"Hanggat ang puso mo'y sa akin lang hindi ka na malilinlang. Ikaw ang ilaw sa dilim at ang liwanag ng mga bituin."


Ang malamig niyang boses ang tiningala ng ilang manonood ngunit ang buong atensyon niya ay nakatutok lamang sa iisang babae na inaalayan niya nang bawat liriko nang napiling kanta.

"Ohhh woahhhh..."

Napansin niya ang naluluhang mata ng babae habang nakatingin sa kaniya. Hindi niya alam kung anong dahilan ngunit patuloy parin niyang tinititigan ang babae.

"Ako'y alipin ng pag-ibig mo
Handang ibigin ang isang tulad mo."

Paulit-ulit man siyang umasa sa pagmamahal ng kaibigan ay ayos lang. Hahayaan na lamang niya ang puso niyang kusang sumuko at mapagod.

"Hanggat ang puso mo'y sa akin lang hindi ka na malilinlang. Ikaw ang ilaw sa dilim at ang liwanag ng mga bituin."

Hindi na naalis ang mga mata niya sa babae buong kanta. Ito ang pinakamagandang bituin na nakita at nasilayan niya. Paulit-ulit pumapasok sa isipan niya ang pangalan ng babae ng inaalayan niya ng kanta.

"Ng mga bituin."

Chantal Tabitha Gonzales

"Ng mga bituin."

Chantal Tabitha Gonzales

"Ng mga bituin."

Chantal Tabitha Gonzales

KELAN

Palakpakan ng mga tao ang una kong narinig matapos kong kumanta. Nakangiting tinignan ko sila bago ipukol ang paningin ko sa kaniya.

Nakangiti siya at nag-thumbs up saakin. Bahagya akong napangiti bago bumaba sa stage at dumiretso sa back stage ng lugar.

"Galing mo pare!" Bati saakin ng ilang mga mag-peperform din at kakilala ko na. "Salamat." Maikling tugon ko bago inilapag ang gitara ko sa isang upuan at uminom ng tubig para sa mga contestant.

"Para kanino yung kanta mo pare ah?" Nang-aasar na tanong saakin ni George matapos kong uminom ng tubig. Isa sa mga kaklase namin na kaibigan ko. Isinama ko siya sa backstage at hinihintay ako.

"Wala." Natatawang tugon ko sa kaniya bago umupo sa tabi niya. "Sus. Kunwari ka pa. Aminin mo, para kay Chantal no?" Siguradong-sigurado na aniya saakin.

"Hindi no." Depensa ko na inilingan niya. "Kunwari ka pa. Sinabi mo kaya saakin na gusto mo siya." Bahagya ko siyang pinalo sa dibdib.

"Tumahimik ka baka may makarinig sayong kakilala natin." Suway ko.

"Umamin ka na kase sa kaniya. Malay mo gusto ka rin pala."

Hiling ko lang.

"Tsk. Iniyakan nga lang ako last week dahil sa mokong niyang ex eh. Bwisit na yun." Bahagya nanaman akong nainis ng maalala ang pag-iyak niya saakin.

"Pero ang galing mo kanina. Bilib ako sayo. Inilabas mo yung emosyon mo sa bawat liriko nung kanta. Ano nga ba iyon?"

"Bulong, December Avenue." Maikling sagot ko bago tumayo at inilagay na sa lalagyan ang gitara ko.

"Yun! Bagay na bagay sa nararamdaman mo yung kanta.".

"Kaya nga yun ang pinili ko eh." Natatawang sagot ko sa kaniya.

Ilang sandali ang lumipas at natapos na ang lahat ng contestant. Hinihintay na kang yung resulta ng judging para sa awarding.

"Candidates, Embrace yourself for this is the result of the judging!" Kinakabahan ako sa boses ng Emcee.

The Art Of Letting Go Where stories live. Discover now