"Mabilis lang ang five days. Magkikita pa tayo. Ang OA mo talaga." Napapailing na sabi ko sakanya.

Wala naman syang sinagot at naka pout lang habang nagtutupi. Natatawa tuloy ako sa itsura nya. Naka suit tapos naka indian sit sa kama habang naka pout na nagtutupi nang damit.

"Ganito nalang, pagbalik ko I promise magbabakasyon tayo. Uhmm.. Pag di ka na busy. hmm?" suyo ko sakanya

"Talaga?" Biglang nag liwanag ang mukha nya sa sinabi ko.

"Oo na." Sabi ko at binato sakanya ang isang pantalon ko.

"Okay! Knock knock!" Masiglang sabi nya habang tinutupi yung pantalon ko.

I rolled my eyes bago ko sabihing "Who's there?"

"Cabbage."

"Cabbage who?"

"You're really weird." Napakunot ang noo ko. Asan ang knock knock dun?

"You expect a Cabbage to have a surname? God Red! you're so—" Hindi ko na sya pinatapos at binato nang maong shorts ko. sapul sya sa mukha.

Pero imbis na magalit ay tumawa sya nang tumawa. Sya lang talaga nasisiyahan sa jokes nya e. tsk.

"Bye babes!" sigaw ni Cali bago sumakay sa kotse nya. Hinatid nya kase ako sa school. Dito kase ang meeting place.

"yiieeehhh!"

"Si Mam lumalablyf oh!"

"Sana oil!"

Sigawan nang mga estudyante kaya napailing nalang ako. Sasakalin ko talaga si Cali pagbalik ko.

"Akin na nga yan lovergirl. Ang aga-aga ang landi." Sabi ni Nica at kinuha ang mga gamit ko para isakay sa van na gagamitin namin.

May mga truck kaming kasama laman nang mga pagkain at ilang school supplies. Meron din kaming dalang med kit sponsor nila Tatay. Ipapamigay namin lahat yun mamaya.

Napairap naman ako sakanya at naglakad na papunta sa van kung saan ako sasakay. Nag sitting arrangement na daw sila kanina.

"Sinong kasama ko dito?" Tanong ko kay Nica nang nasa tapat na kami nang van.

"Uhmm.. Tatlong teachers kayo dyan tsaka pitong eatudyante." Sabi nya habang nakatingin sa listahan nya.

"Okay. Sa harap nalang ako." Sabi ko at akmang papasok na nang makita kong may tao na pala sa loob. Si sir Paul pala, tulog na sya kaya hindi ko na ginising.

Pumwesto nalang ako sa unang row nang upuan sa likod tabi nang bintana.

Busy akong kinukulit ni Cali dahil mamaya daw ay baka walang signal sa pupuntahan namin at di nya ako ma contact.

Text sya nang text kahit walang katuturan.

Me: Wala ka bang trabaho?
Cali: Para sayo babes wala. 😚
Me: Tigiltigilan mo nga ako sa babes mong yan. 😤
Cali: Yieehhh.. Gumamit sya nang emoji oh. Kilig ako. ☺️
Me: 😑

Nababaliw nanaman talaga sya. tsk tsk.

Naramdaman kong may tumabi sakin kaya napatingin ako. Nanlaki ang mata ko nang makita si Sitara. Tinaasan nya naman ako nang isang kilay.

"What?" Mataray na tanong nya sakin kaya napalingon ako sa ibang upuan. Puno na pala. Kaya naman pala dito sya umupo. Wag ka ngang umasa. Nababaliw ka nanaman self. Wag peeler tsk.

Umiling nalang ako sakanya at ibinalik ang tingin sa cellphone ko.

Cali: Babes haa.. Wag mo kong pakiligin masyado.
Cali: I love you too! 🥰
Cali: Uy babes!
Cali: Nahimatay ka na ba sa kilig ha?

Ang kulit talaga nang isang to. Naramdaman kong umandar na ang sasakyan. Mahabahabang byahe to.

Me: Hindi ka ba napapagod mag type ha?

Naramdaman kong gumalaw si Sitara kaya napatingin ako sakanya. She's now crossing her arms at ang dilim nang aura.

I just shrugged. Hindi ko naman sya mababasa. Ayoko nang mag try. Masasaktan lang ako.

Cali: What? OMG! Is that a sign na tawagan kita ha? yiiieehhh!
Cali: Ikaw babes ha.. Pasimple ka manlandi.

Natawa ako sa reply nya. Siraulo talaga to.

"yieehh.. Si Mam oh kinikilig!" Sabi nang isang estudyante sa likod. Lumingon ako sakanila at umiling.

"Oy hindi ah!" Depensa ko sakanila.

"Ano ka ba Mam. Okay lang yan, wag ka na mag deny." Natatawang sagot nang isa pa.

"Kasama lang kanina miss agad. Yieeehhh.." Kinikilig na sabi nung isa kaya napailing nalang ako. Mga version din pala to ni Cali. jusme.

Nag aayos na ulit ako nang upo ay nagtama ang tingin namin ni Sitara dahil nga lumingon ako sa likod kanina.

Masama ang tingin nya sakin. Napakunot ako nang noo. I mouthed "what?" pero inirapan nya lang ako. Ano nanamang problema nang isang to? tsk.

Once a maldita, always a maldita. tsk. tsk.

Every Picture Tells A StoryWhere stories live. Discover now