagmamahal?I don't know.Hindi siya santo pagdating sa pag ibig,at lalong hindi siya martyr.Sa kapal ng mukha noon?May hiya paba iyon magsabi ng nararamdaman niya?Syempre wala.Kumurap kurap ako.

"Ayan,tapos na."He said and smirk.Napatingin ako roon.Talaga ngang tapos na.Galing!

"10 slides,done.Now,where's that Kaden?",Sambit niya.Nagtataka akong tumingin sakanya.Bat neto hinahanap si Kaden?

"At baket?",

"I'ma give him a good punch.",

"Jaxon!",I hissed at humalakhak siya.Siraulo talaga ang gago!Pero infairness,ang bilis niyang natapos ang part ko.Not bad dahil talaga ngang may brain din siya.Shox naiisip kopa lang,ang swerte na ng magiging anak namin.Brainy si daddy!

Napahalakhak ako sa iniisip.

"Anong tinatawa tawa mo jan?",Iritado niyang tanong.

"Wala halika na!",Sambit ko at hinila siya papaalis.May isang klase pa kasi akong dapat puntahan.Dahil nakita niya naman ang schedule ko ay siguradong alam na niya ito.

Hinila ko sya papunta sa gate.Hehe gate talaga.Tumingala siya."Bakit sa gate moko dinala?Tara na sa hotel."Ani niya at akmang hihilahin ako papaalis.

Agad ko siyang hinampas sa braso."Hotel your ass!May klase pa ako at ikaw naman,pumunta kana sa La hera at may field study kapa tse!",Sigaw ko sakanya.Sa La hera incorps niya kasi napiling mag field study.Syempre may mga kumpanya na sila alangan namang lumayo pa siya diba?

Agad siyang tumango."Fine.I'll text you later.Marunong ka naman sigurong mag text ng hindi nahuhuli ng prof,right?",Ngising aso niya.Sinamaan ko siya ng tingin at isinaisip nalang ang sinabi.

mArUnOnG kA nAmAn SigUrO mAg tExt nG HiNdi nAhUhULi nG prOf riGhT?

Paulit ulit iyon sa isipan ko.Nakakapikon!Anong tingin niya sakin lalampa lampa?Baliw!

Nasa tapat nako ng classroom namin.Naaninag ko ang iba kopang kaklaseng nagtatawanan.Wala si Rye at Cassie dahil pareho silang nasa field study.Isa pa iyong si Cassandra.I miss her.Dati kasi kaming magkaibigan,ngunit nang naungusan ko siya sa isang subject ay halos magwala na ito sa kahihiyan.Para bang hindi niya matanggap iyon.

Dumating narin ang prof namin.Umupo ako at nag antalang kunwari ay nakikinig.Isa siguro ang BS accounting sa pinaka boring na course sa college.Nakahalumbaba ako habang nakikinig.

Mag kakalhating oras na ang klase at hindi parin ito tapos.Bumaling ako sa mga kaklase ko na tilay boring na boring narin sa prof naming walang kasigla sigla habang nagsasalita.Sa gitnaan ng pagkaklase niya at tumunog ang cellphone ko.Signs na may nag text.Halos masuka ako sa nakita.Honey Jaxon ew.Sigurado ay pinakealaman nanaman ni Jaxon ang cellphone ko at pinaltan ito ng nakkasukang nickname.

Honey Jaxon^^

;I'm gonna pick up you after class.Huwag kang aalis ng hindi ako ang kasama mo.Kay?

Bumuntong hininga ako.

;Fine.Drama mo.Tapos kana ba jan?

Agad rin naman itong sumagot.Siguro'y hindi niya tinitigilan ang cellphone niya.

;Yep just a few talks pa.Ikaw?How's my honey?

Text nito at may naka nguso pang emoji.Halos masamid ako sa sariling laway ng mabasa ang salitang HONEY.Ew!Feelingero talaga ang gago!

;Bored.Super boring ng class namin today.Feeling ko nga pagkatapos nito e mabilis akong magtatatakbo palabas.

;Anong gusto mong gawin ko para mawala ang boredom mo?

"NATALLIE DE VARRA!",May lumipad na chalk sa lamesa ko.Pag angat ko ng tingin ay ang mukha ng galit na galit naming prof.Shit!Bumaling ako sa mga kaklase kong mukhang takot na takot din.Lagot na baka atakihin ito ng wala sa oras sa sobrang galit.Shems

"Kanina pa kitang tinatawag!Sino ba yang kausap mo ha?!",Sabay kuha nito sa cellphone ko.Nanginig ako sa takot.

"Honey?Sinong honey?Kababata nyo pa may pa may honey na kayo?Ako na 47 years old,ni isa wala pang honey honey na katext!",Sigaw ng panot naming prof.

"Aba kasalanan ko bang walang napatol sainyo."Mahina kong bulong ngunit nag sitinginan sa akin ang lahat.

"What did you say Ms De Varra?!",Galit na tanong ng prof.Gigil na gigil ang muka nito sa galit.Tangina aatakihin na ata!

"W-wala po sir..Hehe.."Sabi ko at ngumiwi.Natanggal din ang ngiwi ko ng bumalik na sa pag tuturo ang guro.Tinignan ko muli ang text ni Jaxon,wala na itong kasunod.

Sawakas.Pagkatapos ng sampung taon ay natapos narin ang huling klase ko sa araw nato.Sarap sa feeling!Dali dali akong lumabas at tinignan kung andoon na si Jaxon sa gate at nakaabang sakin.Mayroon namang nakaabang ngunit hindi si Jaxon iyon.

Tingin ko ay ako ang hinahanap ng lalaki kaya agad akong lumapit.Nanliit ang mga mata ko.May shades ito at magulo ang buhok.Hindi rin mapagkakailang ma itsura ang isang to.Ugh sino ba kasi to?

His Wildful DesireWhere stories live. Discover now