1

22 1 0
                                        

Surprise



"Oh—Margaux? Akala ko ba magshi-shift ka na?" Dean's expression lit up from being down to being excited upon seeing me. Inirapan ko kaagad siya noong marinig ko ang boses niya. Kukulitin na naman ako nito!

"Tingin mo ba makikita mo ako rito kung nag-shift ako?" sarcastic kong sagot sa kanya nang makalapit. His annoying smile grew even wider. Hindi pa man nagsisimula ang klase, bad mood na ako dahil sa makulit na 'to.

"Mabuti naman at hindi ka nag-shift. Walang maganda sa block natin kung aalis ka—"

Hindi na natapos ni Dean ang sasabihin niya nang ihampas ni Lorraine ang hawak nitong notebook sa kanya. Naupo ako sa bakanteng upuan sa tabi ni Jasmine na abala sa ginagawa sa kanyang cellphone.

"Narinig ko 'yon, gago ka," sabi ni Lorraine habang paulit-ulit na hinahampas ang notebook kay Dean. Mabuti nga sa kanya.

"Tara na nga, Dean. Next time ka na magpapansin sa crush mo."

Hinila ni Josh si Dean palayo sa galit na si Lorraine. Malamang maglalaro na naman ng computer 'yong mga 'yon.

"Hoy! Saan kayo pupunta?"

Napatingin kaming lahat kay Jasmine no'ng bigla siyang magsalita. "Ang sabi ng ibang upperclassmen, nagpapa-surprise quiz daw si Sir Mallari kapag hindi kumpleto ang attendance!" she shouted.

"First day pa lang naman," Josh replied, earning a glare from Jasmine.

"Pag biglang nagpa-quiz si Sir, kasalanan ninyo. Math pa naman 'yon," Lorraine blackmailed.

"Hindi 'yan! Bye! See you tomorrow, babes!" Dean winked at me. I almost threw up. Tiningnan ko ang oras at napansing limang minuto na lang pala ay magsisimula na ang klase. Wala pa ang professor kahit na time na. He can't be strict to time when he himself is late, right?

"Hindi pa ba tayo papasok?" I asked. Nabibilad na rin kasi sa inuupuan namin na silong at sobrang tirik ng araw ngayong katanghaliang-tapat.

"Tara na," Lorraine said. Nauna itong pumasok sa bukas na silid at biglang napahinto.

"Bakit?" Jasmine asked.

"Nandito na si Sir," Lorraine replied. Napasilip ako mula sa pinto. He looked old and strict. Binabawi ko na ang sinabi ko kanina na hindi siya strict sa oras. How long has he been here? Bago pa kami dumating sa labas?

We greeted him upon entering but he didn't greet us back. Tahimik na pumasok ang lahat sa loob. We chose to seat at the back to avoid the professor. The room was filled with silence and fear. Parang kahit third year college na ako, hindi pa rin ako nasasanay sa takot at kabang dala ng mga terror professors.

"The list says I should have 29 students in this class. Where are the others?" Sir Mallari asked while fixing his eyeglasses. Walang sumagot sa amin, lahat nanatili ang tingin sa harap at walang gustong makasalubong ng tingin si Sir.

"Where are the others?" he repeated the question. Naramdaman ko ang pag-vibrate ng aking cellphone sa loob ng bag. I fished for it and read the message sent to our group chat.

Jasmine:

Kung sino man ang may contact kay Josh at kay Dean, pabalikin ninyo naman sila, please.

Napatingin ako kay Jasmine. Hindi ko napansin na sinend niya 'to, samantalang magkakatabi lang naman kami. As expected of our Block Mayor.

"Wala?" Sir Mallari.

"Aba, first day na first day pa lang, tatamad-tamad na," he said to himself. E kaya nga tatamad-tamad pa kasi first day pa lang?

Defying the LimitsStories to obsess over. Discover now