Chapter 23 (2/10/2015)

Start from the beginning
                                    

Dinaanan ko siya pero hindi ako tumingin sa kanya. Dumaan ako sa tabi niya na parang wala siya. Pero hindi pa ako nakakalayo sa kanya nung hinawakan niya ang kaliwa kong braso. I immediately flinched at his touch. Andun pa din ang parang kuryente na dumaloy sa katawan ko the moment he touched me. And that same current woke me up. As if it melted the coldness that I’ve felt in my heart a while ago  only to be replaced by a searing pain. A pain so real that I wanna see if indeed my heart is bleeding.

“Mandy, saglit. Mag usap muna tayo please.” The pleading in his voice didn’t touched me. Pero dahil hawak niya ang braso ko, hindi ko natuloy ang paglalakad. Tumigil ako at humarap sa kanya at the same time taking my arms away from him. Again I looked at him coldly.

And before I could even stop myself, my right palm landed on his cheek. And it sting. Sa lakas ng pagkakasampal ko sa kanya sumakit ang palad ko pero walang wala ang sakit ng palad kumpara sa sakit na nararamdaman ko ng puso ko.

Hindi ko na tiningnan ang reaction niya. Pagkasampal ko sa kanya agad akong naglakad palabas ng bahay nila. Binuksan pa ng katulong nila ang pinto para sa akin kahit na kitang kita sa mukha niya ang gulat dahil siguro sa nasaksihan. Pero wala na akong pakialam. The hell I care.

Nagmamadali akong naglakad papunta sa kotse ko pero kung kelan naman ako nagmamadali tsaka ko hindi makita ang keyless remote ng kotse ko. Dahil siguro nanginginig ang kamay ko.

“Nasaan na ba yun?” Kulang na lang itapon ko ang lahat ng laman ng bag ko sa paghahanap ng keyless remote pero hindi ko mahagilap and I become frustrated. I pour all the contents of my bag on the hood of my car at kasabay ng pagkalaglag ng mga gamit ko ang pagtulo ng mga luha ko.

Hindi ko na alam kung ano ba ang iniiyakan ko. Ang hindi ko mahanap na keyless remote o ang lahat ng nangyayari sa akin.

And I sobbed and sobbed in front of my car. Hindi basta tahimik na iyak, I sounded like a wounded animal. My shoulder and my whole body is shaking dahil sa pag iyak ko hanggang sa napaupo ako sa harap ng kotse ko and I hugged my knees while crying my heart out.

Then I felt someone hugged me.

“Tahan na. Stop crying please. Mandy please, let’s talk. We need to talk.” Napatingin ako sa kanya and he attempted to wipe my tears pero pinalis ko ang kamay niya tapos tinulak ko siya ng mahina at tumayo. Inalalayan naman niya ako at hinayaan ko lang siya.

Pagkatayo ko kinuha ko ang panyo ko at dun ko nakita ang keyless remote. Pinunasan ko ang mukha ko at pinulot ang mga gamit ko na nahulog kanina. He helped me pick my things and I let him.

“Saan tayo pwedeng mag usap?” Mahinang tanong ko at namamalat ang boses ko. Pero gusto ko nang tapusin to. Gusto ko na ding umuwi para may laya akong umiyak ng umiyak sa kwarto ko. Kaya naman mas gugustuhin ko pang malaman ang totoo ngayon mula sa kanya kahit na alam kong lalo akong masasaktan. Parang isang bagsakan ng sakit na lang. Siguro naman hindi na ako magbbreakdown sa harap niya.

“Let’s get inside.” Tumango ako at nagtangka siyang alalayan ako pero nagbigay ako ng distance.

I saw him clenched his jaw pero hindi na ako nag comment. What for?

Nauna na siyang naglakad at sumunod ako sa kanya. Hindi kami dumaan sa front door. Instead sa isang pathway kami dumaan hanggang sa makarating kami sa den. Then he opened a door leading to a room na sa tingin ko ay library dahil sa dami ng libro.

The Gay Who Stabbed MeWhere stories live. Discover now