COMPLETED
Kelan and Chantal is bestfriend since first year highschool. Everything is in a good situation for him not until the night of their Prom. He started to feel this butterfly effect towards his bestfriend Chantal. After years of hiding his fe...
'Being your bestfriend is a gift. But loving you secretly is a burden.'
___________
Hoppla! Dieses Bild entspricht nicht unseren inhaltlichen Richtlinien. Um mit dem Veröffentlichen fortfahren zu können, entferne es bitte oder lade ein anderes Bild hoch.
"Hindi masabi ang nararamdaman."
Sinimulan niya ang pagkanta na puso ng emosyon ang puso niya. Mga emosyong ilang beses na niyang kinubli at itinago sa lahat. Lalo na sa kaniya.
"Hindi makalapitsadyang nanginginig na lang."
Maraming tao ang nanonood sa kaniya ngunit nakapako ang paningin niya sa nag-iisang babae na nakaupo sa isang sulok at pinanonood siya.
"Mga kamay na sabik sa piling mo, ang iyong matang walang mintis sa pagtigil ng aking mundo."
Pinagpatuloy niya ang pag-galaw sa gitara niya na iniregalo pa sa kaniya ng babaeng pinagmamasdan niya ngayon.
"Ako'yalipin ng pagibig mo Handangibigin ang isang tulad mo."
Naisipan niya ang kantang iyon dahil bawat liriko nito ay sinasabi ang nararamdaman niya. Napapagod na siyang makita na umiiyak ang babae sa lalaking hindi naman siya mabigyan ng halaga. Paulit-ulit nakakasawa. Gustong-gusto niyang sabihin dito na sana siya na lang.
"Hanggat ang puso mo'y sa akin lang hindi ka na malilinlang. Ikaw ang ilaw sa dilim at ang liwanag ng mga bituin."
Paulit-ulit niyang hinihiling na kung hindi man siya yung taong makakapagpasaya ng lubusan sa Bestfriend niya. Sana makahanap ito ng taong magmamahal sa kaniya ng totoo, yung mahihigitan ang pagmamahal na kaya niyang ibigay para rito.
"Hindi mapakali Hanggang tingin nalang."
Bilang kaibigan ay lagi siyang nasa tabi nito. Pinapasaya at minamahal niya ang babae ng palihim. Ilang beses na rin niyang sinubukan na sabihin ang nararamdaman dito pero natatakot siya. Takot siya sa maaring kalabasan nito.
Bumubulongsa'yong tabi Sadyang walang makapantay Sa kagandahanginuukit mo sa isip ko."
Matagal na niya itong mahal. Simula nung gabing iyon. Hindi na mawala sa isip niya ang kakaibang imahe ng babae. Hanggang sa kunti-kunting nagbago ang pagtingin niya rito. Nagising na lang siya isang araw na mahal na niya ang babae, ang Bestfriend niya.
"Ako'yalipin ng pag-ibig mo Handangibigin ang isang tulad mo."
Nginitian siya ng babae na nagpalakas ng kabog ng dibdib niya. Sa simpleng kilos nito ay iba ang dating sa kaniya. Nakakakaba nakakahulog.