Chapter 25

1.5K 66 2
                                    


Red Collins

Sinalubong kami nang mga tao pagdating namin. Nagluto muna sila nang makakain para makapag feeding kami.

This will be our first stop. May mga ibang bayan pa kaming pupuntahan at mas mga malalayo at liblib sa mga susunod na araw.

Walang kahit anong lugar kung saan pwede kaming magtipontipon nang hindi naiinitan.

Kaya naman sa open ground lang kami. Iilan lang din ang mga upuan na dala namin kaya sa damuhan lang naupo ang mga tao.

Pinaghiwalay namin ang mga bata sa mga matatanda. Pinakain muna namin lahat bago simulan ang pamimigay nang mga groceries na dala namin.

Ako naman ay taga kuha nang litrato. Habang kumukuha ako ay hindi ko maiwasang tumingin sa gawi ni Sitara. Halatang naiinitan na sya pero ngumingiti sya sa bawat taong inaabutan nya nang grocery.

Napangiti ako at kinuhanan sya nang litrato. Minsan lang ang pagkakataong ngumiti sya. But her smile never failed to amaze me.

Bigla naman syang napatingin sakin. Nag kunwari naman akong seryoso lang na kinukuhanan lahat. Pagkatapos ay agad akong tumalikod at iba naman ang kinuhanan para hindi masyadong halata.

Naka pwesto ako malapit kung saan nandun si Sitara. Hindi ko gustong makinig sa usapan nila pero narinig kong nauuhaw sya.

I unconsciously walked kung nasaan ang cooler na pinaglalagyan nang bottled water at kumuha.

Wait— what the hell are you doing self? Biglang tanong ko sa sarili. Ibinalik kong muli ang tubig. Stop caring you idiot!

Pero nang mapalingon ako sa gawi nya ay kita kong pawisan sya at mukhang kailangan nya nga nang tubig.

Kumuha ako nang ilang tubig. Okay.. Ngayon lang, just this one. Pero para hindi ako masyadong obvious ay lima ang kinuha ko.

Lumapit ako sa gawi nya at aabutan na sana sya nang tubig nang lapitan ako nang mga estudyante.

"Mam! Pahingi po!" Sabi nila sakin at kanyakanyang kuha nang tubig na hawak ko.

Tae naman tong mga to oh. Wala naman akong nagawa kundi mapakamot sa ulo. tsk. Napatingin naman sakin si Sitara kaya umalis nalang agad ako.

Nag palaro sila Nica sa mga bata kaya tuwangtuwa sila. Ako naman ay nag eenjoy na kuhanan sila nang litrato. Ang saya lang nila. Ang sarap maging bata.

"Dalhin ang pinaka magandang babae dito!" utos ni Nica sa mga bata. Nagsi takbuhan naman sila.

Madaming lumapit sakin at nagaagawan sa paghila sakin.

"Nako.. Hindi ako maganda." Awat ko sakanila dahil halos ipagtulakan na nila ako.

Halos madapa naman ako sa pagtulak nila buti nalang ay may nakasalo sakin. Pagtingin ko ay si Sitara pala.

Nakayakap sya sa bewang ko at napayakap ako sakanya. God! I missed her. Kahit wala namang kami ay hindi ko padin maiwasang ma miss sya at masaktan at the same time dahil, wala ngang kami. At sa sitwasyon namin ngayon, mukhang walang magiging "kami". Agad akong lumayo nang makabawi ako.

"Nica! Asan tent ko?" Tanong ko kay Nica.

Wala kasi kaming tutulugan kaya nagtayo nalang kami nang tent sa open field.

"Huh? Bat sakin mo hinahanap? By partners kaya kayong mga teachers." Sabi nya at iniwan ako.

Agad naman akong lumapit kay sir Paul nang makita ko sya.

Every Picture Tells A StoryWhere stories live. Discover now