"Kailan ka nga pala pupunta sa Galleria?" Minsan ay pumupunta siya roon pero bumabalik din kaagad. Tinitignan lang daw ang mga taong nagtatrabaho roon tapos agad-agad na umaalis.

"Hindi ko alam. I'll be here for now tapos pinsan ko na lang muna ang papaasikasuhin ko roon. I don't wanna leave you here." He held my hand tightly.

Kailan ba ako nawala sa isip niya? That's his reason for not leaving our house. Baka kinakailangan siya roon tapos hindi man lang siya pumupunta.

"Really, Jake? Hay naku. Okay lang naman ako sa trabaho. You don't need to mind me," kontra ko sa kanya na ikinailing niya.

"Nope. Kung wala ako, sinong magluluto para sa'yo? You'll feed yourself with burgers? Okay naman akong hinahatiran ka ng pagkain araw-araw. Hindi ka naman pasakit sa akin."

Ang OA. Pwede naman akong bumili ng ulam sa carinderia. Talagang idinamay pa ang burger? Anong kinalaman no'n?

I appreciate all his efforts for me. Hindi ko naman siya tinataboy. Hindi rin naman ako nagsasawa sa kanya. I'm just being worried to his work though I know that he's being good at it. Nabo-bother lang ako.

Hindi na ako nagreklamo pa sa kanya saka tinanggap na lang iyon. When we finally arrived, I waved at him for some goodbye. Hindi pa siya nakuntento at niyakap ako.

"I love you. I'll be here by lunch time," and he kissed my forehead. Umalis na ito ng tuluyan  sa harap ng building bago ako makapasok.

Ganoon palagi ang nangyayari sa amin. He'll drop me here, reminding that he will still see me at times when he wanted to come.

Mga pagbati kaagad ng mga empleyado ang bumungad sa akin pagpasok. I replied them with some simple smile before I finally went inside the office.

I don't have any secretary or someone who can help me because I wanted to do all the things on my own. Sinabihan rin ako ni Jacob tungkol sa bagay na ito pero hindi ako pumayag kasi hindi ko naman kailangan.

Naiha-handle ko naman ang sarili. Hindi ko naman na kailangan ng mga iyon.

Medyo may kalakihan ang opisina ko. And maybe someday, I will let Jacob run this because I wanted to pursue the career I've been dreaming to do. Tinutulungan nga niya ako minsan saka mukhang mas may alam pa nga siya sa akin dito.

We're helping each other naman. Hindi naman kami iyong sinasarili ang trabaho kasi pareho naman kaming nakapagtapos. Hangga't kaya ay nagtutulungan kami kasi iyon naman ang dapat.

I sat on my swivel chair and reviewed some papers that I will sign. Tahimik ang paligid ko at walang istorbo. Nakaharap ako sa clear glass at mula sa kinauupuan ay tanaw na tanaw ang mga umaandar na sasakyan.

Minsan nakakapagod saka minsan ay hindi naman. I have my meeting later so I need to at least prepare a bit. Kailangang narito rin ako.

Tumunog ang phone kong nakapatong sa mesa. I picked it up and saw Jhared's name. Kaagad kong sinagot ang kanyang tawag.

"Yes?" Dinig ko ang kanyang tawa sa kabilang linya.

Dahil masyadong successful sa buhay, natupad niya iyong pangarap niyang Marine Engineer. Actually, silang mga pinsan ko ay successful naman sa buhay. We are all successful and that's good.

At least, pare-pareho naming pinaghirapan lahat ng ito.

"Naks. Kumusta?" Hindi ko alam kung saang bansa ba siya ngayon. Usually kasi, kapag tapos na ang kanyang kontrata sa barko, pumupunta kaagad iyon sa bahay namin ni Mama tapos maraming dalang chocolates. Hinahatiran niya kami.

Once in a Lifetime (Valdemora Series #5)Onde histórias criam vida. Descubra agora