10. Naked Truths

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi pa rin ako sigurado kung natulog ba ito habang natutulog ako o pinakinggan niya lang ang mumunting sounds na ginagawa ko sa pagtulog.

From: Zak <3

Please.

: (

I bit my lip. Hindi pa ako nakakasagot ng oo, lumiwanag na ang screen ng phone ko. It was indicating an incoming call. Bahagya akong nataranta nang makita ang pangalan ni Zak sa screen. Siya lang naman ang kaisa - isang taong tumatawag sa phone ko.

Bumagsak ang katawan ko sa kama. Aligaga kong sinagot ang tawag.

"H-hello..."

"What's up, baby?" Another wave of erratic heartbeats overwhelmed my being. My breathing stopped for a moment. Mas lalo pang kumabog ang dibdib ko nang tumawa si Zak sa kabilang linya. "I miss you, too, kitten."

"S-sinong nagsabing m-miss kita?" I pouted.

Sumeryoso ang kanyang boses. "My bad, I assumed." I couldn't sense the other emotion when he said that.

"M-mali kasi 'yon, sobrang m-miss kita, Z-zak."

Natahimik ang kabilang linya. Kahit iyong paghinga niya ay hindi ko marinig. Nanlaki ang mata ko, anong nangyari? Patay na ba si Zak? Patay na patay sa akin? Hehe. Hindi kinaya ang kilig.

"I'm coming home to you,"

Namilog ang mata ko sa tuwa. "T-talaga?"

"Yes, wait for me."

"A-always,"

Khromov Zakhar is such a busy man. Madalas siyang nasa Russia, he run things around there. Lalo nang ilang buwan din siyang nawala noong stranded kami sa isla. The trip from Moscow to Manila was exhausting him. He never complained.

"My b-best friend s-sent me photos and post cards! She l-looked tanned. Tapos I got in one of the f-famous painters class to be h-held here in Manila. I'm excited, Zak." kwento ko rito.

I always told him how my day was. He listened. And I asked him how his day went, and just groaned. Ang stupid daw ng mga tao sa paligid niya. Zak can be so mean sometimes.

"Congrats, baby. You deserve everything life has to offer, including me." Zak chuckled sexily. Ako naman ang natameme. "What do you want for a celebration? Dinner? Movie date? Let's visit a museum, you like that? Or me."

My face flustered once again. "H-ha? Pwede bang a-all of the a-above? Hehe."

"Whatever you like... I'm yours."

"O-okay,"

When I looked up, I saw Manang Lukreng grinning at me like crazy. Mayroon siyang dalang fresh towels and sheets. Ibinaba ko ang tawag ng hindi nagpapaalam kay Zak. Nakaramdam ako ng hiya kay Manang. Narinig niya kaya?

"A-ano... H-hindi naman po..." Kabang - kaba ako.

"Ay, nako. Ang isda talaga'y nahuhuli sa sariling bibig." sinabi niya nang makahulugan. Ayoko sa ngisi ni Manang. Nang-aasar iyon.

Lumabi ako. "Hindi naman po ako i-isda, Manang."

Inilapag niya sa kama ang bed sheets na nilabhan.

"Ayos lang namang umibig, isa pa, hindi ka na naman bata. Malalaki na kayo pareho ng ate mo. Ang akin lang sana, 'wag magpapabuntis ng hindi pa handa sa magiging responsibilidad." pangaral niya. Mas lalo akong pinamulahan ng mukha.

I was hyperventilating at the thought she was trying to inflict my mind. "Manang, b-buntis po agad?!"

"Bakit hindi? Ganoon na ang panahon ngayon, alam mo ba noong kapanahunan ko—"

Kryptonited ✔ (Alpha Sigma Omicron #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon